Ito pamasahe. Mag tricycle ka nalang papuntang simbahan. Sa gilid ng simbahan may tindahan dun, pwede ka dung makitawag. Wika ko dito ng makarating ako sa tapat ng coffee shop. Inabot ko dito ang natitirang isang daang pesos sa pitaka ko at nag pasalamat naman ito.
Hindi na kita masasamahan tulad ng sabi ni Pang kasi malilate ako sa trabaho ko. Bumalik ka nalang dito pag nagawa mo na ang dapat mong gawin. Mauna na ako. Umalis na ako sa harapan nito pero ramdam ko na nakatuon parin ang tingin nito sakin habang papasok ako ng coffee shop. Hindi ko na malayan na nakasunod na din pala si Joanne sakin, nang makapasok kami ay agad ako nito siniko.
Suplado mo kay pogi ha. Natatawang wika nito, hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at agad ng tinungo ang lagayan ng mga apor para makapag simula ng trabaho. Kami palang ni Joanne ang tao dito dahil maaga kaming pinapasok para makapag linis muna bago tumanggap ng customer.
Saktong tapos na kami ni Joanne ng bumukas ang babasaging pintuan at pumasok doon ang matangkad at makisig na lalaki na nagpatigil samin. Nalipat ang tingin ko kay Joanne ng makabawi ako sa pag katulala sa lalaking kakadating lang.
Hoy nakakahiya ka, tulo na laway mo. Bulong ko dito na nag patawa sakin ng mabilis nitong hinawakan ang gilid ng labi nito.
Hello ladies! Im Harrison ako muna ang mag mamanage sa inyo habang busy pa si ma'am Ara nyo. Masiglang bati nito samin.
Good morning sir. Ako po si Mira, dishwasher po ako dito. Bati ko dito at binigyan ito ng tipid na ngiti bilang pag galang. Pansin ko na lumipad ang tingin ni sir Harisson sa nakatulala paring si Joanne na katabi ko.
Nako pasensya na kayo sir dito kay Joanne mukhang kulang sa tulog. Natawa naman ito sa sinabi ko. Nagulat ako ng lumapit ito kay joanne at bumulong sa tenga nito, at dahil sa tsimosa ako sinikap ko pang marinig ang sinabi nito sa kaibigan ko.
Halatang halatang gwapong gwapo ka sakin. Matapos nito sabihin at natauhan si joanne at mabilis na lumayo sa binata na kinatawa ng binata. Na nag patawa na din sakin. Lumakas pa ang tawa ng binata ng mabilis na pumasok ng kusina si joanne.
Sige sir. Sundan ko lang po si joanne. Tumango naman ito bilang sagot.
Malakas na pag tawa ang na pakawalan ko ng maabutan ko si joanne na walang tigil sa pag inom ng tubig at pasa na din ang damit nito dahil sa pawis.
Hoy ano bang nanyayari sayo? Lumingon dito sakin pero bago ako dito sagutin ay sinigurado muna nito na wala akong kasama.
Uuwi na ako, sumama ang paki ramdam ko. Sagot nito na kinalaki ng mata ko. Lumapit ako dito at dinampi ang noo nito.
Hoy ang init mo nga! Loka ka, sasamahan na kita pag uwi. Napalakas ata ang boses ko dahil sa gulat. Dahil mabilis na pumasok si sir Harisson.
Anong nanyayari? Tanong nito pero hindi ko pa man nasasagot ang tanong nito ay lumipat na ang tingin nito kay joanne at agad nilapitan.
Hey. Are you okay? Tanong pa nito kay joanne, nang mapansin nitong namumutla ang dalaga ay agad nitong hinawakan ang kamay nito.
Joanne ang init mo! Malakas na bulyaw nito sa dalaga. Nang mapansin kong parang hadlang na ako sa kanilang dalawa ay lumabas na ako ng kusina at pinag patuloy nalang ang naudlot na pag pupunas ko ng lamesa kanina.
Nasan na kaya si Lorcan ngayon? Ilang oras na ang nakalipas ng mag hiwalay kami. Marahil ay naligaw na ito o kaya ay nag tungo na sa maynila kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik.
Sana nga wag nalang sya bumalik. Pag kausap ko sa sarili ko. Maya maya pa ay lumabas na ng kusina ang dalawa ay si sir Harisson na ang may dala ng gamit ni joanne na nag pakunot ng noo ko. Kanina pa ako nag tataka sa kinikilos ng dalawa na parang matagal na silang mag kakilala.
Hindi pa ako nakakabawi sa nakikita ng bumukas ang pintuan at pumasok doon si lorcan. Napatigil lang ito sa pag lalakad palapit sakin ng madako ang mata nito kay sir harrison.
Anong ginagawa mo dito lo- hindi na natapos pa ako sasabihin ni sir harisson ng mag salita si Lorcan.
