4

1101 Words
"Hoy, puwede ba huwag mo nga akong pinagloloko?! Umalis ka na nga dito! Wala kang karapatang pumasok na lang basta sa bahay na ito! Hindi ka nga namin kilala kaya alis!" pagtataboy ni Elara sa binata. Natawa naman si Clifford. "Okay.... hindi mo ako kilala pero kilala ako ng pamangkin ko," aniya sabay kindat. Tinawag ni Clifford ang kambal at lumapit ito sa kanya. Niyakap niya kambal at hinalikan siya nito sa pisngi kung saan nanlaki ang mga mata ni Elara dahil napagtanto niyang totoo nga ang sinasabi ng binata. Lalong namula ang kanyang pisngi dahil naiisip niya ang pinagsaluhan nilang mainit na halik pati na ang ginawa ni Clifford sa kanya. Ang ginawa nitong pagpalit ng kaniyang damit kaya nakita nito ang kanyang katawan. Lumunok siya ng laway sabay hingang malalim. "H- Hoy! T- Teka nga.... totoo ba ang sinasabi mo na hinawakan mo talaga ang ang.... a- ano... a- ano?" panunukoy niya sa kaniyang hiyas. Pulang- pula ang kanyang mukha na tila ba kasing pula na ng kamatis. Nahihiya siyang itanong ang bagay na iyon ngunit gusto talaga niyang malaman kung totoo nga. Nagtataka rin si Elara sa kaniyang sarili kung bakit iyon pa ang gusto niyang itanong. Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Clifford bago mabagal na tumango. "Oo nga. Bakit ayaw mong maniwala? Huwag kang mag- alala, hinawakan ko lang naman iyan." Nanlaki lalo ang mga mata ni Elara kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao dahil sa matinding inis at hiya. Walang preno talaga ang bibig ni Clifford. "Hayop ka! Ang manyak mo!" Inikot niya ang kanyang paningin doon at nakita niya ang unan sa sofa. Kinuha niya iyon at pagkatapos ibinato niya sa binata. Natatawang sinalo ni Clifford ang binatong unan ni Elara sa kaniya. Natatawa siya sa mukha ng dalaga dahil pulang- pula na iyon sa matinding hiya. Hindi naman kasi siya nagsisinungaling. Talaga namang hinawakan niya ang p agkababae nito at sinilip niya pa nga iyon. Namanghanga siya sa katambukan ng hiyas ni Elara pati na sa kulay nitong mamula - mula. Naisip tuloy niya na baka wala pang lalaking nakauna sa dalaga. Ngunit naisip niya na imposible na iyon dahil sa panahon ngayon,.maraming babae ang maagang bumibigay. Bibihira nga lang siyang nakatikim ng babaeng birhen pa. Pero wala namang kaso sa kaniya kung hindi na birhen ang babaeng makatatalik niya. Ito naman ang kusang bumubukaka sa kaniya at hindi niya niyayaya ang mga ito. "Ang arte mo naman! Dapat magpasalamat ka na lang dahil isang katulad ko ang humawak sa matambok mong ano! Napakagwapo ko kaya! Buwag mong sabihin hindi ka naaakit sa kagwapuhan ko?" mayabang na sabi ni Clifford na kumindat- kindat pa. Naningkit ang mata ni Elara sa inis. Ngunit naghahalo ang nararamdaman niya. Parang naiinis siya na hindi niya maintindihan. 