HIMBING na himbing sa pag kakatulog ang lalaking nakahiga sa higaang kahoy. Payapang nakapikit ang mga mata nito taglay ang mahaba nitong pilik mata. Matangos ang ilong at may kapulahan ang mahugis na labi. Walang sugat or gasgas manlang na natamo ang mukha nito na pinag taka ko.
Nalipat ang tingin ko sa braso nito at binti na hindi natatakpan ng kumot, halos mapuno yun ng maliliit na sugat at gasgas na parang sinadyang sugatan. Pero ang sabi ni papang parahil daw ay isa itong seaman na inihulog sa barko at swerteng napadpad dito sa isla.
Sino ka? Mahinang tanong ko dito kahit alam ko na malabo nitong marinig dahil malalim parin ang paghinga nito hudyat na malalim pa ang pag kakatulog nito.
Matangkad ito at maputi ang kulay ng balat na halata mong galing sa mayamang pamilya na kinabahala ng puso ko. Naagaw ng paningin ko ang maliit nitong tattoo sa ilalim ng tenga.
VL? Ano ang ibig sabihin ng dalawang letra na ito.
Omg. Ang tama nga si papang mo. Apaka pogi nga nito kasing kisig ni papa piolo. Nagulat ako sa mabilis na pag pasok ni Joanne sa silid at idinampi ang kamay sa kabuon ng mukha ng lalaki. Na kinalaki ng mata ko, lumapit ako ito at pinalo ang kamay nito.
Aray. Ikaw, napaka damot mo! Bulyaw nito sakin. Hinila ko naman ito sa labas ng silid at duon hinarap.
Hindi kaba kinalibutan sa ginawa mong pag haplos sa mukha nung tao? Tulog yung tao pinag nanasaan mo. Bulong kong sagot dito. Paano na lamang kung magising yung lalaki sa ginawa nito.
Sinasabi mo pang minamanyak ko si pogi? Sigaw pa nito sakin, kababaeng tao nito ay maskulado ang boses. Tumango naman ako dito bilang sagot sa tanong nito. Bukas na bukas ang isip ni Joanne sa mga makamundong gawain, hindi ito pamaria clara na mag tatakip ng mata pag may nakitang ahas. Pero alam ko naman wala pa itong nakakasiping na lalaki dahil tulad ko, ito ay wala paring nagiging kasintahan.
Anong balak nyo jan? Sumeryoso ang mukha nito at humaba ang nguso na tinuro ang lalaki sa silid.
Sa oras na magising yan ay aalis na yan ito. Walang emosyon na wika ko. Sakto naman pag dating ni papang galing pangingisda.
Pang tutungo po muna kami ni joanne sa bayan. Ayus lamang ba kayo dito kasama ang tao na yan? Tukoy sa dayuhang nakahiga. Tumango naman ang matanda sa akin bilang sagot.
Madali lamang po ako sa bayan, babalik po agad ako. Baka naman po tulog payan hanggat makadating ako. Wika ko.
Malayo ang tahanan namin sa bayan, kailangan pa namin sumakay sa bangka sa loob ng 15 mins o mag lakad pa ikot sa kapatagan ng 30 mins. Kaya bihira lamang ang napapadpad na taga bayan dito.
Matagal pa ba mag bubukas yan? Abay halos isat kalahating oras na tayo nag hihintay dito. Tanong ni joanne sa akin. Na upo na kami ngayon sa labas ng coffee shop na pag aapplyan namin at tirik na tirik na din ang araw kaya naman basa na ang kilikili namin.
Abay awan ko sayo. Isinama mo ako dito ng hindi mo alam kung anong oras mag bubukas? Balik na tanong ko dito. Naipaypay ko na lamang ang hawak kong resume sa sobrang init.
Ibang bukas kasi ang alam ko, yung may mag didikta ng 'open wide baby' . Sagot nito at tumawa na parang kinikiliti. Umikot naman ang mata ko sa kalaswaan ng bunganga nito.
Napalingon naman kami sa tumigil na magarang sasakyan sa harapan namin at bumababa doon ang napaka gandang babae. Mukha itong mama mary suot ang kulay bulaklakan na bestida at mataas ng sapin sa paa. Lumapit ito sa kinaroroonan namin na may ngiti sa mga labi.
Ano ang makipag lilingkod ko sa dalawang binibini? Pati boses ang ganda. Mahinhin ang pag kakasabi at hindi makabasag pinggan.
Aaaa. Miss kami po yung mag aapply ng trabaho. Sagot ni joanne ng makabawi ito sa pag katulala sa angel sa harapan.
Ganun ba, sige pumapasok tayo sa loob. Mainit dito. Sabi nito.
Pag pasok pa lamang ng coffee shop at amoy na amoy mo na ang matapang na aroma ng kape. Halos lahat ng materialis na ginamit ay kahoy at ang mga gamit ay antic na nag pamangha sa akin.
