KATATAPOS lamang maligo ni Nova nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa labas ng pintuan ng kaniyang silid. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakahuhuma sa laki at kagandahan ng silid na kaniyang tinutuluyan. “Sandali lamang po,” wika niya matapos itapis ang tuwalya sa kaniyang katawan. Mayroon namang roba ngunit hindi siya sanay na ganoon ang susuotin pagkatapos maligo. Pagbukas niya ng pintuan si Aling Res ang bumungad sa kaniya. “Magandang umaga po.” Ngumiti siya rito. “Magandang umaga, Nova. Ito at may dumating na invitation para sa ‘yo.” Iniabot nito sa kaniyang ang isang envelope na pinaghalong ginto at itim. “Invitation? P-para saan po?” Kunot noo niya itong binuksan at binasa ang nasa loob. “P-party?” wika niya at muling pinasadahan ng tingin ang imbistasyong hawak. An