NAGSIMULANG maging abala si Lucas sa trabahong nakahanda sa kaniya sa kumpanya nang makapasok siya rito. Halos hindi siya magkanda ugaga sa dami nito. Hindi niya inasahang ganoon kadami at kahirap ang mga trabahong nakahanda sa kaniya ganoong kasisimula pa lamang niya. Maigi na lamang ay may mga empleyadong handa siyang tulungan. Isang linggo lamang ang ibinigay sa kaniyang palugit ng ama upang matapos ang proyektong hawak-hawak. Hindi niya na rin makuhang kumain ng tanghalian nang dahil sa mga trabaho at sunod-sunod na pagpupulong mula sa loob hanggang sa labas ng opisina. Kagagaling niya lamang sa conference room nang makasalubong niya ang sekretaryang ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama. “Good afternoon, Mr. Sebastian. Nasa telepono po si ang chairman,” bungad nito sa kaniya hawak ang