3

1117 Words
"Ate... hindi po ba nakakahiya na dito muna ako titira?" nahihiyang wika ni Elara sa kapatid. "Hindi. Kaya nga pinagpalit ko na ang kuwarto n'yo ni manang para hindi mo na kailangan pang pumunta dito sa bahay. Parang nakabukod ka na rin," saad naman ni Cara. Nagpatayo kasi ng maliit na bahay si Cara sa bakanteng lupa nila doon na siyang magiging tirahan sana ng kanilang kasambahay. Para may privacy din ito at magawa ang kung anong puwedeng gawin. Nasa likod iyon nakatayo. Likod ng malaking bahay ng mag- asawang Clyde at Cara. "Sige po, ate. Marami pong salamat. Sorry talaga naging pabigat pa ako sa inyo. Kung kailan tumanda na ako, doon pa ako naging pabigat," wika ni Elara sabay yuko. Hinawakan siya ni Cara sa kamay. "Magkapatid nga talaga tayo. Parehas tayong nasaktan sa unang lalaking minahal natin. Pero mas malala nga lang ang akin. Mabuti sa iyo, hindi pa ganoon kalala kasi hindi pa kayo kasal. Maging aral na iyan sa iyo na huwag mong masyadong ibubuhos ang pagmamahal mo sa isang taong hindi mo pa lubusang kilala. Naubos tuloy ang pera mo dahil sa g agong iyon. Hindi nakapaghintay. Mabuti na lang, hindi ka bumigay agad." "Siguro nga po iyon ang dahilan kung bakit hindi ko mabigay sa kaniya ang pinakaiingatan ko. Dahil hindi pala niya deserve." Bumuntong hininga si Cara. "Kaya ang mabuti pa, alisin mo na takaga siya sa isip mo, ha? Kapag nakipagbalikan, huwag mong babalikan. Marami pang lalaki diyan. Kung ako sa iyo, maglibang ka. Tamang harot ka lang muna. Tamang landi- landi pero huwag magseseryoso. Enjoy mo lang muna ang pagiging dalaga mo, okay? Flirting lang. No commitment muna." Tumango naman si Elara bilang pagsang- ayon. "Opo, ate. Salamat po." “Sige na. Ayusin mo na ang mga gamit mo doon. Tamang- tama iyan sa iyo para may privacy ka. Kapag may gusto kang gawin, hindi ka maiilang.” “Salamat po talaga, ate. Bukas po ba mag- work na ako sa bookstore nyo?” “Oo ikaw na ang bagong staff doon. Umalis kasi iyong isa. Bale dalawa kayo doon ng dating staff ko. Madali lang naman ang gagawin doon. Basta panatilihing walang alikabok ang mga books, ha?” “Opo, ate. Lagi po iyong malinis sa akin.” Tumikhim si Cara. Kahit na alam niyang may mali rin ang kapatid niya kaya biglang nawala ang lahat sa kaniya, hindi niya nilalait si Elara o sinasabihan ng kung ano pa. Bagkus, kinaawaan niya ito at handang tulungan lalo pa't silang dalawa lang ang magkapatid. At isa pa, naging malawak lalo ang isipan ni Cara simula nang magkaroon siya ng pamilya. "Basta, iyong sinasabi ko sa iyo, ha? Utak na ang pagaganahin mo sa susunod. Bahala ka sa buhay mo kung gusto mong maging pilya o ano. Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Basta kapag naging play girl ka kunwari, huwag kang mag- iiwan ng ebidensya. Huwag kang magpapabuntis," nakaarko ang kilay ni Cara. Natawa naman si Elara. "Naisip ko nga rin po iyan. Kasi 'di ba ang daming play boy? Ang daming mga malalanding lalaki na pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae? Eh kung ano naman kaya ang maglaro ng mga damdamin nila?" Tumawa si Cara. "Bahala ka. Ikaw naman iyan. Basta, inuulit ko huwag kang magpapabuntis sa kahit na sino. Pagsundot lang ang puwede." Humagalpak ng tawa si Elara. "Pasaway ka, ate! Naging loka ka na, ha! Ganiyan ba talaga