HINDI MALAMAN ni Nova ngunit napakasaya niya. Isinantabi niya na lamang ang mga bagay na gumugulo sa isip. Hindi man niya aminin o hindi, walang babae ang makatatanggi sa isang Lucas Sebastian. Ewan, ngunit talagang napakalakas ng dating nito sa kaniya. Kinilig pa nga siya sa biglaang pag-amin nito. Saka niya na lamang iiisipin ang ilang bagay na kanina’y iniisip niya. Napangiti siya nang makababa sa sasakyan at bumungad sa kaniyang paningin ang napakalawak na parke na siyang kaysarap tignan. A perfect landscape that is vivid and definitely beautiful. Nabigla siya nang hawakan ni Lucas ang kaniyang kanang palad nang makababa ito ng sasakyan at makalapit sa kaniya. “Let’s go. I’ll show you something.” Nagpatiuna ito sa paglalakad at inaya siya papasok sa loob ng parke. Ngumiti naman siya a