SINAMPAL ni Nova nang marahan ang pisngi nang makarating sa loob ng silid. Bahagya pa niyang nagising si Stella dahil sa napalakas ang pagkakabagsak niya sa pintuan. “Pasensiya na, Ate Stella.” Inilapag niya sa lamesang katabi ng kama ang hawak na baso na may kandila at pinatay. Ang kandila na kanina pa bukas sa silid ang nagsilbing ilaw niya. “Ayus lang.” Tumawa si Stella. “Anong nangyari sa ‘yo at basa ka?” Tumayo ito mula sa pagkakahiga at lumapit sa aparador. Kumuha ito ng isang T-shirt at iniabot sa kaniya. “Magpalit ka at baka magkasakit ka.” “Salamat po.” Tumango si Stella at bumalik sa higaan. “Anong nangyari sa ‘yo? Lumabas ka ba? Malakas pa rin ang ulan ha?” “Naku, hindi po.” Malalim siyang bumuntong hininga at nagtungo sa madilim na parte ng silid. Hinubad niya ang suot na d