Hindi na alam ni Elara kung ano ang nangyari. Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Ang huli niyang naaalala, matapos ang mainit na halik na pinagsaluhan nilang dalawa ng estrangherong lalaki ay bigla siyang nawalan ng malay. At ngayon, nakahiga na siya sa isang malambot na kama. Isang kamang pinangarap niyang magkaroon ng sarili. Lalo pa't nasanay siya sa kama na sobrang nipis na dahil sa kalumaan.
Sa katunayan, hindi naman talaga dapat ganoon lalo pa't may pera siya noon. Binigyan silang dalawa ng kaniyang ate Cara. Sa pagkakaalam niya ngayon, mayaman na ang kaniyang ate. Mayroon na itong negosyo at naging isang writer na rin katulad ng kaniyang asawa. Hindi nga maiwasan ni Elara na makaramdam ng inggit sa kaniyang kapatid lalo pa't sinuwerte ito sa lalaki. Nakatagpo ito ng lalaking matino at mahal na mahal siya. Iyong lalaking handang ipaglaban ang kaniyang ate. Ngunit siya, hinuthutan lamang siya ng lalaking minahal niya. Ang lalaking halos ibigay niya ang lahat ngunit sa huli, niloko pa rin siya.
"Good morning, beautiful lady! Breakfast is ready. Mag- almusal ka muna bago ka umalis."
Nanlaki ang mata ni Elara nang makita ang lalaking nakahalikan niya kagabi. Naka- topless ito kung kaya naman kitang- kita niya ang magandang katawan nito. Ang matipuno nitong dibdib at ang six pack abs nito. Nakapang- aakit din ang biceps ng binata. Sa isip- isip ni Elara, tila kay sarap pisilin nito at himasin.
'Ay piste! Bakit iyon pa ang nasa isip ko? Pero bakit ba kasi ang matcho naman ng lalaking ito? Seryoso ba ito? Ang lalaking nakahalikan ko kagabi ay siya? Para siyang isang modelo! Ang kisig! Ang sarap! Este ang guwapo!'
Pinandilatan niya ng mata ang binata upang itago ang kaniyang paghanga. "Hoy! Anong ginawa mo sa akin kagabi?" pagalit niyang sabi.
Sinilip niya ang kaniyang sarili sa nakataklob na kumot sa kaniyang katawan at nakita niyang may damit siya. Nakasuot siya ng malaking t- shirt at pajama na pagmamay ari ng binata. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
"Well... balak na sana kitang... alam mo na iyon. Tikman..." ngumisi ng nakaloloko si Clifford matapos niya iyong sabihin kaya napalunok ng laway si Elara.
"Pero naudlot. Nawala ang libog ko sa iyo dahil panay ka iyak. Mukhang niloko ka yata ng dati mong boyfriend. Hindi ko alam kung matatawa ako sa iyo o maaawa dahil ang pangit mo umiyak. Tulo pa ang sipon mo. Wala akong ibang ginawa sa iyo kun'di ang binihisan ka."
Nanlaki ang mata ni Elara. "Ha? Eh 'di nakita mo---"
"Of course. Infairness, matambok ha. Malaman. Masarap kainin. Huwag kang mag- alala, hinimas ko lang ito sandali at saka binihisan na kita," ani Clifford sabay kindat.
"Bastos!" asik ng dalaga.
Tinawanan siya ni Clifford. "Well, natural lang iyon sa akin. Hindi naman sa bastos. Manyak lang? Sige na. Kumain ka na at magbihis bago pa ako may gawin sa iyong hindi mo magugustuhan."
Umalis na ng silid na iyon si Clifford matapos niya iyong sabihin habang si Elara naman ay pinagpawisan ng malamig. Nakaramdam siya ng matinding hiya. Nag- init ang pisngi niya sa isipang hinimas nga ni Clifford ang kaniyang hiyas noong siya ay natutulog.
'Pisteng lalaking iyon! Bakit parang natural lang sa kaniya na sinasabi iyon? Masyado siyang honest! Baka manyak nga talaga siya! Pero bakit parang bagay lang sa kaniya na maging manyak? Parang ang sexy tingnan? Piste! Hindi ako dapat maakit sa manyak na katulad niya porke guwapo siya!'
Bumuga ng hangin si Elara bago tumayo na at bumangon sa kama na iyon. Iniligpit niya muna ang kaniyang pinaghigaan bago lumabas ng kuwartong iyon. Nalula siya sa ganda ng bahay ni Clifford. Masarap sa mata ang kulay ng bahay na iyon. Maaliwalas. Napakaelegante ng itsura.
"Nauna na akong kumain. Ang tagal mo kasi. Mukhang nagmuni- muni ka pa yata," aniya habang kumakain na.
Napalunok ng laway si Elara nang makita ang pagkain sa mesa. Doon na siya nakaramdam ng gutom kaya naupo na siya sa harap ni Clifford at saka nagsimulang magsandok ng fried rice. Lalo siyang natakam dahil maraming garlic ang sinangag na iyon. At iyon ang gusto niya.
"Masyado kang maganda para iyakan ang lalaking manloloko. Kung ako sa iyo, magpakasaya ka. Mag- enjoy ka. Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mo na malugmok at umiyak nang umiyak dahil ikaw ang talo."
Nagulat siya nang biglang sabihin iyon ni Clifford kaya natigil siya sa pagkain. Naalala na naman niyang bigla ang panlolokong nagawa sa kaniya ng dating nobyo kung saan talagang nadurog ng pino ang kaniyang puso.
"H- Hindi ganoon kadali. Ilang taon din kaming nagsama," halos mautal niya pang sabi bago sumubo ng pagkain.
Tumikhim si Clifford. "Maaari. Pero hahayaan mo lang ba ang sarili mo na umiyak nang umiyak araw- araw? Kaysa maglibang at gumawa ng paraan para makalimutan siya? Sa tingin ko mas mainam iyon. Kaysa naman ikaw pa itong naging talunan sa inyong dalawa. Isipin mo na lang na inalisan ka ng toxic na tao sa buhay mo. At ang ibig sabihin lang no'n, hindi ka talaga niya mahal. Dahil kung mahal ka niya, hindi ka niya magagawang lokohin."
Muling natigil si Elara sa kaniyang pagkain lalo na't ramdam niya ang bigat sa bawat katagang sinabi ni Clifford. Hindi niya mawari kung may pinagdadaanan ba ito o ano. Parang kanina lang, puro kapilyuhan ang sinasabi nito sa kaniya. Ngunit ngayon, naging seryoso ito at may sense na ang sinasabi. Nakatingin siya sa binata na abala sa pagkain. Hindi niya maiwasang humanga sa kaguwapuhan nitong taglay na talaga namang makalaglag panty.
"Niloko ka na ba noon kaya ganiyan ang sinasabi mo sa akin?"
Doon na napatingin sa kaniya ang binata bago agad ding nag- iwas ng tingin. Napakunot ang noo ni Elara.
"Kumain ka na. Huwag kang chismosa diyan."
Natigilan siya bago natawa ng asar. "Wow naman. Chismosa agad? Hindi ba puwedeng nagtanong lang dahil tunog niloko ka rin base sa mga sinabi mo!"
Nginisihan siya ni Clifford. "Oo na. Niloko na ako. Kaya ngayon, hindi na ako magpapaloko pa dahil isa na akong loko- lokong tao."
Napaawang ang labi ni Elara bago napailing na lamang.