Sweetie Nagstart na ang laban. Nakapwesto na ang lahat. Mukhang pinaghandaan ng mga kalaban nina Gino ang laban na ‘to. E, sina Gino mismo pa-cool-cool lang, eeh. Parang alam na alam na nila ang gagawin. Hindi ko inaalis ang pagdikit ko sa dalawang palad ko sa kakapanalangin. Gusto ko talagang makuha nila ang Charity, eeh. Si Gino ang nagsisilbing captain ng grupo nila samantalang si Damulag naman sa kabilang grupo. Kumikinang ang mga mata ko. Ampogi-pogi ni Gino, parang si Rukawa lang. Ang seryoso at ang tahimik niya doon sa court habang hinihintay na ihagis ng referee ang bola. Err. Si Damulag naging Gorilla! Nanlalaki ang mga butas ng kanyang ilong. Ang team ni Gino ang pinaka-cool! Mukha lang silang pa easy-easy. Sigurado akong mananalo sila. Abot hanggang tainga ang aking ngiti