Elysian 13

1024 Words

KAAGAD LUMAYO si Lucas nang maalala si Samanta. “Lumabas ka na, at huwag na huwag nang babalik sa kwarto ko maliwanag ba?!” tumaas ang kaniyang boses at dali-daling tinungo ang banyo. Isinara niya ang pinto at itinapat ang sarili sa ilalim ng shower head. Binuksan niya ang shower at hinayaan ang tubig na bumuhos sa kaniyang katawan. Napasabunot siya sa kaniyang buhok habang patuloy ang maligamgam na tubig sa pagbuhos sa kaniyang uluhan. Ang sakit mula sa kaniyang nakaraan ay nanunumbalik. Hanggang ngayon ay si Samanta pa rin ang nasa kaniyang isip. Samantala, naiwan si Nova sa loob ng kwarto. Napaupo ito sa sahig at malalim na bumuntong hininga. “Tama nga sina Aling Ester at Tiyo Antonio, dapat ko siyang iwasan. Ang tanga-tanga mo talaga, Nova! Ano ba naman kasi ang ginagawa mo’t ang dum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD