1st Judgment

1592 Words
MAGBANUA ISLAND isang lugar na tinanggap kami ng walang pag tatanong. Malayo sa syudad, ang payapang ingay galing sa hampas ng alon at hangin lang na nag papasigla sa lugar. Ang munting liwanag lang galing sa mauling na gasera ang nag bibigay ilaw sa madilim naming munting tahanan. Nanang, papang kakain na po tayo! Masigla kong tawag sa dalawang matanda na nakaupo sa upuang kahoy sa labas ng tahanan. Parang ang sarap naman ng niluto mo sangolan namin. Napangiwi ako sa paraan ng pag tawag sa akin ng papang ko. Papang, Mira po. Pag tatama ko sa pag tawag nito na nagpatawa dito. Sangolan ang tinatawag sakin ng dalawa sa tuwing naglalambing ang mga ito. At masaya nga naming pinag saluhan ang ginisang sardinas na may lahok na talbos ng kamote na niluto ko. Simple lang buhay namin dito sa isla. Ang papang ko ay minsang nangingisda kasama si mang nato. Si nanang naman ay gumagawa ng mga palamuti gawa sa mga sea shells na ako naman ang nag bebenta sa bayan. At rumaraket din ako ng kahit anong trabaho sa bayan pandagdag sa gastusin namin sa araw araw, minsan waiter, dishwasher, hardenira, naging nakahila na din ako ng yelo sa palengke at taga karga ng balde baldeng isda. Babae ako pero ang trabaho ng isang katulad ko na highschool laman ang natapos ay pag lalaki. Sapat na yung ganitong buhay sa akin, sa amin ng pamilya ko malayo sa g**o. Miraaaaa! Napalingon kami sa pintuan ng may hingal na hingal na pumasok doon. Kumunot naman ang noo ko sa itsura nito. Joanne gabi na, bakit naparito kapa? Nag tatakang tanong ni nanang dito. Tumingin muna ito sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko. Ano naman kayang kailangan nito. Mira good news may ra--- hindi nito natapos ang sasabihin ng batuhin ko ito ng kutsara na tumama sa noo nito. Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at hinila ito palabas ng bahay. Hoy ang sakit nun ha! Galit nitong bulyaw sakin pag kalabas namin ng bahay habang hinihilot hilot ang tinamaan ng kutsara. Hirap na hirap naman akong pinipigilan ang tawa na kanina ko pa gustong pakawalan. Sorry. Ikaw naman kasi, diba ang usapan sekreto lang na nag hahanap ako ng raket. Alam mo naman sila papang. Mahinang wika ko dito. Umikot ang mata nito at muling napangiwi ng mapadiin ang pag hilot nito sa noo. E bakit kailangan mo akong batuhin! Paano kong namatay ako dahil sa ginawa mo! Sigaw nito na nag patigil sa akin. Sorry. Pag hingi nito ng paumanhin ng mapansin nitong nag bago ang anyo ko ng marinig ang salitang 'namatay' alam nito na ayaw na ayaw kong makakarinig ng ganun salita. Pitong taong gulang ako ng lumipat kami sa lugar na to para mag tago sa mga humahabol sa mga magulang ko, pero ni isa mula sa isla ay walang nakakaalam ng dahilan kung bakit kami napadpad dito. Wala kaming pinag katiwalaan kahit na sino para sa ikakaligtas namin dahil na tatakot ako na baka isang araw may kumuha sa mga magulang ko at ilayo sila sa akin. Ano may nahanap kang pwede kong maging raket? Tanong ko dito. Si Joanne at ang ama nito na si mang nato ang naging kaibigan namin dito sa isla. Si Joanne din ang nag hahanap ng trabaho para sa akin sa bayan, dahil kahit halos dalawang dekada na ang nakakalipas ay takot parin akong magpakita sa madaming tao dahil baka may makakilala sakin, dahil baka ako pa mag dala sa silda sa mga magulang ko. At ayokong manyari yun. Oo. Meron kaso full time kasi ang hanap nila. Ayus lang ba sayo yun? Napaisip naman ako sa inalok nitong trabaho. Hindi ako tumatanggap ng full time na trabaho dahil ayoko na matagal akong nawawala dito sa bahay. May katandaan natin kasi sila papang kaya may pangamba sa puso sa tuwing nasa bayan ako at naiwan sila dito. Sayang kung hindi mo tatanggapin, malaki ang sahod paniguradong malaki ang matutulong sayo. Napasuklay naman ang kamay ko sa buhok ko, hindi sasapat ang kinikita ko sa palengke sa pag bili ng maintenance na gamutan ng dalawa. Ano palang raket yan? Pag tanong ko dito. Waiter sa isang coffeeshop sa bayan. Coffeeshop malaman na madaming mayayaman ang nag pupunta dun. Umiling ako dito bilang sagot ko na nag pahaba ng nguso nito. Pero mira. Hindi natapos ang pag mamaktol nito ng mag salita ako. Joanne waiter lang ba vacant nila? Dishwasher pwede ako dun. Hindi pwedeng mag waiter ako, hindi pwede madami akong nakakasalamuhang tao. Mabuti na yung maingat. Bagong bukas yung shop na yun kaya madami pang bakanteng posisyon. Pero hindi ba maganda na yung waiter kesa dishwasher? Naguguluhang wika nito. Mas maganda para sakin ang maging dishwasher. Isa pa master ko na yun. Sisiw nalang sakin mag hugas ng sang katutak na plato at baso. Tumaas ang balikat nito bilang pag suko sa gusto ko. Alam kong minsan ay nag dududa na ito kung bakit parang araw ko na makahalubilo ng ibang tao pero nanatili lang itong walang tanong, na pinag papasalamat ko. Ikaw ang bahala. Bukas alas syete aalis tayo patungo sa bayan. Sige na aalis na din ako baka hinahanap na ako ni nato. Sabi nito at mabilis na tumalikod. Napapikit naman ako ng minsang umihip ang malamig na hangin at dumapi sa balat ko. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang payapang dagat at bilog na bilog na buwan na syang nagbibigay liwanag para makita ang puti at pinong buhangin. Sangol pumasok kana dito sa loob. Malamig jan sa labas baka siponin ka kumawala naman sa aking labi ang maliit na pag tawa ng marinig ko ang pag tawag ni papang. Bente syete anyos na ako pero kung ituring ako ng mga ito ay parang katorse anyos. Pumasok na ako sa muti naming bahay at ikinandado ang pintuan. Naabutan ko ding nakahiga na ang dalawang matanda sa kahoy na papag, lumapit ako sa mga ito at hinalikan ang mga noo. Mahirap kami pero binusog ako sa pag mamahal ng dalawa. Inayos ko na din ang higaan ko sa ibaba ng papag at nahiga na din. Sa pag lalim ng gabi ay sya ding pag lalim ng pag hilik ng dalawang matanda. Habang ako naman ay patuloy ang pag iisip sa trabahong inaalok ni joanne. Nang minsang may narinig akong kaloskos sa di kalayuan. Pinakiramdaman ko pa ang paligid ng maulit ang kaloskos na ngayon ay malapit na sa kubo namin at isang malakas na pag bagsak na gumawa ng ingay ang nag pabahala sa akin. Maingat akong bumangon at lalabas na sana ng silid ng tawagin akl ni papang. Sangol? Ano yun? Tanong ito sakin habang sinusuot nito ang salamin, hindj ko napansin na nakaupo na ito sa kama at ganun si nanang. Marahil ay nagising din ang mga ito sa ingay sa labas ng bahay. Wala yun pang. Baka pusa na naman nila mang nato. Mahiga na po ulit kayo at ako na po ang bahala. Sabi ko dalawa pero parang hindi sang ayon ang mga ito. Wag po kayong lalabas dito sa silid. Ako nalang po ang bahala. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng mga ito ng lumabas ako ng silid at kinuha ang itak sa sisidlan. Sumilip ako sa butas ng pintong kahoy at tahimik na pinag masdan ang paligid. Pero wala akong napansin na kakaiba kaya naman binuksan ko ito at lumabas doon. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid at ng masiguradong walang tao ay tumalikod na ako para pumasok na ulit na bahay. Ngunit na nigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sa harapan ko ng may nakita akong anino ng tao sa harapan ko. Hindi ako makagalaw natatakot akong lumingon at harapin ito kaya napapikit nalang ako. Hinihintay ko ano ang gagawin nito sa akin ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala akong naramdaman na kahit ano. Sangol tulungan mo kami napamulat ako ng marinig ko ang boses ni nanang. At tumambad sakin ang dalawang matanda na nahihirapang angatin ang lalaking walang malay. Pero na natitili lang akong tulala sa mga ito, at wala sa sarili. Araaaay ko po pang. Bumalik ako sa aking ulirat ng pitikin ako sa noo ni papang ko na kinangiwi ko sa sakit. Kanina kapa tulala. Ano bang nanyari sayo? Pag labas namin ng bahay para sundan ka ay abay naabutan ka naming naka pikit. Kayo bay nag hahalikan nitong binata na ito, at kaya ito nahimay ay hindi kinaya? Naguguluhan ako sa sinasabi nito pero nakaramdaman ako ng pag iinit ng mukha ko. Halika at tulungan mo kaming dalahin sa loob ng bahay itong kasintahan mo. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Kasintahan? Nalipat ang tingin ko sa walang malay na lalaking nakahiga sa buhanginan. Pang, hindi ko yan kasintahan. Ni hindi ko yan kilala. Kaya wag natin syang ipasok sa bahay. Paano kong masamang tao yan. Hindi ko pang sang ayon sa gusto nitong manyari. Aba mabuti ng nag iingat, sa panahon ngayon madami ng masasamang loob na pagala gala. Tsaka pang, parang mayaman. Nakaramdaman ako ng takot na isiping baka isa ito sa mga humahanap sa amin. Pero na waksi ito ng biglang nag salita si papang. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Halika na at tulungan mo kami ng nanang mo. Bilisan mo! Napapadyak ako sa sinabi nito, oo matanda na ako para sa kinikilos ko. Nang? Tawag ko kay nanang parang humingi ng kakampi.  Anak, mabuti tayong tao. Kapag meron taong kailangan ng tulong at kaya naman nating tulungan. Tutulong tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD