Amara MALAKAS ang ulan sa labas nitong kinaroroonan naming inn. Nasa lobby ako matamang nakamasid sa labas habang si Jayden ay kinakausap iyong nasa reception. Dito kami nagtungo matapos abutan ng ulan sa daan pauwi. Masyadong malakas kaya naisipan namin magpatila muna at kahit pasado alas singko palang ng hapon ay sobrang dilim na. May panaka-naka ding pagkulog at pagkidlat na siyang nagpapaliwanag ng kalangitan. Tila pati ang langit ay nagalit na sa kinahinatnan ng lakad namin ni Jayden ngayon. Hindi ko pa magawang ma-proseso ang mga nalamang detalye sa apo ni Cherry. The supposed receiver of the letters that I possessed had cheated her way out and threw away her family. Ang buong akala ko sila ni Mac simula umpisa ngunit mali ako. Mac was the reason why someone's family became miserab