kapag may asawa na?" Ngumisi si Cara. "Hay naku, Elara! Hindi mo alam ang pakiramdam kapag natusok ng malaking tarubo. Sobrang sarap pakiramdam lalo na kapag taong mahal mo pa ang gagawa no'n. Kapag nag- asawa ka na, baka makarami kayo sa isang beses." Pakisay- kisay pa si Cara nang sabihin niya iyon. Sabagay, hindi naman siya nagbibiro. Naging bonding na rin nila ang sexy time nilang mag- asawa. Talagang pinatitirik ni Clyde ang mata ni Cara kaya naman happy ang kanilang marriage. Isa rin naman kasi talaga sa nagpapatibay ng isang relasyon ang usapan pagdating sa kama. Ang sexy time ng mag- asawa. "Ewan ko sa iyo, ate! Hindi naman ako naiingit sa iyo kahit na sabihin mo pa kung nakakarami kayo ng asawa mo! Hays, wish ko lang talaga na sana guwapo rin ang lalaking mapangasawa ko." "Manifesting! Maniwala ka, makakatagpo ka rin ng guwapong lalaki na mayroong malaking tarubo! Iyong titirik talaga ang mata mo sa kama!" Lalong natawa si Elara sa kapilyahan ng kaniyang ate. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Naisip niyang iba pa rin talaga ang may nakakausap lalo na kapag may pinagdadaanan. Mas nakakalibang at nakagagaan ng pakiramdam. "Sige na po, ate mag- ayos na ako doon sa bago kong tirahan," ani Elara at saka nagtungo na sa munting bahay niya. May ngiti sa labi si Elara habang nagsasalansan ng kaniyang gamit. Ilang oras din ang ginugol niya bago siya nakatapos sa lahat. Pinalibot niya ang kaniyang paningin sa buong bahay na iyon. Sakto lang ang laki nito para kaniya. Elegante at maaliwalas sa loob ng bahay na iyon. Kompleto na rin sa gamit kaya wala na siyang problema. Nag- message sa kaniya ang ate niya na aalis ito kaya pinakisuyuan siya na tingnan - tingnan ang kaniyang pamangkin. Nandoon naman ang kanilang yaya. Kaya hindi naman mahihirapan si Elara na magbantay. "Ang cute mo talaga, Caroline kahit na ang taray mo!" aniya sa pamangkin niyang palaging nakasimangot lang. Ang kambal naman nitong si Callen ay bungisngis at makulit. Si Caroline ay may sariling mundo at tahimik lang madalas. "Hello, Caroline at Callen! Tito is here!" Napalingon si Elara nang marinig ang boses na iyon sa kaniyang likuran. Halos malaglag ang panga niya nang makita ang lalaking naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Nanlalaki ang kaniyang matang nakatingin sa guwapong lalaking iyon na natawa na lamang habang nakatingin sa kaniya. Tumabingi ang ulo ni Clifford. "Wait... anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Asar na tumawa si Elara at saka pinandilatan ng mata ang binata. "Ano?! Ang kapal naman ng mukha mo! At bakit ko naman iyon gagawin? Bahay ito ng ate Cara ko! At pinagbantay niya ako sa kambal na ito na pamangkin ko!" Napalunok ng laway si Clifford na nanlaki na rin ang mata. "What? Kapatid mo si ate Cara na asawa ng kapatid ko?" Mas lalong nagulat pa si Elara sa kaniyang narinig. Tila pinagpawisan siya kasabay ng panunuyot ng kaniyang lalamunan habang si Clifford ay napailing na lang sabay tawa. Hindi niya akalain na ang lalaking nakahalikan niya sa club na iyon ay bayaw ng kanyang ate. Ang malokong kapatid ni Clyde na kabaliktaran ng kaniyang ugali. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso kasabay ng pag- iinit ng kaniyang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD