bc

Makasalanang Gabi ni Bayaw

book_age18+
647
FOLLOW
4.6K
READ
billionaire
forbidden
love-triangle
HE
age gap
fated
second chance
pregnant
badboy
heir/heiress
bxg
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

Mature Content/Rated SPG

Ang hot at wild bayaw na si Clifford ang magpapainit ng gabi ni Elara!

Ipinagkatiwala ni Cara sa kaniyang bayaw na si Clifford ang kaniyang kapatid upang bantayan ito at protektahan. Ngunit hindi maiwasang maakit ni Clifford sa gandang mayroon ang dalaga! Mapipigilan kaya ng binata ang nararamdaman niya para sa kapatid ng kaniyang hipag?

chap-preview
Free preview
1
"Clyde! Ang kulit ng anak mo, grabe! Pagod na ako!" maktol ni Clifford sa kaniyang kambal na si Clyde. "Alagaan mo muna iyan. Magde- date lang kami ng ate Cara mo," wika ni Clyde sa kapatid. "Okay sige bilisan niyo lang dahil ako naman ang aariba mamaya," ani Clifford sabay kindat. Nag- enjoy naman si Clifford sa pagbabantay ng kaniyang mga pamangkin. Hindi nga niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagod. Nagulat nga siya dahil mabilis na lumaki ang kaniyang mga pamangkin. Parang nakaraan lang, maliliit pa ito noong nakaka- video call niya ang kambal. "Clifford... sorry ngayon lang kami. Salamat sa pagbabantay sa kambal..." Umunat- unat muna si Clifford sabay ngiti. "Ayos lang, kuya. Nag- enjoy naman akong bantayan sila kahit makulit. Sa susunod ulit, dalaw ako dito para makipagkulitan sa kanila kapag wala akong ginagawa." Tumawa si Clyde. "Wala ka naman talagang ibang ginagawa kundi mambabae lang. Ako na nga ang nagpapatakbo sa kompanya natin pati na sa ibang negosyo eh. Magbantay ka na lang ng pamangkin para may magawa ka." Tumulis ang nguso ni Clifford. "Grabe ka naman sa akin, kuya! Hoy! Inaasikaso ko rin ang iba nating negosyo 'no! Basta, kapag wala akong gagawin pupunta ako dito!" Umalis na rin si Clifford matapos niyang maghilamos dahil napahaba rin ang tulog niya. Dumiretso siya sa bagong bili niyang bahay. Naligo at nagbihis muna siya at saka kumain sandali. Pagkatapos, nag- message na siya sa kaniyang kaibigan na si Rain para maglibang ngayong gabi. "Wow! Guwapong- guwapo talaga! Kumusta naman ang pagiging unggoy mo sa probinsya? Ano? Niloko ka pa rin ng babaeng kinababaliwan mo 'no!" pang- aasar na wika ni Rain. Naupo si Clifford at saka nagpakuha na kaagad ng alak. Naalala na naman niya ang ex niyang si Lara. Akala niya, sila na talaga. Akala niya, matinong babae ito lalo pa't probinsyana ngunit nagkamali siya. Naging busy lang siya ng halos isang buwan, nalaman na niyang nakikipagkita ito sa ibang lalaki. Na ex din pala niya. Labis na nasaktan si Clifford kaya siya naging babaerong bigla. Wala na siyang tiwala pa sa mga babae. Wala na siyang pakialam sa mga ito kahit na seryoso pa ito o matino. "Huwag na nating pag- usapan pa ang kupal na iyon. Ang landi niyang hayop siya. Suwerte na nga siya sa akin dahil ibibigay ko sa kaniya ang lahat pero pinagpalit niya pa rin ako sa lalaking lupa lang naman ang mayroon. Walang- wala siya sa kayamanan ko," inis na wika ni Clifford bago nilagok ang alak sa kaniyang baso. "Sabagay, mas masaya ka naman ngayon. Tamang paraos lang sa mga naggagandahang babae. At saka sila pa ang lumalapit sa iyo. Ingat ka lang talaga na huwag silang punlaan. Patay ka talaga." Ngumisi si Clifford. "Ako pa ba? Magaling yata ito!" Pinagmasdan ni Clifford ang mga babaeng nagsasayawan sa gitna ng club na iyon. Humahanap siya ng babaeng matitikman niya ngayong gabi. SAMANTALA, NAMUMUGTO NA ANG MATA NI ELARA dahil kanina pa siya iyak nang iyak. Pero ngayon, wala ng luha pang lalabas sa kaniyang mga mata dahil nailabas na niya. Niloko siya ng kaniyang nobyo sa mismong araw ng anniversary nila ngayon. Four years na sana sila. Nahuli niya itong nakikipagtalik sa isang babae sa mismong bahay na binili niya. Malaki rin kasi ang sahod niya bilang secretary ng isang kilala ring kompanya kaya nakaipon siya. Hindi naman kasi siya umaasa sa ate Cara niya. Ang kapatid niya sa ina. "Sumayaw ka na doon, oh. Para naman maalis iyang sakit sa dibdib mo. Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking iyon. Tama lang talaga na hindi mo binigay sa kaniya ang perlas ng silanganan mo. Dahil kung nagawa mo, ikaw ang lugi. Nawalan ka na, niloko ka pa!" wika ni Dahlia na kaibigan niya. Hinawakan ni Elara ang kanyang sintido. Hindi naman siya palainom ngunit marami na siyang ininom na alak dahil sobrang durog ang kaniyang puso. Nahihilo na siya. Tila nga lumakas ang loob niya kaya nagtungo siya sa mga nagsasayawang tao doon at nakisayaw na rin siya. Para siyang loka- loka kung sumayaw dahil hindi naman siya marunong sumayaw. Ngunit maganda ang kaniyang boses kaya may talento siya sa pag- awit. Sa gitna ng kaniyang pagsasayaw, may isang lalaking lumapit sa kaniya dahil nakuha niya ang atensyon ng lalaking ito. Bahagya siyang nagulat ang sumayaw ito sa kaniyang harapan at natawa na lamang siya. "Hoy, umalis ka sa harapan ko. Ang luwag - luwag ng lugar dito, nakikisiksik ka pa," mataray niyang sabi sa binata habang patuloy pa rin sa pagsasayaw. Natawa naman si Clifford. Nakuha ni Elara ang atensyon niya dahil sa parang tuod na pagsayaw nito. Lalong - lalo na ang maamo nitong mukha na parang isang anghel ngunit ibang klase ang alindog. Pinagmasdan niya ang katawan ng dalaga. Hindi nakakapang- akit ang suot nito dahil nakasuot lamang ito ng simpleng shirt at jeans ngunit kitang- kita ang magandang kurba ng katawan nito. "Gusto kong sabayan kang sumayaw magandang binibini. Naaakit mo ako sa galing mong gumiling..." mapang akit na wika ni Clifford bago hinaplos ang pisngi ni Elara. Napapikit si Elara nang lumapat ang mainit na palad ng binata sa kaniyang pisngi kung kaya naman tinitigan niya ng diretso sa mata ang binata. Hindi niya maiwasang humanga sa kaguwapuhang taglay ng binatang nasa kaniyang harapan. "Please lang... ayoko ng istorbo. Gusto kong maging masaya ngayon. Gusto kong maalis ang lungkot na nararamdaman ko..." malungkot ang tinig niyang sabi. Kumunot ang noo ni Clifford bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Ganoon ba? Gusto mo bang alisin ko ang lungkot na nararamdaman mo?" Napakapit si Elara sa matigas na braso ni Clifford dahil muntik na siyang matumba. Hilong - hilo na siya sa tama ng alak. "Ha? P- Paano?" Pilyong ngumisi si Clifford bago niya hinawakan ang batok ng dalaga at saka niya ito siniil ng halik. Nanlaki ang mata ni Elara at sinubukan pa sanang magpumiglas ngunit tila nanghina siya sa mainit na halik ng binata. At natagpuan na lang ang sarili na tumutugon na pala sa mainit nitong halik.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook