MASAYANG inayos ni Nova ang kaniyang mga gamit nang nagdaang gabi. Batid niya naman talagang papayagan siya ng tiyuhin at tiyahin dahil pinagkakatiwalaan siya ng mga ito. Isa pa ay wala siyang ibang makitang dahilan upang hindi siya payagan lalo na at trabaho naman ang kaniyang pupuntahan. Maaga siyang natulong habang sabik na sabik sa darating na bukas. Saktong alas kwarto ng umaga nang magising siya at dali-dali nang nag-asikaso nang sarili. “Aba’t napakasaya mo naman. Talagang excited ka sa pagpunta sa Maynila ah?” bulalas ni Julieta na kalalabas lamang sa munting silid nito. “Pakiramdam ko po kasi hindi ito ang unang pagkakataon na magtutungo ako sa Maynila.” Nakagat niya ang ibabang labi habang nakabalot pa ng tuwalya ang kaniyang basang buhok. “Paano po kung doon talaga ako nagmula