MARAHANG nagmulat ng mga mata ang dalagang natagpuan ni Antonio at Lester sa dalampasigan. Kukurap-kurap itong iniikot ang mga mata sa paligid. Napahawak ito sa ulo nang maramdaman ang pagkirot doon. “Ah!” Pumaling ito ng higa sa papag dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ulo. Maagap naman na dinaluhan ni Antonio at Julieta ang dalagang ito. “S-sino kayo?” Hindi ito nag-panic ngunit ang sakit ng ulo ay tuluyang ginagambala ang dalaga.
“Kami ang mga taong nakapulot sa ‘yo sa dalampasigan, wala kang malay at puno ng sugot,” tugon ni Antonio. Lubos itong nag-aalala para sa kalagayan ng dalagitang kanilang kaharap.
“A-anong pangalan mo, Hija?”
“N-napulot sa dalampasigan?” Kumunot ang noo ng babae. “At ano ang pangalan ko? P-parehong hindi ko alam ang sagot, wala akong maalala a-at ang sakit talaga ng ulo ko.” Naluha na ito dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. “Please, tulungan n’yo ako!”
“Sandali at kukuha ako ng gamot para sa ‘yong ulo.” Dali-daling tumayo si Julieta upang kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo, nakasanayan na nitong mag-imbak para sa ganitong mga pangyayari. Hindi niya namalayang sumunod sa kaniya si Antonio. “Bakit, Anton?”
“Julieta, tama nga ako nang naisip, maaring walang maalala nag babaeng ‘yon.”
“Anong pinagsasasabi mo? At parang tuwang-tuwa ka pa sa nangyari sa tao? Hindi natin alam ang pinagdaanan niya kaya alisin mo ang kung ano mang nasa isip mo, maliwanag ba?” Bumalik si Julieta nang may dala nang tubig at gamot, kaagad niyang iniabot sa dalaga ang mga ito na kaagad naman kinuha ng babae at ininom. Isang oras din mahigit bago nila naisipan muling tanungin ang babae, maayos naman na ang pakiramdam nito at nakaupo na sa papag habang inililibot ang mga mata sa paligid. “Anong pangalan mo, Hija?”
Nanlumo ang mga mat anito at tumingin kay Julieta, isang iling ang itinugon ng babae. “H-hindi ko po alam, w-wala akong maalala, kahit na ano—h-hindi ko alam kung sino ako, at ang mga sinabi niyong napulot n’yo ako sa dalampasigan, nagising akong narito na sa bahay n’yo.”
Nagkatinginan ang mag-asawa ngunit magkaiba ang iniisip. “Kung ganoon, natatandaan mo ba kung kanino ‘yang kwintas mo?” Itinuto ni Julieta ang suot nitong kwintas na may roong nakaukit na pangalan sa siyang pendant mismo nito.
Kinuha ito ng babae at binasa, “N-Nova? K-kanino ito?”
“Sa ‘yo ang kwintas na ‘yan, suot mo ‘yan nang matagpuan ka ng asawa ko.”
“Maaring pangalan mo ‘yan, Hija,” wika ni Antonio at ngumiti. “Nova na lamang ang itatawag naming sa ‘yong mag-asawa, ako si Antonio at ito naman ang asawa kong si Julieta, maari mo kaming tawaging tatay at nanay—” Nahinto si Anton nang tapakan ni Julieta ang kaniyang mga paa dahil sa hindi ito natuwa sa mga sinabi ng asawa. “O kahit tiyo at tiya na lang.” Napakamot sa batok niya si Anton at wala nang nagawa.
Yumuko ang babae nang may malungkot na mga mata. “Pasensiya na po kayo sa idinulot ko rito sa tahanan n’yo. Mukhang nakaaabala ako.”
“Naku, hindi!” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Julieta. “Masaya kaming makatulong, Nova, kung nanaisin mo, maari kang tumira muna rito sa balay naming hanggang sa magbalik ang ala-ala mo. Hindi kami mayaman ngunit kumpleto naman kami sa pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan, hayaan mo’t tutulungan kitang mahanap ang pamilya mo at kung saan ka man nanggaling.” Hinawakan nito ang palad ng dalaga at hindi naalis ang ngiti sa labi.
“M-maraming salamat ho.”
Nang araw ding iyon ay nanirahan si Nova kasama ang mag-asawang Julieta Santos at Antonio Santos. Bagamat hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat nito sa katawan ay tuluyan nang nanumbalik ang malakas na pangangatawan ng babae. Nga lamang ay hindi pa ito pinalalabas ng bahay, nanatili ito sa loob ng bahay ng mag-asawa habang ang dalawa naman ay umaalis upang kumita.