TINIGNAN ni Nova ang kabayong puting-puti ang kulay. Nakangiti siya kahit na wala namang dapat na ikangiti, dahil doon ay mas lalong naiirita ang lalaki. He’s not in a good mood and yet here it comes a woman smiling in front of him as if teasing him. “At anong kailangan mo? Hindi kita ipinatawag ‘di ba?” masungit na tanong ni Lucas at isinabit sa isang patulis na bahagi ng bakod ang tali ni Snow White. “Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Stella na hindi ko gusto ang mga pakialamera?” Nakagat ni Nova ang ibabang labi. “Hindi naman po sa pakikialam, gusto ko lang pong makatulong.” “At anong maitutulong mo ha? May alam ka ba sa kabayo gayong isa ka lang katulong? I know for sure you yet never ride a horse. You can’t afford it.” Naningkit ang mga mat ani Nova dahil sa sinabi nito. “Hindi ho yat