Chapter 6

2342 Words
Gino 11:00 PM na nang mapatingin ako sa wall clock ko. Kakagising ko lang ngayon matapos kong palayasin ang Sweetie na ‘yon dito sa condo ko. ‘Di na tuloy ako makatulog sa lintek na babaeng ‘yon. Kaasar! Napatayo pa ako sa kama ng wala sa oras. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng beer. Bumalik ulit ako sa kwarto at do’n na uminom. Gusto kong kumain. Pero tengene lang walang laman ang ref kundi tatlong piraso ng itlog. Puro alak. Gusto kong batukan ang tatay kong gurang para ibalik ang mga credit cards ko. Pero shete lang next month pa niya ibabalik dahil sa nadamage ko sa isang walang kwentang Bar. May pera pa naman ako at makakabili ng pagkain para ilagay sa ref. Ang kaso puro noodles na lang kinakain ko. Nakakasawa shete. Makabili na nga lang ng chichirya sa mini stop. Lumabas ako ng condo at pumasok sa elevator. May kasabay akong magshota. Mukhang kakatapos lang nilang gumawa ng hiwaga, ah. Wala akong pakialam. Napansin kong tinitignan ako ng babae sa salamin. Nasa likod ko sila ng kasama niyang lalaki. Taksil. "Hoy ikaw. Bantayan mo ‘yang babae mo. Ang likot ng mata." matalim kong sabi sa lalaking kasama ng babae. Pagkasabi no’n, bumukas na ang elevator at lumabas na ako. Narinig kong nagsalita ang babae at ganoon na lang kabilis ang paghihiwalay nila. Taksil na babae. Dapat diyan dinudukot ang mata. May kamay na pumulupot sa braso ko. Yung taksil. Shete. "Hi, honey. Wanna go out with me?" she asks in a flirty way. Tumigil ako sa paglalakad. "Hoy, lumayas ka sa paningin ko kung ayaw mong ingudngod kita sa putikan." matalim kong sabi. Tiningnan ko siya ng masama. Yung tingin ng isang halimaw. Mas gusto mo ng lamunin ka ng apoy kaysa makipagtitigan sa’kin. Nagulat siya pero pandalian lang. Lakas ng loob ng babaeng kaladkarin na 'to. Tae. She caressed my face, "No, honey, I know you want me too. Let's spend the whole night together," Halatang sanay na ‘to. Hmm... I wanna play with this b*tch. "You're right. I want you. I really want you." wika ko. She grinned. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at humarap sa kanya. Hinapit ko siya malapit sa’kin. "I want you..." unti-unti ako lumapit sa kanya, "I want you..." "Don't be so excited, honey," she caressed my face down to my chest. Para siyang barakong babae. Para siyang sumasabak sa illegal car race. Pula ang buhok. Well, I'm not scared, though. Wala akong kinatatakutan. "Do you want to--" Napaupo siya sa sahig sa lakas ng pagtulak ko. "I don't wanna see your f*ckin' face again here. So, better get lost, b*tch!" Tumalikod na ako. Bago pa ako humakbang, sumigaw siya. "You'll pay for this you bastard!" Habang nakatalikod ako, sinilip ko siya sa sulok ng mata ko. Natawa ako at napailing. Gusto ba niyang kalabanin ang isang Gino Castelvi? Baka pagsisihan niyang nabuhay pa siya sa mundo. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad hanggang sa makalabas na ako ng building. At nagulat ako sa nakita ko. Bakit nandito pa 'to? May dalawang hinayupak na lalaki ang sinasamantala ang isang kutong natutulog. Malapit nang mahawakan ng isa ang mukha ni Sweetie nang magsalita ako. "Hoy," tawag ko. Tumingin sila sa’kin at tinignan ko sila ng napakamasama. Para silang nakakita ng halimaw sa gabi. Lumapit ako sa kanila. At akmang susuntukin ng may pumigil sa braso ko. "Gino waaag! Mga kuya, alis na po kayo daliii!" "Bakit mo ako pinigilan?! Pakialamera ka talagang kuto ka." Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "Mananakit ka na naman kasi, eh. Kawawa naman ‘yong mga kuya!" sigaw nito sa'kin na akala mo galit na galit pero hindi halata dahil sa maamo niyang boses. Hindi niya alam ang sinasabi niya. ‘Di niya nakitang pinagsasamantalahan siya ng dalawang hinayupak na pinatakas niya. Tsk. Tangna, eto na naman ako. Ano bang nangyayari sa’kin kapag kaharap ko ‘tong kuto na 'to, ha? Wala ng silbi para sabihin pa sa kanya ‘yon. Isa siyang pagong. Slow. Tsk. Makaalis na nga at nang makakain na ako, lintek! "Umuwi ka na nga sa bahay mo! Perwisyo ka." "Wala na akong bahay, eh. Pinaalis ako. Patirhan mo na kasi ako sa condo mo puh-lease? Kahit ‘di na ako magsweldo okay lang sa’kin. Sige naaa," at ginamit na naman niya ang mata ng isang tutang naiiyak. Nagitla ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Aish! Wag ka sabing--" Teka. Napaisip ako. Kapag pumayag ako, may magluluto at maglilinis na ng condo ko. ‘Di na rin gagastos para magpa-laundry. Magkakaroon pa ako ng utusan na walang sweldo. Hmm… "Teka, marunong ka bang magluto?" Biglang sumaya ang mukha niya at tumango tango. "Eh, maglaba?" "Syempre nomon!" "Maglinis?" "Oo na oo! One thousand percent!" masigla niyang sabi. Pumayag na kaya ako? "Hmm..." "Payag ka na puh-lease?" "... Sige payag na ako. PERO!" Magsasaya sana siya pero natigilan siya. "Sige kahit ano pa ‘yan papayag ako!" puno pa rin siya ng sigla. Gabing-gabi na, saan niya kaya nakukuha ang enerhiya na ‘yan? "Ipagluto mo ako ngayon nagugutom na ako," "Hating gabi na , eh. Wala nang bukas na tindahan sa ganitong oras. Malayo ang palengke dito," "Eh di lakarin mo! Arte! Bilisan mo na!" "Teka, ano bang laman ng ref mo? Baka may pwedeng iluto sa mga nakastock mo do’n," How I wish. Pero tatlong itlog lang ang mayroon doon. Alangan namang iluto niya ang beer at gawing sabaw? "Tatlong itlog lang. May bigas pero ‘di ko sinasaing. Tinatamad ako." ‘Di lang talaga ako marunong. Pero tinatamad din. ~*~ "Sige okay na ‘yon. Ipagluluto na lang kita ng pritong itlog at ipagsasaing na rin." nakangiti nitong sabi. Nasa loob lang ako ng kwarto ko at nanonood ng WWE habang nagluluto siya sa kusina. "Gino, halika luto na ang pagkain," nakangiti nitong sabi nang sumilip siya. Tumingin ako sa babaeng naka-apron sa may pintuan ng kwarto. Tumayo na ako at lumabas para kumain. "Bakit dalawa ang plato?" Umupo na ako. Umupo din siya na kaharap ko. "Makikikain na din ako. Di pa ako kumakain, eh." sabi nito na nakahawak sa kanyang maliit na tiyan. "May pinagusapan ba tayo sa pagkain?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha? Ah-eh... oh, sige..." nalungkot ang mukha niya. Tumayo siya at kinuha ang plato niya para ibalik siguro sa kusina. Ang lungkot niya. Aish! Naawa na yata ako? Tsk! Lintek talaga 'tong babaeng 'to ‘di ako makatanggi sa kanya. Pansin ko rin ang pamumutla niya. "Kumain ka na." paiwas kong sabi. Dahil doon napatigil siya sa paglalakad. Umupo siya ulit. Dahil glass ang mesa, nakita ko ang mukha niya. Nabuhayan siya at ngumiti ng malawak. "Salamaaat!" "Tss." "Wait! Pray muna tayo." awat niya. Parang awat ng isang mediator sa isang away sa kalye. Naka letter T kasi yung kamay niya at talagang nakaladlad. Mukha siyang ewan. "Bakit pa? Kaartehan," saway