“BABABA na lang po kaya ako?” tanong ni Nova dahil halos matunaw na siya sa malalagkit na tingin ng mga taga-Isla Elysian. Hindi niya alam kung ano na ang iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya at sa amo. Wala naman siyang pakialam doon, kaya nga lamang ay hindi siya sanay na maging tampulan ng tingin ng mga tao sa paligid niya. “Bakit?” takhang tanong ni Lucas. “Nasa akin na po ang lahat ng tingin ng mga taga-isla. Baka kung ano po ang isipin nila sa ‘kin.” Tumawa nang pagak si Lucas. “Hayaan mo sila. Hindi na bago sa ‘kin ang bagay na ‘yan. They used to think anything they want to think about me. In fact, they are calling me, Devil Lucas.” “Bakit naman po?” “Dahil hindi ko raw kaugali ang papa. He seemed an angel to their eyes, and I am his opposite. I am a devil through their ey