Miraa may ipis sa ulo mo! Sigaw ni lorcan na nag patalon sakin. Ilang beses kong hinawi ang ulo ko at ng marealize ko na wala naman talaga ipis at niloloko lang ako nito ay tiningnan ko ito ng masama.
Pero imbis na ang nakakaloko nitong mukha ang sumalabong sakin at ang seryosong pag tititigan ni lorcan at sir harrison ang nakita ko. Para silang nag uusap dalawa gamit ang mata.
Natigil lang ang dalawa ng bigla nalang nawalan ng malay ni joanne buti nalang ay naagapan ni harrison kaya hindi ito bumagsak sa sahig.
Kayong dalawa nalang muna ang bahala dito sa coffeshop. Sabi ni harisson bago ito nag madaling umalis karga si joanne. Ako naman ay naiwang nakanganga dahil sa nanyari.
At gaya ng ng sabi ni sir Harrison ay kami ngang dalawa ni Lorcan ang nangalaga ng buong coffee shop buong araw. Mabuti nalang ay may alam pala itong lorcan sa ganitong klaseng trabaho kaya naging madali para samin. Si lorcan ang nag hahanda ng order at humahawak sa kahera habang ako naman ang nag seserve sa customer.
Mag aalasingko na ng tumigil sa pag dating ng customer at nakaramdaman na din ako ng gutom dahil sa pag tunog ng tiyan ko. Nalimutan na naming kumain ng tanghalian dahil sa walang tigil na pag dagsa ng customer.
Kain ka muna. Nagulat ako ng mag patong ng isang banana bread at kape si lorcan sa lamesa sa harapan ko. Naupo muna kasi ako sa isang table dito para makapag pahinga kahit konti bago ko tapusin ang mga hugasin sa kusina.
Matapos nitong ibigay sakin ay agad din ako nitong niiwan na pinag pasalamat ko. Mula kasi ng dumating ito kanina ay bilang lamang sa daliri kung ilang beses lang kami nag palitan ng salita.
Mabilis naman ako napatayo ng dumating si sir Harisson. Medyo na lukot ang suot nitong bulsa na kanina ay tuwit na tuwid marahil ay dahil sa pag karga nito kay Joanne kanina.
Sir kamusta po si Joanne? Bugad ko dito.
Naihatid ko na sya sa bahay nila. Maayus na din ang lagay nya, sabi ko ay wag munang pumasok bukas. Kaya kung pupwede na kayo nalang din munang dalawa ang makakasama ko dito bukas? Pupwede ba yun? Seryoso wika ni sir. Tiningnan ko si Lorcan kung ano ang magiging sagot nito sa suggestion ni sir. Pero nagulat ako ng nakatingin din pala ito sa akin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
Pupwede na din kayong umuwi at didilimin kayo sa daan. Salamat sa buong araw. Sabi na nito bago nilapitang ang counter. Iba ang mood nito ngayon kesa kaninang umaga na masigla. Marahil napagod ito sa pag aalaga kay Joanne. Apaka kapal naman ng mukha ng babae na yun at talagang ang boss pa namin ang ginawang nurse.
Tara na. Natauhan lang ako sa maotoridad na boses sa likod ko. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako, marahil sa pagod din.
Hindi na kami na sundo pa ni mang nato ng bangka kaya nilakad naming dalawa ang kahabaan ng kakahuyan ng walang imikan. Dumidilim na ang paligid at malayo layo pa kami sa bahay, kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Nasa likod ko nag si Lorcan na sinusunda nag kinaapakan ko.
Araw araw nilalakad mo to? Nagulat ako ng mas salita ito. Tumango naman ako dito bilang sagot.
Mag kakasakit ka kung palagi mong pinapagod ang sarili mo. Sabi pa nito, ang tahimik na gubat ay umingay na dahil sa pag huni ng mga insekto sinabayan pa ng pag bilis ng t***k ng puso ko.
Sa-sanay na a. Ako sagot ko dito na nag painit ng mukha ko dahil sa unang beses ay parang nabuhol ang dila ko dahil di ko maituwid ang pag sasalita ko.
Dahilan kong bakit mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko, nag diwang ang puso ko ng matanaw ko na ang kubo namin na nag ilaw ay gasera. Malaki ang ngiti ko ng mapansin ko ang dalawang matanda na nakatanaw sa amin.
Pang, Nang. Tawag ko dalawa. Tinakbo ko ang distansya namin ay nag bless.
Sangol bakit naman nag palalim kayo sa gabi. Malambing na wika ni nang. Nakalapit natin si Lorcan pero nanatili ito sa likuran ko.
Mabuti at kasama mo itong si Lorcan, hindi ka solong naglakad sa kakahuyan delikado. Si pang naman ang nag salita.
Pumasok na tayo sa loob, at ipag hahanda ko kayo ng makakain. Sabi ni nang at nag tungo na nga papasok ng bahay.