“I TOLD YOU, she's fine.” Mahinang tumawa si Lucas. Katatapos lamang nilang kausapin ang doctor na nag-asikaso kay Daniela, ayon dito ay nasa maayos nang kalagayan ang babae. Hindi naman daw naging seryoso ang sugat na ginawa nito sa pulso. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa kalokohang ginawa ni Daniela. Nababaliw na talaga ito. “So, p’wede na ba tayong umalis?” Pinagmasdan niya si Nova. Nagdadalawang isip ito. Hindi niya binitawan ang palad nito simula kanina pa, at halos magtatalon ang puso niya nang hindi ito tumanggi. “P-pero, sino po ang magbabantay—” “I can send someone here,” tugon niya na kaagad pinutol ang sasabihin nito. “Let’s go, Nova.” Ngumiti siya at kinindatan ito. Napangiti na lamang ang babae at mahinhing tumango. “S-sige po.” Kaagad silang lumabas