HINDI malaman ni Lucas kung bakit tila yata pinagtatabuyan siya ng mga tao sa kumpanya palabas nang tumuntong ang ala singko ng hapon. Tiyak siyang may kinalaman nanaman dito ang ama. Wala talaga siyang kalaban-laban dito. Wala na rin siyang magagawa kaya naman maaga na lamang siyang umuwi sa villa kung saan wala siyang naabutang sa loob. “Nova? Aling Res? Annie?” tinawag niya na ang panagalan ng tatlo subalit wala sa loob ang mga ito. “Dammit! Where are they?” Napailing na lamang siya at umakyat sa itaas kung saan naisipan niyang katukin ang silid ni Nova ngunit walang sumagot mula sa loob, at naka-lock din ito. Dumiretso na lamang siya sa kaniyang silid. Kumunot ang kaniyang noo nang maabutan niya ang isang formal attire sa ibabaw ng kaniyang kama. Kulay asul na tuxedo. Malamang sa mal