Sweetie Nandito kami ngayon sa condo ni Gino. "Gino isama kaya natin ang buong G.A.7?" masayang sabi ko. "G.A.7? Ang baduy. Tsh," wala sa mood na sabi ni Gino. "Anong baduy? Ang ganda kayaaa!" pagpupumilit ko. "G and A means Guardian Angels. E ‘di ba 7 kayo? Kaya G.A.7!" "Tsh. Baduy! Tara na nga at ng makapunta na ako sa mini bar," tumayo siya at lumabas agad. "Okay, taralets!" "Teka, Gino, wag kang basta-basta pumapasok baka ‘di ito yung pinupuntahan natin." Dire-diretso ba namang pumasok sa loob ng gate nung orphanage. Maaga pa kasi 6:30 pa lang ng umaga. Wala pang masiyadong taong gising. Lumabas siya ulit at tumabi sakin. "Kaasar. Bakit kasi address lang ang binigay walang pangalan. Tang*na yun, f*ck." "Gino! Wag kang magmura bad yan!" Umiling ako ng mabilis. "Paki mo ba? E