'Pisteng lalaki ito napakalandi! Manyakis pa! Ang lakas ng loob niyang hawakan ang kipay ko! Hindi nahiya! Manyakis!' "Isusumbong kita kay ate Cara sa ginawa mo sa akin! Manyakis ka!" pananakot ni Elara sa binata ngunit muli siyang tinawanan ni Clifford. "Eh 'di magsumbong ka! Hindi naman ako natatakot at saka sino ba ang nakakahiya 'di ba sa atin? Hindi ba ikaw? Paano kung magtanong ang ate mo kung paano nangyari iyon? Gusto mo bang malaman niya na doon ka na tulog sa bahay ko dahil naghalikan tayong dalawa? Sa tingin mo ba hindi magagalit ang ate mo. Kaya sige, magsumbong ka. O 'di kaya ako na lang ang magsusumbong mamaya," ani Clifford sabay ngisi ng mapang asar. Namilog ang mga mata ni Elara at pagkatapos nilapitan niya si Clifford. Nagulat ang binata nang sinakal niya ito. "Aray ko naman! Bakit mo ako sinasakal?" daing ni Clifford sabay alis ng kamay ni Elara sa kanyang leeg. "Subukan mong magsumbong humanda ka sa akin!" asik niya sa binata. Tumawa naman si Clifford. "Ano? Akala ko ba gusto mong magsumbong? Akala ko ba isusumbong mo ako tapos ngayong ako na mismo ang magsusumbong sa ate Cara mo, bigla mong sasabihin iyan? Abnormal ka ba? Teka nga, bakit ka ba nandito? Dito ka ba nakatira?" Umirap si Elara. "Hindi mismong sa bahay na ito, doon sa likod." Kumunot ang noo ni Clifford. "Sa likod? Eh 'di ba bahay yun ng kasambahay nila dito? Pinagawa iyon ni ate Cara para sa kasambahay niya kasi gusto rin niya magkaroon ng privacy ang mga kasambahay niya kapag may gusto itong gawin. Bakit dito ka pala titira? Wala ka bang pera? Sa edad mong iyan wala kang pera? Kawawa ka naman kung ganoon. Magtrabaho ka ng magkapera ka. Tambay ka lang yata eh!" Humalukipkip si Elara bago umikot ang mata. Tinawanan siyang muli ni Clifford. Tawang nang aasar. 'Piste! Anong akala niya sa akin? Wala talagang pera?! Mayroon naman kahit papaano! Muntik lang talaga masimot ng ex kong g ago! Hayop na iyon! Sa kaniya talaga naubos ang pera ko! Walang hiyang manloloko!' "Ang dami mo namang tanong! Wala ka namang pakialam kung dito ako titira dahil hindi naman sa iyo ang bahay na ito. At isa pa, pumayag sila na dito muna ako. Hindi naman ako magiging pabigat at magiging yaya rin ako kahit ng mga pamangkin ko hangga't wala pa akong work. Titingnan- tingnan ko sila kahit may yaya na sila." Tumango- tango si Clifford habang nakangiti. "Okay fine, sabi mo. Ano pala ang pangalan mo? Ako si Clifford." Bumuntong hininga si Elara bago nagsalita. "Elara.... iyon ang pangalan ko. My gagawin ka pa ba dito? Umalis ka na kaya." Umarko naman ang kilay ni Clifford. "At bakit naman ako aalis? Kararating ko lang at saka dito talaga ako nagpupunta kapag hindi ako busy dahil nilalaro ko ang mga pamangkin ko. At saka sinabi ni ate Cara sa akin na tingnan- tingnan ko ang mga pamangkin ko." Humaba ang nguso ni Elara habang pinandidilatan ng mata ang binata. "Pa- ate ate Cara ka pa diyan. Mukhang mas matanda ka pa sa ate ko." "Ano naman? Bilang paggalang na rin iyon dahil asawa siya ng kuya ko. Wala namang masama kung tatawagin ko siyang ate kahit mas matanda ako. Tsk." "Bahala ka. Balik na ako sa bahay- bahayan ko. Ikaw na na bahala sa kanila," ani Elara sabay talikod. "Sandali!" Natigil sa paglalakad si Elara sabay lingon sa binata. "Bakit?" Gumihit ang nakalolokong ngiti sa labi ni Clifford. Napalunok ng laway si Elara dahil makalaglag panty ang itsura ng binata kapag ngumingiti. "Ang ganda ng pangalan mo. Pero mas magandang pakinggan kung itatawag ko na lang sa iyo ay baby girl." Bahagyang nagulat si Elara sa pilyong banat ng binata. Pinamulahan siya ng mukha sabay irap. "Tumigil ka nga! Malanding manyakis!" aniya sabay takbo paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD