NAPATITIG si Nova sa malungkot na mukha ni Lucas. Kanina lamang ay ngiting-ngiti ito at tumatawa pa, ngunit nang mabanggit nito ang Samanta ay bigla na lamang nagbago ang emosyon sa mukha nito. “Senyorito Lucas...” Isang buntong hininga ang pinakawalan nito at tumayo. Bumalik ito sa kinauupuang damuhan katabi ng itinaling kabayo. Isinandal muli ang likuran sa puno at ipinikit ang mga mata. “You’re too innocent and completely different from the way you talk and the way you move. She will never coming back, and I have to accept it.” Naalala niyang bigla ang sinabi nito tungkol sa babaeng kahawig niya. Si Samanta. Hindi na siya nakapagsalita pa. Tumayo siya at pinagpagan ang likuran ng paldang suot. Kinuha niya ang bayong na may laman ng kaniyang mga ipinamili at naupo sa damuhan katabi n