ko. Hinampas niya ang kamay ko bago ko pa makuha ang kanin. The hell! Hinampas lang naman niya ang kamay ng hari at kilabot! Who in this f*****g world would do that to me?! "Teka! Kahit kailan hindi kaartehan ang pagpapasalamat sa Panginoon, Gino. Magpasalamat muna tayo sa Kanya dahil binigyan niya tayo ng pagkain." Pumikit siya at yumuko. Ipinagdikit niya ang mga palad niya. Tiningnan ko lang siya habang kumikibot ang ugat sa sentido ko. I am really, really close to snapping out at patumbahin ang babaeng ‘to. But then, sa tuwing nakatitig ako sa kanya, nawawala iyon sa isang iglap. Who is this freaking girl? "Lord, salamat po sa blessing na 'to na ibinigay Mo samin. Busugin Mo po kami sa pagkain na nakahain sa harapan namin. Salamat po. Amen," Napaka isip-bata naman ng babaeng kuto na 'to. Sobrang kinaiinisan ko ang mga katulad niya, eh. Pero ngayon may kasama akong katulad niya sa condo ko, putek. "Pwede na? Tumango-tango siya. Pagkatapos kumain, pumasok na ako ng kwarto habang hinuhugasan niya ang mga plato. 12:30 na ng madaling araw pero ‘di pa rin ako makatulog. Tsk. May babae pa sa condo ko. Pumayag akong tumira siya dito dahil libre ang ibibigay niyang serbisyo sa'kin. At… dahil sa teary puppy eyes niya. Aish! Mangkukulam yata ‘yon, eh! Walang’ya kinulam yata ako?! This is crazy! Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Gino. Sumilip siya na ulo lang ang nakalabas. Nagmamasid siya. "Uh... Gino, pwede mo ba akong pahiramin ng T-shirt? Wala kasi akong damit, eeh." Waaa, nahihilo talaga ako. Pagod na pagod ako. Lumapit sa’kin si Gino. Nakatayo lang siya. "Good job. Mabango na ulit ang condo ko. Next ang kwarto ko." Eh, boss naman talaga siya eh. Ng mga basagulero nga lang. Pero gwapo nomon. Waaaa. T-shirt ‘yong binanggit ko, eeh. Hindi yung paglilinis. Hay. "Bukas...ko na lang...linisin ha?" "No. I want you to do it NOW. Kung ayaw mo," tinapat niya ang kamay niya sa pinto, "pwede ka ng lumayas." "Hi-hindi! Eto na...tatayo na ako..." Pinilit ko pa din tumayo kahit na nanghihina ako. Simula no’ng bata pa ako, ganito na daw talaga ako sabi ng mama ko. Hindi daw maganda sa akin ang napapagod ng sobra. Pero kailangan kong gawin ‘to. Wala akong matitirahan kapag ‘di ko ‘to ginawa. Lord, bigyan mo pa po ako ng lakas please. Kahit three na ng madaling araw, naglinis pa din ako. Nasa kama lang siya nanunuod ng wrestling at umiinom ng beer na naman habang naglilinis naman ako. Naka anim na bote na siya pero konti pa lang ang tama niya. Nakatungkod ang kamay niya sa ulo niya at nakatagilid habang nakahiga. "What are you staring at? Bilisan mo maglinis naaalibadbaran ako sayo." "Pasensiya na. Bibilisan ko na... uhm... pahiram ako ng T-shirt, ha?" Nahihilo na talaga ako. Sobrang umiikot na talaga ang paningin ko. "Bakit ganyan ang boses mo? May sipon? ‘Wag mo ako lalapitan mahahawa ako." "Uh...pwede ko bang ipagpatuloy na lang ang paglilinis...mamaya? Gusto ko na kasi... magpahinga." Di ko na alam ang nangyayari sa paligid. Hilong-hilo na ako. At sobrang nilalamig na. Sobrang lakas ng aircon at natuyo na ang pawis sa likod ko. "Hinde. Lumayas ka na lang kung ayaw mong maglinis," "H-hindi...si-sige...ipagpapatuloy ko..." Biglang nagdilim ang paningin ko. "Sweetie!" ‘Yan na lang ang narinig ko pagkatapos ay nawalan na ako ng ulirat. ~*~ Gino Aaahhh! Bakit ba ako nag ampon ng katulad niya? Este nagpatira sa kanya? Nawalan siya bigla ng malay sa may paanan ng kama ko. Shete, ayaw magising! Ang putla niya sobra. Teka, kumain naman siya kanina ah? Eh, ano bang nangyare? Sinalat ko ang noo niya at nanlaki ang mata ko. Pwede na akong magprito ng itlog sa noo niya. Ang taas ng lagnat niya! Anong gagawin ko?! Walang’ya naman, oh. Bakit kasi hindi ako nakikinig sa lessons sa school tungkol sa mga ganyan. Tsk! Ano? Ano nga ulit sinabi ko? Kailan pa ako nag-aral ng mabuti? Peste! Aish! Nilalagnat nga pala si Sweetie. Tsk! Binuhat ko siya at inihiga sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tawagan ko kaya yung anim? Eh, mas walang alam mga pesteng ‘yon. Tsk. I paced back and forth, thinking on how can I solve this damn problem. Kailan pa naging tagapag-alaga ng may sakit ang katulad kong masama? Wait… May napanuod ako minsan sa TV na pinapalitan ng nanay ang baby niya dahil puno ito ng pawis at baka matuyo iyon sa likod nya. Nanlaki na naman ang mata ko. Papalitan ang damit? Ako? Ang magpapalit? Tiningnan ko siya. Nanginginig siya at sobrang pinagpapawisan. Teka, ako ang magpapalit ng damit niya?! Walang’ya naman, oh! Ba't ako!? "Ehem! Ehem!" Inuubo na siya! Ano ng gagawin?! Napatingin ako sa may aircon. Nakatodo pala. Tumakbo ako malapit dun at ni-low ko. Bumalik na ulit ako sa tabi ni Sweetie. T-shirt! May di na ako kasiyang T-shirt dito, eh. Kumuha ako ng T-shirt sa cabinet. Kaya ba nanghihiram siya kanina pa dahil pawis na pawis na siya? Pansin ko naman ‘yon kanina habang naglilinis siya. At namumutla na talaga siya. Ang akala ko kasi tawag lang ng kalikasan kaya nagkukunwaring gusto ng magpahinga pero maglalabas lang pala ng sama ng loob sa banyo. Mali ako. Kailan ba ako naging tama kahit sa mga maliliit lang na bagay? Palagi akong mali. Mali ako sa paningin ng iba. At isa akong malaking pagkakamali ng mga magulang ko. Pero mas mali ang pakawalan ang taong nagparamdam sayo na tama ka. Bumalik ako sa tabi ni Sweetie. No choice. I have do it on my own. Ako na ang magpapalit ng damit niya. Oy, di ako sumisilip. Nakatingin ako sa kisame. Automatic na nakatingin ang mata ko sa ibaba. Aish! Gino sa KISAME! Binihisan ko siya ng hindi tumitingin sa kanya. Ang hirap pala ng ganito! Pagkatapos ng sampung minutong pahirapan sa pagpapalit sa kanya, tumakbo ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo. Nilagay ko ‘yon sa mainit na mainit niyang noo. Nasa gilid lang niya ako habang pinagmamasdan ang maputla niyang mukha. Ang inosente niya. Hayan, naalala ko na naman ang taong nagparamdam sa’kin na hindi ako isang pagkakamali sa mundong ‘to. Siya ang nag-alaga sakin no’ng nilagnat din ako. Siya ang nagbantay sa’kin hanggang sa gumaling ako. Siya ang... Teka... bumabalik na naman. Tsk! Ayoko ng maalala. Nasasaktan na naman ako. Kasabay ng pag-alala ko sa kanya, naalala ko ang ginawa niya ng nilagnat din ako. Humiga ako sa tabi ni Sweetie at niyakap siya. Ito lang ang alam kong paraan sa mga ganitong sitwasyon. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Niyakap ko pa ng medyo mahigpit ang mainit niyang katawan. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya at niyakap din ako. "M-mama... wag mo akong... iiwan." Nagdedeliryo na siya. Sweetie… bakit ang gaan ng loob ko ngayong kayakap kita? Parang… ikaw siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD