Mira & Lorcan
"Maawa kayo, paki usap" Nag susumamo ako sa mga kapulisan na wag arestohin ang mga magulang ko. Pero parang wala silang mga puso na sinuotan ng posas ang mga kamay ng dalawang matanda. Parang binibiak ang puso ko sa sakit na makitang nakayuko ang dalawa at tahimik na humihikbi habang nakaupo sa upuang kahoy.
Nanlalambot ang tuhod ko na lumapit sa dalawa at lumuhod sa harapan nila. Nadako ang mga mata nila sakin at hindi ko na napigilan pang humagulgol. "Gagawa po ako ng paraan, hindi kayo makukulong. Pangako" matapang na wika ko sa pagitan ng mga hikbi. Tumango naman ang dalawa sa akin, tumayo ako sa pag kakaluhod at hinalikan ang mga uno nilang dalawa.
Lumabas ako ng bahay at hinanap ang pulis na nag utos na arestohin ang mga magulang ko na sa tingin ko ay mataas ang katungkolan nito. Nang makita ko ay agad akong lumapit dito.
"Ms. Morgan ano---" hindi nito natapos ang sasabihin ng lumuhod ako sa harapan nito. Alam ko na sa ginawa ko ay para ko na din ibinababa ang prensipyo ko sa buhay pero kahit na, ang mahalaga ngayon ay hindi matulog ang mga magulang ko sa presinto.
"Maawa po kayo, matanda na po ang mga magulang ko. Hindi na po nilang kayang mabuhay sa kulungan" Pag mamakaawa kong hiling dito, habang patuloy ang pag iyak. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nito nakayuko lang ako habang nakaluhod. Naramdaman kong hinawakan ako nito sa balikat na nag bigay pag asa sa akin.
"Tumayo kana po jan. Wala po akong magagawa, sinusunod ko lang po ang nakasulat sa batas" umiling ang ulo at mas lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa sinabi nito.
"Hindi. Hindi ako tatayo hanggat may posas ang mga magulang ko" Parang batang wika ko dito. Yumakap ako sa binti nito at isiniksik ang ulo sa tuhod nito. Hindi ko na alam ang dapat gawin, wala na akong maiisip na paraan.
Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso at pinipilit na kalasin ang pag kakayakap ko sa binti ng pulis pero nakapikit nalang ako at patuloy na humihikbi. Hindi ko na alam ang nanyayari naabutan ko na nalang ang sarili ko na yakap yakap ang dalawa kong tuhod.
"Tama na. Tumayo kana jan, hindi susi ng posas ang luha. Kahit umiiyak ka ng isang drum walang yan magagawa" Lumingon ako sa nagsalita. Para akong inapuyan na paputok na gustong sumabog ng mapag sino ang nasa harapan ko ngayon. Nanlalambot ang tuhod kong tumayo at matapang na hinarap ito. Hindi ko napigilan at isang malakas na sampal ang ibinigay ko dito.
"Kulang na kulang ang sampal na yan sa ginawa mo akin, at pamilya ko!" hindi malinaw sakin kung bakit nagawa nya kaming lokohin at paikotin sa kamay nito. Naikuyom ko ang kamao ko na halos umaon na sa palad ko ang kuko ko sa pang gigigil.
"Anong nagawa naming masama sayo? Ha?" Nanatili lang itong nakatingin sakin at tinatanggap lahat ng salitang binibitawan ko na lalong nagpatindi ng nararamdaman ko. Para itong ibang tao ngayon, hindi ito ang lorcan na nakilala ko. Hindi ko na matago pa ang pag hikbi na kusang lumalabas.
"Nag tiwala ako sayo. Pinapasok kita sa buhay ko, pinapasok kita dito" Sabay turo sa tapat ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pag iyak. Basang basa na ang mukha ko at parang gripo ang luha ko na tuloy tuloy sa pag agos.
"Kaya doble yung sakit na binigay mo sakin. At nag sisisi ako, dahil sa putang nararamdaman ko para sayo napahamak ang pamilya ko" Napasabunot ako sa buhok ko ng maalala kong paano ko ipag tanggol ito dati. Na ngayon ay pinag sisisihan ko ng ginawa ko.
"Tama si lucio hindi dapat ako nag tiwala sayo!" Tumalim ang mata nito ng mapanggit ko ang pangalan ng kababata kong si lucio. Pero pinawalang bahala ko lang ito, tuloy tuloy parin ang nag sasalita dito habang umiiyak.
"Sa loob ng halos dalawang buwan ka naming kasama sana naramdaman mo ang totoong buhay. Kasi kung may nakakaawa satin ngayon? Ikaw yun at hindi ako o kahit ang pamilya ko!"
"Maging masaya ka sana sa ginawa mo samin."
"hahaha sabagay wala namang duda baka tumalon kana sa saya dahil nadagdagan na naman ang milyones mo." Tumawa akong ng mapakla dito. Baka nga wala kaming mamahaling sasakyan o mga nag kikislapan ng mga dyamante at milyones pero alam ko na alam ng lalaking ito na masaya kami at may pag mamahalan.
"Pero tandaan mo, mula sa gabi na to. Wala ka ng puwang sa pamilya ko, at lalong lalo sa buhay ko. Hindi kapa panalo, dahil lalaban kami sayo attorney Lorcan Valerio"