"Naku, iwasan mo iyang bayaw mo! Masyadong maharot! Ganiyang lalaki ay iniiwasan dahil mawawasak lang ang puso mo diyan! Paluluhain ka lang niyan!" saad ni Dahlia.
Tumawa si Elara. "Kung makapagsalita ka naman parang may plano akong makipaglandian sa kaniya. Hindi 'no! Walang ganoon. Ayoko sa lalaking malandi!"
"Aba dapat lang! Maging lesson na sa iyo ang ginawang panloloko ng ex mo!" gatong pa ni Dahlia.
Natatawang umiling si Elara. Totoo naman ang sinabi niya. Wala siyang planong mahulog sa bitag ng maloko niyang bayaw. Unang tingin pa nga lang niya sa binata ay talagang maloko ito. At malabo rin siyang mahulog sa binata lalo pa't bayaw niya ito. Gusto niya kung sakaling iibig man siya muli ay hindi niya kilala.
"Mabuti pumayag si ate Elara mo na dito na lang din ako. Pero sa susunod na araw pa ako papasok. Sure ka ba talaga na puwede mo akong isama dito? Baka mapagalitan ka lalo na't may CCTV sa bookstore na ito," kinakabahang tanong ni Dahlia.
"Gaga, hindi nga! Nagsabi ako kay ate Cara na dito ka na. At saka sakto lang ang pag- resign mo sa work mo dahil isa pang staff dito ay umalis ng biglaan. Nag- chat daw kay ateng hindi na papasok. Sasabihin ko kay ate na pumasok ka na bukas. Ako na ang bahala. Tayong dalawa lang naman ang magiging staff dito. Mas okay kaysa magdagdag pa ng iba baka hindi natin makasundo."
"Oo nga. Katulad sa work ko, ayos naman talaga doon. Pati sahod ayos din. Kaya nga lang, toxic ang mga katrabaho ko. Mga sipsip, plastik at naninira pa. Hindi ko kinaya ang ka- toxic - an nila kaya umalis na ako. Dito ayos naman din ang sahod. At saka nakakagalaw pa ako ng maayos. Nakakapagchismisan pa tayo," nakangiting wika ni Dahlia.
Natuwa naman si Elara sa sinabing iyon ng kaniyang kaibigan. Kahit siya rin naman ay ayaw din tumagal sa isang trabahong toxic na ang mga kasama. Nakakaapekto kasi iyon sa trabaho ng isang empleyado.
"Oo tama ka. Sige na, magpunas na tayo ng mga alikabok sa mga libro dito. Gusto kasi ni ate na palaging malinis dito," wika ni Elara bago kumuha ng pamunas.
KASALUKUYANG NAKIKIPAGLARO SI CLIFFORD sa kaniyang dalawang pamangkin nang lapitan siya ni Cara. Kumunot pa nga ang noo niya dahil seryoso ang mukha nito.
"Clifford... may pakiusap sana ako sa iyo..." mahinahong wika ni Cara.
Tumaas ang isang kilay ni Clifford. "Ano po iyon, ate?"
"Puwede bang ikaw na muna ang bahalang magbantay sa kapatid ko? Kahit hindi naman sobrang pagbabantay. Guluhin mo lang ang isip niya. Kilala ko iyon. Marupok at mahal na mahal niya ang ex niya. Kaya nga naubos siya dahil ibinigay niya ang lahat. Lalo na ang naipon niyang pera para hindi lang siya nito lokohin. Huwag mo muna sanang hayaan na may lalaking lalapit sa kaniya. Gusto ko kasi na mag- heal muna siya. Ayoko maloko ulit ang kapatid ko."
Saglit na natigilan si Clifford bago tumango. "Sige po, ate. Kapag makulit ang mga lalaking papansin sa kaniya, babanatan ko na lang kaagad."
Mahinang tumawa si Cara. "Loko ka! Huwag naman ganoon. Basta, ikaw ang parang magiging kuya na rin niya. Baka naman landiin mo ang kapatid ko. Humanda ka talaga sa akin. Ako ang babanat sa iyo. Huwag ang kapatid ko. Iba na lang," aniya na may halong pananakot.
Tumawa si Clifford. "Opo, ate. Wala akong planong landiin si Elara. Bahala siya sa buhay niya. At saka hindi ko tipo si Elara. Parang old fashioned masyado."
"Grabe ka naman. Pero ganiyan talaga siya. Bihirang- bihira ko nga iyang makitang nakausot ng maikling shorts sa bahay. Madalas naka- pajama iyan o 'di kaya leggings. Oh siya, iyong sinabi ko sa iyo, ha? Tumupad ka sa pangako mo. Hayaan mo, kapag may pakiusap ka sa akin, sige lang ako ang bahala," nakangiting wika ni Cara.
Naisipan ni Clifford na magtungo sa bookstore na pagmamay ari ng mag- asawa kung nasaan ngayon nagtatrabaho si Elara. Naabutan niya itong abala sa pagpupunas ng libro. Napangisi siya habang nakatanaw sa dalaga mula sa 'di kalayuan. Simple lang ang suot ng dalaga ngunit litaw ang ganda ng katawan nito. Dagdag pa ang simpleng ayos ng mukha. Sa tingin niya, kaunting lipstick at polbo ang nilagay ng dalaga sa mukha nito upang maging presentable.
"Hi, baby girl! Ang sipag mo naman!" mapang asar na wika ni Clifford nang pumasok siya sa loob ng bookstore na iyon.
Nangasim ang mukha ni Elara sabay tingin ng matalim sa binata. "May pangalan ako kaya huwag mo akong tawaging baby girl. Mahiya ka nga, bayaw!"
"Ang bantot naman! Huwag mo akong tawaging bayaw. Tawagin mo ako sa pangalan ko!"
Ngumisi si Elara. "Ayoko nga. Mas okay ang bayaw na lang ang itawag ko sa iyo. Para mahiya ka naman na tawagin akong baby girl. Nakakadiri ka. Hipag mo ako tapos nilalandi mo ako?"
Umarko ang kilay ni Clifford sabay ngiti ng nakaloloko. "Nilalandi? Kailan kita nilandi? Hindi kita nilalandi. Inaasar lang kita. Hindi ko tipo ang katulad mo na old fashioned kung pumorma. Gusto ko iyong wild. Kaya ka siguro iniwan ng ex mo dahil sa pormahan mo. Pero kung gusto mong maging maloko, magtanong ka lang sa akin. Tuturuan kita."
Natigilan si Elara sa sinabing iyon ni Clifford. Nasapul siya. Ano ang gagawin niya kung hindi siya marinig mag- ayos sa sarili? Kung hindi siya marunong mag- make up? Kung naaasiwa siyang magsuot ng sexy na mga damit?
"Piste ka. Umalis ka na nga lang dito kung hindi ka naman bibili ng libro," iritableng sabi niya bago nagpatuloy sa pagpupunas.
Tinawanan lang niya si Elara. Ramdam niya ang inis nito. Naisip nyang may ugaling pikunin ang dalaga. Nakapamulsa siyang tumayo sa harapan nito.
"Pinakisuyuan pala ako ng ate mo na tingnan- tingnan ka dahil baka balikan mo ang ex mong g ago. Subukan mo lang balikan, babasagin ko ang pagmumukha no'n. Huwag kang tanga, Elara. Minsan ka ng niloko kaya huwag ka ng magpaloko pa ulit. Ako ang makakalaban ng lalaking iyon kapag nagkabalikan kayong dalawa. Sinasabi ko sa iyo ito dahil hindi ako nagbibiro. Baka mapatay ko lang siya," may diing wika niya sa dalaga.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito na kalaunan ay namula ang magkabilang pisngi nito. Napangiti si Clifford dahil na- cute- an siya kay Elara.