MAHABANG katahimikan ang namagitan kay Lucas at Nova. Parehong walang maisip na maaaring sunod na mapag-usapan. Mas pinili na lamang ni Lucas manahimik dahil iniiwasan niya pa rin si Nova. The woman only reminds him of his old lover, Samanta. Hindi pa siya talaga nakaka-move on. Kung hindi niya iiwasan ang babae, patuloy lamang siyang mabubuhay sa alaala ni Samanta na batid niyang kahit kailan ay hindi na niya makikita. He has to accept the fact, that Samanta would never go back to him again. Even if she is still alive. Ang ginawa nitong paglisan sa kaniya nang nagdaang mahabang taon, kung magbabalik man ito ngayon ay hindi kayang ipaliwanag ang ginawang pag-iwan sa kaniya. Ipinaghain siya nito na talagang ikinatuwa ni Lucas. At hindi siya tiyak sa dahilan kung bakit, dahil halos lahat nam