ANG NAGDAANG gabi nang walang kuriyente ay hindi naging madali sa lahat ng nga taga-isla. Lalong-lalo na kay Lucas na siyang nasanay sa mahimbing na tulog nang naka-air conditioner. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganito sa tuwing tatamaan ng bagyo ang isla. Ngunit mas malala lamang ngayon dahil sumakto namang hindi magamit ang mga generator na siyang kanilang inaasahan sa oras na ito. Ang lahat ay nasa silid na sa dakong alas nuebe ng gabi, ngunit si Lucas ay kakain pa lamang. Naubos ang kaniyang oras sa mahabang pagtulog kanina lamang at nang magising ay wala nang kuriyente. Idagdag pang si Nova nanaman ang bumungad sa kaniya sa pagbukas ng pintuan. Hindi niya na inabala pa ang mga kasambahay sa kaniyang nais kainin. Kung ano na lamang ang makita niya sa ref ay iyon