NAKAKUNOT lamang ang noo ni Nova habang nakatingin sa lalaki. Huminto sa pagtawa si Lucas nang bigla na lamang ay namatay ang ilaw sa hawak na flashlight. “Dammit! Anong problema nito?” Inalog-alog ni Lucas ang hawak. “Naubos na ho yata ang baterya.” Halos hindi na sila magkakitaan sa dilim ngunit hindi nakararamdam ng takot si Nova dahil batid niyang may kasama siya, kumpara kanina nang akyatin niya ang ikalawang palapag at napakadilim ng paligid. Nang marinig niya rin ang tawa ni Lucas ay naglaho ang agam-agam nita na maaring may gawin itong masama sa kaniya. Ngunit hindi naman ganoong lalaki ang senyorito ayon sa kaniyang mga narinig mula sa paalala nila Tiyo Antonio at Aling Ester. Bagkus ay ang mga kababaihan pa mismo ang nagbibigay ng sarili rito nang walang hinihinging kapalit sa l