NAGDADALAWANG ISIP man ay nagawa pa ring lapitan ni Lucas ang babaeng ayon kay Trish ay kaniyang date. Nakaagapay sa dalaga ang dalawang tauhan ng kaniyang ama na minsan niya nang nakilala. Nang huminto siya sa harapan nito ay pinagmasdan niya ang kagandahan nito at magandang ngiti sa labi. Nagtama ang kanilang mga mata. Her eyes seemed familiar but because of the makeup she was wearing he could not identify yet; who was the person he knew having those innocent and rounded eyes? “Good evening,” formal niyang bati rito. Naglaho ang ngiti nito na kanina’y nakasisilaw habang kinukuhaan ng litrato ng mga media. Tumango ang dalaga at nag-iwas ng tingin. Hindi inasahan ni Lucas ang ganoong tugon ng dalaga. Hindi pa siya nakatatanggap sa kahit na sinong babae nang ganoong pagtugon at saka iiw