IKINATUWA ni Lucas nang mag-cancel ng appointment si Mr. Rodriguez para sa dinner na kaniyang dapat daluhan kanina. Sa wakas ay makauuwi na siya sa villa at makapagpapahinga. Bumuntong hininga siya at isanandal ang likuran sa backrest ng kaniyang swivel chair. Ilang minuto siyang nagpahinga roon bago naisipang umuwi. Hindi niya alam kung ano ang naisipan ng ama at sa Villa Sebastian sila pinatuloy gayong lubhang napakalayo nito mula sa kumpanya. Mayroon naman silang pagmamay-aring bahay na siyang mas malapit. Sigurado siyang pinlano talaga nitong pahirapan siya nang sobra at hindi makagawa ng kung ano mang kalokohan na tiyak itong hindi magugustuhan. Kaagad na ipinaghain siya ni Aling Res nang magkauwi siya ng bahay. Sinabi niya kasi kaagad sa ginang ang hinaing sa trabaho. Hindi na niya n