Mga paborito ko ang inihanda ni Nang para sa hapunan kaya nalimutan ko na ang binata at itunuon ang atensyon sa pag kain.
Sangol dahan dahan naman. May bisita tayo. Mahinang wika ni pang sakin sapat lang para marinig naming apat. Kaya naman minsang napasamid ang binata na nag palingon sakin dito, at ang loko nagpipigil ng tawa.
Kabagin ka sana. Wika ko dito at tinapunan ito ng masamang tingin, na lalong nagpangiti dito dahilan para lumabas ang pantay pantay at maputi nitong ngipin.
Bago pa ako madala sa mga ngiti nito ay Inabot ko ang stainless namin baso at uminom. Napapikit naman ako ng dumaloy ang malamig na tubig sa lalamunan ko.
Aaaa. Ang sarap. Grabe nang nabusog agad ako. Sabi ko habang hinihimas ang tiyan. Matapos kong mahimas masan sa kabusugan ay itinukod ko ang dalawang braso ko sa lamesa.
Kailan mo balak umalis? Walang prenong wika ko sa binata na kinagulat ng dalawang matanda.
Sangol. Mahinang suway ni Nang. Pero hindi ko ito pinansin at diretsong tiningnan parin ang binata. Uminom din muna ito ng tubig bago mag salita.
Hindi ko alam paano umuwi ng maynila. Wala din akong pera pamasahe. Ni telephono ay wala ako. Sagot nito ng diretso na parang alam na alam na ang sasabihin.
Wala kaming pera na maipapahiram sayo para maging pamasahe mo. Aba apaka kapal naman ng mukha nito kung kami pa ang mamomoblema ng pamasahe nito. Malayo ang may nila at baka kulang ang kikitain ko ng isang araw para sa pamasahe nito.
Hindi ako mangungutang. Hindi ko pinatapos ang sasabihin nito at sumabat na ako.
Mabuti. Sabat ko na kinabago ng anyo ng mukha nito. Mas naging seryoso at parang nag pipigil ng galit. Bakit ayaw pa nitong pinuputol ang sinasabi.
May telephono ba kayo dito? Maari ba akong makitawag? Masama ang tingin nito sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko.
Nako ijo. Wala kaming telephono dito pero pwede kang pumuntang bayan dun panigurado na may mahahanap kang telephono doon. Si Nang na ang sumagot dito ng mapansin ata na nag iiba na ang timpla ng pag uusap namin.
Sa oras na macontact ko yung kaibigan ko, aalis na ako dito. Pasensya na kayo at dito pa ako sa bahay nyo na papadpad. Wika pa nito. Hindi na ako umusap at nakinig nalang sa pag uusap nila.
Ay paano ka nga pala napapadpad dine sa amin? Tanong ni pang dito.
Nahulog po ako sa yacht nung kaibigan ko dahil sa kalasingan. Umikot naman ang mata ko dahil sa narinig. Lasingero tsk.
Mabuti nalang po ay nagawa ko pa pong makalangoy kung hindi po ay baka pinag fiestahan na ako ng pating. Kwento pa nito, akmang tatayo na ako sa hapagkainan dahil nag sasayang lang ako ng oras makinig sa kwento nito, napigilan lang ako ni nang.
Nako. Wala talagang nagagawang maganda sa buhay ng tao ang alak na yan. Pag sang ayon ni Nang. Habang di parin dito binibitawan ang braso ko para di ako maka alis.
Nahulog? Or inihulog? May naligaw na dati dito samin inihulog sya sa barko dahil may ginawang masama. Baka naman.... Hindi ko na tapos akong sasabihin ko ng suwayin ako ni pang.
Pasensya kana ijo. Medyo matulis talaga ang dila nitong anak namin. Pag hingi ng paumahin ni pang.
Sinisigurado ko po sa inyo na wala akong ginawang masama. Mabuti po akong tao. Naniniwala po kasi ako na dapat nasa silda ang masasamang loob. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pag titig nito kay pang na parang may pinahihiwatig. Mabilis ako napatayo kaya nalipat ang tingin nito sa akin.
At sinisigurado ko din sayo na walang masamang loob sa pamamahay na to! Matapang ko itong tiningnan. At nag madaling mag lakad palabas ng kubo para lumanghap ng hangin.
Masama ang mag isip ng masama sa kapwa pero iba talaga ang pakiramdam ko sa binata na yun. Kaya dapat ay umalis na to sa madaling panahon. Kung kailangan na bigay ko dito ang ipon kung pera para maging pamasahe nito ay ibibigay ko.
Ilang oras na akong nakaupo sa buhagin malapit sa dagat. Ayoko ko na munang umuwi sa bahay, pag tulog na ang mga tao doon tsaka ako uuwi. Unti unti na ding kinakain ng dilim ang piligid dahil nakalubog na ang araw, kasabay ng pag dami ng lamok.
Nagulat ako ng may balabal na bumalot ng likoran ko. Nilingon ko kung sino ang ng lagay at laging gulat ko ng makita ang binata.
Sabi pang dahil ko daw sayo at malamig na daw. Mahinahong wika nito at maupo din sa buhagin di kalayuan sa pwesto ko. Napantig ang tenga ko ng tawagin nitong pang ang pang ko. Kapal talaga ng mukha ng mokong na to!
Sabi ni pang, pang nalang din daw itawag ko sa kanya. Sabi pa nito na parang nabasa ang iniisip ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para makipag talo dito dahil sa pag tawag ng pang. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag hampas ng alon.
Pasensya kana sa nasabi ko kanina. Napalingon ako dito dahil sa pag hingi nito ng paumanhin. Marunong din pala itong mag sorry. Natingin ito sa dagat habang nag lalaro ng buhangin ang kamay.
Galit lang talaga ako sa masasamang loob. Namatay ang magulang ko dahil pinatay sila sa walang kwentang bagay. Nalunok ko ang laway ko dahil sa kwento nito. Bakit nito sinasabi sakin ang mga bagay na to? Personal nya yung buhay at sino ba ako? Estranghero
Sorry. Nag iisang salitang lumabas sa bibig ko, na di ko alam saan ng galing.
Okay lang. Nabigyan ko na naman ng hustisya ang kanilang pag kamatay. Napakulong ko na ang gumawa at sinigurado ko na dun na sila mamatay. Halata mo sa boses nito ang galit sa bawat salitang binibitawan nito.
At sisiguraduhin ko din na dapat lahat ng may sala nasa silda. Matapang itong lumingon sakin at sinalubong ang tingin ko. Na mabilis akong nag iwas ng tingin.
Pero madaming nasa silda ang walang kasalanan. Pag kasabi ko nito ay tumayo na ako para umalis sa lugar dahil sa pag sikip ng dibdib ko.
Hindi na ako naniniwala sa hustisya. Dahil ang hustisya sa may pera lang yan. Hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mata ko buti nalang ay nakatalikod na ako dito. Mabilis kong nilakad ang direksyon patungo sa bahay at makalayo sa binata.