Miara abel, pero Miss Ara nalang. Pag papakilala nito sa amin. Andito kami ngayon sa loob ng office nito at nakaupo sa malambot na upoan.
Joanne kibo po ms ara. Pag papakilala naman ni joanne. Tumingin naman ito sa akin na parang sinasabi na ako naman ang mag pakilala.
Kasimira po. Pag papakilala ko naman, ngumiti naman ito sa akin at bumaling sa papel na ibinigay namin.
So anong position ang aapplyan nyo? Seryosong tanong nito pero malumanay parin.
Bilang waiter po ako habang si kasimira po ay dishwasher. Walang prenong sagot ni joanne.
Great. Makakapag simula na kayo bukas. 10 am ang open ng store, so dapat andito na kayo 9 am para makapag prepared. 6pm closed na depende kong may guests na mag pa book for event. For your salary manila rate kahit nasa province tayo. About rules? Wala naman just be good to the customer. Mahabang wika nito.
Madalas akong wala dito, dahil nasa manila talaga yung buhay ko. Kaya si Harrison ang mag mamanage sa inyo. Mabait yun pero medyo presko. Nakaramdaman naman ako ng pang hihinayang sa nalaman. Si Joanne naman ay kumunot ang noo sa di ko malamang dahilan.
Harrison po? Tanong nito na parang kilala ang magiging boss namin.
Yes. Si harrison, business partner ko. once na syang nakapunta dito sa isla kaso di na naulit dahil nag aral sa ibang bansa. Pero ngayon ay balik pinas na ulit. Pag sagot nito sa tanong ni Joanne.
I think that's all. Pwede na kayong umalis bumalik nalang kayo bukas. Nag pasalamat naman kami dito. At lumabas.
HOY Joanne parang wala ka sa sarili, nabaliw kana ba? . Bulyaw ko dito. Kasuluyan na kaming nag lalakad patungo sa bahay, hindi na kami nag pasundo pa ng bangka kay mang nato kaya katirikan ng araw kaming nag lalakad sa kakahuyan.
Tapos itong kasama ko, kanina pa parang wala sa sarili. Ang lalim ng iniisip akala mo naman may isip talaga. Pag kinakausap, simple tango lang ang sagot. Ano kaya yun. Hindi ko na ito kinibo at pinag patuloy nalang ang pag lakad.
Malayo pa sa bahay ay natatanaw ko na si nang na abala sa pag wawalis ng mga tuyong dahon na nalaglag sa puno.
Nang ako na po ang mag wawalis. Baka sumakit na naman ang likod ninyo. Nag mano ako dito at kinuha ng walis sa kamay nito.
Ikaw talagang bata ka. Malakas pa ako. Natawa naman ako sa pag yayabang nito.
Aba syempre ako din. Napalingon naman kay papang nakakadating lang dala dala ang dalawang baldeng tubig, nakinalaki ng mata ko.
Pang diba sabi ko wag kana mag iigib ng tubig? Yung braso at tuhod mo sasakit na naman yan. Napakamot ako sa ulo ko at dinaluhan ito. Laking gulat ko ng may umagaw sa akin ng balde. Isang makisig na binata, maayos na ang itsura nito ngayon at parang di nahimatay kagabi dahil sa lakas na taglay.
Ako na. Wika nito ako naman at nanatiling nakatulala dito hanggang makapasok ito ng kubo dala dala ang badle na sana ay ako ang mag dadala.
Sangol ang laway mo tumutulo. Mabilis ko naman nadala ang kamay ko sa bibig ko dahil sa sinabi ni pang. Nakinatawa ng dalawang matanda.
Pang naman e. Suway ko dito. Napalingon ulit kami sa makisig na binatang lumabas ng kubo dala dala ang maganda ngiti.
Iho, ito nga pala si Kasimira mor... Hindi ko na pinatapos itong mag salita. At agad inilahad ang kamay ko sa binata
Kasimira, mira nalang. Mabilis na wika ko bago pa masabi ni pang ang buo naming apelyido, dahilan para kainin ng takot ang puso ko.
Lorcan. Maiksing sagot nito bago tanggapin ang kamay ko. Kumunot ang noo nito at tumingin sa magulang ko. Agad ko namang binitawan ang kamay nito at nilapitan ang dalawang matanda.
Anak nila ako. Walang emosyon na wika ko dito. Iba ang paki ramdam ko dito mag mula ng mag pakilala ito at marinig ko ang boses, nalimutan ko kung gaano ako nabighani kung gaano ito kakisig kanina. Halata mo mula sa pag bigkas ng salita nito ang taas ng pinag aralan nito.
Mabuti at naka pag pakilala na kayo sa isat isa. Pumasok na tayo sa kubo at tikma nyo ang niluto ko. Pag patay ni Nang sa tensyon mula sa aming dalawa ni lorcan.
Kailangang maka alis na agad dito sa bahay ang binata na yan sa madaling panahon. Masama ang pakiramdam ko dito na wala ito madadalang maganda sa tahimik na pamilya ko.