HANGGANG sa makabalik sila sa lamesa nila ay hindi pa rin naalis ang inis ni Lucas. Mayroon man o wala siyang karapatang mainis, ay wala na siyang pakialam. Was he upset to be a bridge for Nova and Gil? Or there is another reason in him he couldn’t admit yet? Nang magsimula ang ilang programa sa entablado ay si Nova lamang ang nakikinig at nanonood. Nakatingin man si Lucas ay wala naman doon ang isip. Kanina pa niya inililibot ang paningin sa paligid ngunit hindi niya nakita si Gil. Sa kaniyang palagay ay hindi ito dumalo kaya naman ikinatuwa niya iyon, ngunit kahit ganoon pa man. Hindi pa rin maalis sa kaniyang isip ang pinaplano ng ama. “Senyorit—i-ibig kong sabihin, L-Lucas.” Malalim na bumuntong hininga ang babae nang maalala nito ang kaniyang naging pagbabanta kanina. Nilingon niya