KAAGAD na isinugod si Daniela sa hospital. Si Nova ang nagprisintang sasama at hindi niya naisip na sasamahan siya ni Lucas gayong alam naman niyang may trabaho pa ito sa kumpanya mamaya. Nanatili sa labas ng operating room. Ipinagdarasal ni Nova na maging maayos na ang kalagayan ni Daniela. Kahit gaano ito kasama alam niya. “Why did you do that?” Humarap siya sa katabing si Lucas. “Ang alin po?” Nakatingin ang lalaki sa malayo habang titig na titig siya rito. “Why are you so kind to Daniela kahit na ang dami niya nang ginawang masama sa ‘yo. Don’t you hate her?” Humarap ito sa kaniya nang ang mga mata ay nagtatanong. Hindi ito makapaniwalang mayroon siyang ganito kalinis na puso. Walang galit o kahit na anong pagkamuhi sa dibdib. Hindi siya kaagad nakasagot, hindi niya rin naman al