Prologue
“Open your eyes beautiful.”
Napangiti siya at marahang iminulat ang mga mata. Napasinghap siya nang masilayan ang maliwanag na paligid nang dahil sa napakaraming pumpkin lantern na nasa puti at malamig na buhangin sa dalampasingan. May isang puting tent na nakatayo sa gitna at nababalot ito ng makikinang na led lights. Sa loob nito ay mayroong kahoy na papag. Sa ibabaw naman nito ay ang inumin at pagkain maging ang kumot at unan.
Walang salita ang lumabas sa kaniyang mga labi. Naluluha siya sa kasiyahan. She felt so special tonight and it’s all because of him.
“Surprise,” he said with a genuine smile on his lips. May hawak itong isang bouquet ng mga pulang rosas. Naglakad ito papalapit at iniabot iyon sa kaniya. Pagkatapos ay dinampian nito ng halik ang kaniyang noo.
Doon ay tuluyan bumagsak ang kaniyang mga luha nang dahil sa kasiyahang nararamdaman. Kasabay ng paglapat ng mga labi nito ang pagtugtog ng isang kanta mula sa isang maliit na speaker na nasa kanilang paanan. Humalo sa malamig na simoy ng hangin ang kantang KLWKN ng Music Hero. The song suited this night very well.
“Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan, kapag kapiling kang tumitig sa kalawan.”
Iniangat nito ang kaniyang mukha at marahang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi. “You’re so special to me, Nova. Gusto kong malaman mo ‘yon at maparamdam sa ‘yo ang bagay na iyon. When I said babawi ako, gusto kong bumawi sa ‘yo.” Inaya siya nitong maglakad patungo sa loob ng tent. Naupo siya sa papag na gawa sa kawayan. Iniangat niya ang mga pa amula sa putting buhangin. Nang humihip nang malakas ay saka niya naramdaman ang lamig. Niyakap niya ang sarili kasunod ay naramdaman niya ang tela na lumapat sa kaniyang balikat at ang pag-upo ni Lucas sa kaniyang tabi.
“Thank you.”
Inakbayan siya nito at ibinalot ang kanilang katawan sa kumot. “How does it feel?”
“Hindi na ako nilalamig. Just stay beside me, Lucas.” Inihilig niya sa balikat nito ang kaniyang uluhan at inilapag sa papag ang hawak na palumpon ng mga rosas.
“I will.” Mahigpit siya nitong niyakap. Habang pinapakinggan ang tugtog ay pinagmasdan nila ang tahimik at kalmadong tubig, maging ang kalahing buwan at makikinang na bituin sa kalangitan. They are beautiful, but there is nothing could be more beautiful than the feeling she had right now.
Kasabay ng musika ang pagdampi ng mainit nitong labi sa kaniyang balikat. Dahil doon ay napapikit siya dinama ang bawat paglapat ng labi nito sa kaniyang balikat, pataas sa kaniyang leeg at mahinang pagkagat sa ilalim ng kaniyang tainga. Huminto ito.
Nag-angat siya ng tingin at pinakatitigan ito sa mata. “Lucas…”
“I want this night be memorable. Gusto kong palitan nang mas magandang alaala ang nangyari sa ‘tin sa opisina. Something that is romantic and ideal as every woman dreamed of.” Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. “I promise to be gentle this time, if you allow me, Nova. I want to make it up on you and make our night memorable as your first.”
“Pero hindi na ito ang first ko, Lucas,” walang pag-aalinlangan niyang tugon.
“First man then.”
Napangiti siya sa sinabi nito at napailing. “Paano ako tatanggi?” Ito na lamang ang lumabas na mga salita sa kaniyang mga labi. Hindi siya makapaniwala roon. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Lucas at dali-daling kinabig ang kaniyang labi. Nagkusang umangat na lamang ang kaniyang mga palad at kumapit sa leeg nito.
Nabigla siya nang malamang si Lucas ang unang lalaking nakasiping niya at nakakuha ng kaniyang pagkabirhen. Ito’y dahil wala siyang maalala. Ngunit hindi iyon naging handlang upang kasuklaman niya ang lalaki bagkus ay mas lalo niya itong nagustuhan. Naging mapusok ang halik na kanilang pinagsaluhan. Ilang segundo ay naramdaman niya na lamang na lumapat ang kaniyang likuran sa ibabaw ng papag. Balot pa rin naman siya ng kumot kung kaya’t hindi naramdaman ng balat ang lamig. Idagdag pa ang parehong nag-iinit nilang katawan.
“I love you, Nova.”