Elysian 24

1017 Words

HUMARAP si Nova sa lalaking nagsalita sa kaniyang gilid. Sinira nito ang kaniyang taimtim na pag-iisip tungkol sa pagbalik ng kaniyang alaala. “Senyorito Lucas? Anong ginagawa n’yo po rito?” Kumunot ang kaniyang noo nang si Lucas ang kaniyang makita. Sakay na ito ng paboritong kabayo na si Snow White. Sa kaniyang palagay ay nakarating na sa isla si Don Gabriel at naibalik na ang kabayo ng lalaki. Ngunit napapaisip siya kung paano gayong kagabi lamang ay dumaan ang bagyo sa isla. “Parte ito ng pagmamay-ari ng isla ng Papa ko. Bawal ba?” sarkastikong tugon ng lalaki at bumaba sa kabayong sinasakyan nito. Mahina itong tumawa habang nakatingin sa kaniya. “Para sa mga bata lamang ‘yang pagdarasal mo sa balon. Hindi niyan tutuparin ang hiling mo.” Malalim siyang napabuntong hininga. “Nagbaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD