Elysian 7

1069 Words
SUMUNOD si Nova kay Ester nang ayain siya nitong magtungo sa silid ni Don Gabriel. Nang makarating sa mansion ang ginoo ay hindi nila ito kaagad inabala. Binigyan nila ito ng oras upang magpahinga bago napagdesisyunang magtungo sa silid nito. Mahinang kumatok sa pintuan si Ester. “Magandang tanghali, Don Gabriel, si Ester po ito. May kasama po akong dalaga na nais pumalit sa umalis na kasambahay,” wika ni Ester matapos ang pagkatok. Kasalukuyang nagbabasa ng libro ang Don ang marinig si Ester sa labas ng pintuan nito. “Pasok, Ester.” Hindi naman na nagdalawang isip pa si Ester at inaya nang pumasok sa loob ng silid si Nova. Ganoon na lamang naman ang kaba ni Nova. Hindi siya mapakali. Pinagsalikop niya ang palad sa harapan at sumunod kay Aling Ester papasok sa loob ng silid. Bumungad sa kanila ang mapalad na likuran ng ginoo mula sa isang malaking bookshelf. Isinasauli nito ang isang libro sa hilera ng mga kulay itim na libro. “Magandang tanghali, Don Gabriel,” muling bati ni Ester, “Ito po si Nova.” Kaagad na humarap ang ginoo at sa isang iglap ay kumunot ang noon ang makita si Nova. Naaalla nito kaagad ang mukha ng babae na siyang nakita nito kanina lamang na nakaupo sa bakuran ng mga Santos. Ngayong nakita nito ang babae nang malapitan hindi nito naiwasang hindi mamangha dahil sa lubhang kagandahang taglay nito. Maputi ang balat, bilugan ang kulay itim na mga mata. Guhit na guhit ang matangos na ilong at bahagyang namumutlang labi. Mahaba rin ang pilik-mata nito na siyang nagbigay buhay sa maganda nitong mga mata. “O-oh, what is your name, hija?” bulalas na lamang ng ginoo at isinantabi ang paghanga sa babae. “Ako po si Nova,” kaagad namang tugon niya at ngumiti. “Magandang tanghali po.” Naupo si Don Gabriel sa isang mahaba at kulay itim na sofa. “Nais mong pumasok bilang kasambahay?” Tumango si Nova. “Hindi ako makapaniwalang kasambahay ang nais mong pasukan, napakaganda mo at maganda rin ang balat mo.” Mahinang tumawa ang ginoo. “You are beautiful. You don’t look like a maid,” dugtong pa nito, bahagyang pabiro ngunit may halong katotohanan. “Talagang nangangailangan ho ako ng trabaho ngayon, pakiusap tanggapin n’yo na po ako.” Biglaan ang pagkawala ng kaba sa kaniyang dibdib gayong nakita na niya ang Don Gabriel. Sa pananalita pa lamang ni Ester kanina, ay isang mabuting tao ang ginoo at hindi nga ito nagkamali. Kaagad na napalagay ang kaniyang loob na makasama ito sa isang silid. “Ang hinahanap ko sana ay may edad na, para naman sumunod kahit papaano si Lucas.” Humarap si Don Gabriel kay Ester. “Hindi ko ba nabanggit, Ester? Alam mo naman kasi si Lucas, pilyo ito lalo na’t ganito kaganda ang magiging kasama natin sa bahay.” “Nabanggit n’yo ho, Don Gabriel. Gusto ko lang pong makatulog kay Nova. Kung saan-saan na po kasi siya nakarating para maghanap ng mapapasukan. Naperwisyo ko pa siya kanina.” Mahinang tumawa si Ester at tumingin kay Nova. “Nabuhusan ko ho siya ng tubig.” “Gusto ko rin namang makatulong, kaya lamang ay si Lucas ang inaalala ko. Alam mo na, Ester, kung ano ang ibig kong sabihin ‘di ba? Ikaw na ang ina-inahan ni Lucas dito sa isla.” “Oho, Don Gabriel,” tugon ni Ester. Batid nito kung ano ang gawain ng Señiorito nito. “Ipakikilala ko na lamang pong anak ko si Nova na galing sa Manila, kung papayagan n’yo, Don Gabriel, alam kong hindi sasalbahihin ni Lucas ang anak ko.” Ngumiti si Ester. Samantalang si Nova naman ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi niya rin matukoy kung ano ang ibig sabihin ng dalawa patungkol sa lalaking anak ni Don Gabriel na ang pangalan ay Lucas. Tumango si Don Gabriel at bumuntong hininga. “Ikaw na ang bahala, Ester. Sa susunod na mga araw ay wala ako rito sa isla, magiging abala kasi ang kumpanya sa Maynila. Ikaw na ang bahala kay Nova rito sa bahay.” “Ibig ho bang sabihin ay maari nang pumasok si Nova bukas?” tugon ni Ester. “Oo naman, kilala ko rin naman sina Antonio at Julieta.” Kumunot ang noo ni Nova. “P-paano n’yo pong nalaman na konektado ako sa kanila?” “Napadaan ako sa labas ng bahay n’yo, nakita kitang nakaupo—” Sandaling nahinto ang ginoo at tumingin kay Ester. “Siya nga pala, Ester. Nakita ni Lucas si Nova katulad ko kaninang umaga. Malabong maipakikilala mo siya bilang anak mo. Anyway, Nova, pamangkin ka ni Antonio?” Kaagad na lamang siyang tumango. “Opo.” Malapad siyang ngumiti. “Maraming salamat po, Don Gabriel. Utang ko sa inyo ang bagay na ito. Sinisiguro ko pong pag-iigihan ko ang aking trabaho.” Tumango ang Don. “O siya’t ikaw na lamang ang bahala, Ester. Pinagkakatiwalaan naman kita.” “Salamat ho, Don Gabriel.” Kaagad naman siyang inaya ni Ester na lumabas ng silid. Labis-labis ang tuwa ng dalawa nang makalabas. “Salamat po, Aling Ester.” “Walang anuman, Nova. Kaya lamang ay may problema tayo.” “Ano ho iyon?” Hindi kaagad nakasagot si Ester. Hinintay nitong makapasok sila sa loob ng silid nito kung saan siya nito unang dinala upang makapagbihis. Magkatabi silang naupo sa gilid ng kama. “Ito kasi, Nova. Si Lucas, mabait na bata naman iyon, na bahagyang napabayaan ng kaniyang ina dahil maagang nawala ang mama niya. Naging pilyo ito at pasaway. Lumaki ito sa Maynila at kinalakihan na ang…” “Ang alin po?” Malalim na bumuntong hininga si Ester. “Nakahiligan niya ang pambabae.” Bahagya pang napangiwi ang labi nito. “Babalaan lang kita na huwag maglalalapit sa kaniya habang nagtatrabaho ka rito sa mansion. Maliwanag ba? Ayokong isa ka sa maging target ng Senyorito. Sa ganda mong iyan, hindi malabong pagkainteresan ka ni Senyorito Lucas.” “Nauunawaan ko po.” Ngumiti si Nova. “Pupwede ka na raw magsimula bukas. Congrats!” “Thank you po, Aling Ester. Malaking bagay po talaga itong ginawa n’yo sa ‘kin.” Tumango si Ester at gumanti ng ngiti. “O sige na’t umuwi ka na.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD