HINDI alam ni Nova kung ano ang pumasok sa kaniyang isip at sinabi iyon sa lalaki. Ang tanging alam niya lamang ay pumapayag siya sa nais nito. Hindi siya ganoon kamanhid upang itanggi na maging siya sa sarili niya ay sabik matikmang muli ang mga labi nito na hindi nagpatulog sa kaniya nang unang gabi niyang matikman ito. Nakatingin lamang sa kaniya si Lucas. “You serious?” Nakagat ni Nova ang ibabang labi. Nakakahiya ang kaniyang ginagawa. Hindi ito ang normal na gawain ng isang babae. Nababaliw na ba siya? Hindi siya kaagad nakatugon. Halos ilang segundo silang nagtitigan bago niya tuluyang iiwas ang tingin. “Fine.” Hinatak siya ni Lucas papalapit at mabilis na hinalikan sa labi. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagulat pa. She expected his lips and wanted to taste it more and