"Nautusan ka pa nga ng hipag mo. Bakit ikaw pa? Ang dami naman diyang ibang tao para tingnan ang kapatid niya. At saka nasa tamang edad na iyon. Hindi na iyon menor de edad para bantayan mo," natatawang sabi ni Rain.
"Hayaan mo na. May pagkaisip bata pa rin minsan at saka marupok daw eh. Alam mo naman kapag nagmahal, nakatatanga. Tingnan mo ako naging tanga, 'di ba? Aasarin ko na lang siya palagi para mabuwisit sa akin. Pikunin eh," sagot ni Clifford sa kaniyang kaibigan.
Tinawanan siya nito at makahulugang tumingin sa kaniya. "Babantayan mo nga bang talaga o baka lalandiin mo lang? Huwag mong landiin iyon. Lagot ka sa ate no'n pati na sa kambal mo. Gusto mo bang mabugbog?"
Nginisihan ni Clifford ang kaniyang kaibigan. "Eh 'di nagsapakan kami ni Clyde!"
Nanlaki ang mata ni Rain. "Ano? Nababaliw ka na ba?"
Humalakhak si Clifford habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Napailing na lang ang kaniyang kaibigan na si Rain. Nasa isang sikat na clubs sila at nagpapakasaya. Pinukol ni Rain ang kaniyang paningin sa mga babaeng sumasayaw sa dance floor. May mga nagtu- twerk doon at umaalog ang mga dibdib ng mga ito. Malalaki ang halos karamihan. At pare- parehas na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang revealing ng suot.
"Tanga ka rin. Bakit ko naman gagawin iyon? Syempre, hindi. Wala sa isip ko na landiin ang pikunin na babaeng iyon," may diing wika ni Clifford.
"Aba dapat lang! Napakaraming babae diyan na mas higit pa sa kaniya. Marami kang puwedeng pagpilian! Ano? Tara na't magpaputok ng katas!" pilyong wika ni Rain.
Umiling si Clifford. Kumuha siya ng beer at saka iyon ininom. "Tsk. Ayoko. Ikaw na lang. Tinatamad ako ngayon. Parang ang papangit nilang lahat ngayong araw. Siguro dahil naging busy ako kanina dahil inasikaso ko ang iba naming negosyo. Nagagalit na si Clyde sa akin. Ang tamad ko raw. Pero hindi naman, 'di ba?"
Tumawa lang si Rain at hindi sumagot. Senyales na hindi ito sumang ayon sa sinabi ni Clifford. Natawa na lamang din si Clifford. May pagkatamad naman kasi talaga siya pagdating sa pamamalakad ng kanilang negosyo ngunit tumutulong naman siya. Lalo na kapag nagagalit na ng husto ang kambal niyang si Clyde.
"Oo na ako na tamad! Pero sa susunod na buwan, magiging focus na talaga ako sa mga business namin. Seryoso na ito. Mas mayaman na kaysa sa akin si Clyde eh. Palibhasa masipag sa lahat ng bagay. Kaya dapat na rin akong magseryoso sa buhay."
"Talaga lang, ha? Puro ka naman salita. Talagang magsipag iyon dahil pamilyado na siya. At saka ganiyan naman na talaga siya noon pa, 'di ba? Iba pa rin kasi kapag may maiiwan na malaki sa mga anak. Iyon siguro ang nasa isip niya. Para wala ng poproblemahin ang mga anak niya kapag nawala na siya."
Hinawakan ni Clifford ang kaniyang baba habang nakatulala. Biglang pumasok kasi sa isip niya ang pagkakaroon ng pamilya. Nakikita niya kasi kung gaano kasaya ang kaniyang kambal sa binuo nitong pamilya. Hindi katulad niya na palaging nasa barkada, nasa galaan o nasa babae. Walang seryosong relasyon.
Ngunit hanggang ngayon, takot pa rin siyang magmahal. Ayaw na kasi niyang maloko pa ulit.
SAMANTALA, TULALA SI ELARA at hindi pa makatulog. Pasado alas dose na ng madaling araw. Kailangan pa naman niyang matulog palagi ng maaga dahil may pasok pa siya. Bumuntong hininga siya sabay pikit ng mata upang makatulog na. Hanggang sa mag- vibrate ang kaniyang cellphone. Wala sana siyang balak na pansinin iyon ngunit may nag- uudyok sa kaniya na alamin kung sino ang nag- message. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang message sa kanya ni Clifford.
Clifford:
Gising ka pa? Tara sunduin kita diyan kain tayo! Saan mo gusto? Wcdonalds o Jubillee?
Napangiti si Elara. At doon niya naramdaman ang gutom dahil biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Kumain naman siya kanina. Madami- dami pa nga ang kinain niya ngunit hindi niya alam kung bakit kumalam ang sikmura niya.
Elara:
Puwede naman kaso dapat libre mo ako. Wala pa akong pera. Kauumpisa ko pa lang mag- work.
Bumuntong hininga siya matapos niyang i- send ang kaniyang reply. Bigla siyang bumangon sa kaniyang kama bago napahilamos ng kaniyang mukha. Agad niyang binasa ang message ni Clifford nang mag- vibrate ang kaniyang cellphone.
Clifford:
Sure! No problem! Punta na ako diyan. Message kita kapag nasa labas na ako ng gate.
Nanlaki ang mga mata ni Elara kasabay ng mabilis na t***k ng kaniyang puso. Dali - dali siyang umalis sa kaniyang kama at saka nagtungo sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos, nag- ayos siya ng kaunti. Nilagyan niya ng kaunting make - up ang kaniyang mukha. Simpleng ayos lang ngunit napakaganda niya.
'Okay na siguro ito. Simpleng ayos lang. Hindi naman ako nagpapaganda para sa lalaking iyon. Nagpapaganda ako para sa sarili ko.'
Hindi mapakali si Elara habang hinihintay si Clifford. Kanina pa siya palakad- lakad na sinasabayan pa ng naghuhumirintado niyang puso. Tumigil siya sa paglalakad paikot sa kuwarto niyang iyon at saka niya hinawakan ang kaniyang dibdib. Napangiwi siya.
'Ano ba iyong puso ko? May banda ba sa loob kanina pa pinagtatambol? Kabog nang kabog!'
Muntik pang mabitawan ni Elara ang kaniyang cellphone nang mag- message na si Clifford na nasa labas na ito ng gate. Huminga siya ng malalim at bahagyang sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang daliri bago lumabas sa munting bahay na iyon. Sumilip pa siya sa malaking bahay ng kaniyang ata at sarado na iyon. Malamang tulog na ang mga ito. Maingat niyang binuksan ang malaking gate at saka iyon ikinandado. May susi naman kasi siyang sarili.
"Wow! Ang ganda mo naman! Nagniningning ang ganda mo kahit sa gabi!" nakangiting wika ni Clifford nang makita siya.
Napalunok ng laway si Elara dahil nakasuot lamang ng sando na black ang binata. Nakalitaw ang mapintog nitong biceps na tila ba kay sarap hawakan at pisilin. Kumurap siya ng makailang ulit at saka inalis ang tingin doon dahil baka maglaway pa siya.
"Ha? E- Ewan ko sa iyo! Nambola ka pa! Halika na. Gutom na ako. Ihatid mo rin ako pag- uwi. Baka mamaya iwan mo ako," pagtataray niya sa binata bago pumasok sa sasakyan nito.
Tumawa si Clifford. "Bakit naman kita iiwan? Sira ka rin. Eh 'di nalagot ako sa ate mo. Damihan mo ang pagkain mo, ha? Baka ikaw ang kainin ko kapag pabebe kang kumain."
Nanlaki ang mata ni Elara sabay hampas sa braso ng binata at nagulat siya dahil matigas iyon. "L- Letse ka talaga! M- Manyak!"
Humagikhik ang binata habang nagmamaneho. "Anong manyak doon eh kakainin lang naman kita? Kakainin kasi ng buhay! Hindi iyong ibang kain na kakain ang ano mo!"
"Ang alin?!"
Saglit na sumulyap sa kaniya si Clifford. "Kakainin ko ang matambok at mamula - mula mong p uki."
"Manyak ka talaga!" sigaw ni Elara habang namumula na ang buong mukha.