Elysian 15

1009 Words

IKINUWENTO ni Ester kay Nova ang naging dahilan kung bakit ipinatapon sa isla ng Elysian si Lucas. At talagang hindi makapaniwala si Nova sa mga narinig. Bahagya pang nagtaasan ang kaniyang mga balahibo. “Ngunit maniwala ka man sa hindi, Nova… mabait na bata si Lucas. Saksi ako sa kaniyang paglaki. Sabihin na lamang natin na itinatago nito ang tunay na pagkatao sa mga kalokohang ginagawa dahil hindi niya nais na kaawaan siya ng ibang tao. Uhaw siya sa pagmamahal ng isang babae, ng isang ina. Hindi niya naranasang maalagaan ng kaniyang tunay na ina, dahil maliit pa lamang siya nang masaksihan niya ang pagkawala nito. Idagdag pa ang kabiguan nito sa unang nobya.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Aling Ester. “Aba’t masiyado na akong nagiging madaldal, wala yata akong maita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD