NAPANOOD ni Daniela kung paano hinalikan ni Lucas ang nahihimbing na si Nova. Bigla ang kirot nito sa dibdib na hindi na iniinda dahil nasanay na lamang siya. Ilang lalaki na ba ang dumaan sa kaniyang buhay at binalewala siya. Isa na roon si Lucas, ngunit iba ito sa lahat dahil halos mabaliw siya rito. Mahal na mahal niya ito kahit hindi magawang suklian ng lalaki ang kaniyang walang hanggang pag-ibig. Hindi niya papayagang may umagaw sa kaniya rito. Hindi ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat, si Nova. Mangiyak-ngiyak siyang nagtungo sa kaniyang silid at binuksan ang isang kahon sa kaniyang aparador. Ngumisi siya ng makita ang isang kutsilyo roon. Kung kinakailangang gumawa siya ng masama upang alisin sa landas si Nova ay gagawin niya. “Akin lang si Lucas.” Samo’t saring imosyon ang kani