HINDI KAAGAD nakatugon si Nova. Maging siya ay hindi malaman ang dahilan kung bakit hinayaan niyang saktan siya ng babaeng tinawag ni Lucas na Daniela. “H-hindi ko po alam. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi rin ako agad nakahuma dahil ang mga palad niya nasa buhok ko na.” Malalim siyang napabuntong hininga. “Hindi ko ho siya kilala, kaya hindi ko alam kung anong dahilan niya para saktan ako kanina.” “Stupid!” pabulong na sambit ni Lucas, “It's because of me. Pinagdududahan niyang kasambahay ka lamang sa bahay—” Napahinto ito sa sinasabi. Sino ba naman ang hindi pagdududahan si Nova? Mas paniniwalaan pang fiancee niya ito na nagmula sa Maynila kumpara sa isang kasambahay. Isa pa ay hindi lubos maisip ni Lucas kung ano ang naisipan ng ama at hinayaang makapasok si Nova sa mansion bilang i