bc

A Love Story Somewhere in our Past

book_age16+
944
FOLLOW
5.3K
READ
billionaire
fated
second chance
playboy
independent
drama
comedy
bxg
nerd
city
like
intro-logo
Blurb

Determined to find what happened to Mac and Cherry, Amara Luna did anything she can, and it leads her to meet Jayden Dela Cruz, a handsome yet shy silversmith in town who happened to buy one of the promises rings of the two old couple. As they dig into the details, they unravel a 1969 illicit affair that made the two get closer but not meant for each other.

chap-preview
Free preview
Chapter One - The Love Letters
CHAPTER ONE - THE LOVE LETTERS Amara BORING, one word that I can use to describe what I am feeling right. I’m just here, inside my room, staring at the ceiling, waiting until it talks to me sooner or later. Sinubukan ko na bumangon at magtipa sa aking laptop ngunit wala ni-isang salita ang napasok sa utak ko at hindi na ito maganda. I’ve been sulking for almost two months now, and writer’s block succumbs me entirely. Hindi naman ako ganito dati. I can finish a manuscript in two to four weeks, and my publisher admires me the most. Ngayon, halos isumpa na ako ni Nessie dahil hanggang sa mga oras na ito wala pa din ako naipapasa sa kanya na bagong nobela. Said na said na rin ang kaban ko at dakilang palamunin na lang ako sa bahay ng bagong asawa ni Daddy. Yes, my dad remarried a lady whom he met years ago in this town. Sommer Town, a serene place that corporate world slaves will love to settle down. Kapareho ng dating lugar kung saan kami nakatira ni Daddy. Naibenta na ang bahay namin doon kasama ang ala-ala ni Mommy at iyong gamit kung saan ko nararamdaman ang presensya niya. Hindi naman ako tutol sa pagpapakasal ni Daddy at ayos lang sa akin na dito tumira sa hindi pamilyar na lugar ngunit hindi ko maiwasan na maalala ang Mommy. Iyong mga bonding moments namin sa kusina. Iyong pagtatanggol niya sa akin sa tuwing sasabihin ni Daddy na magsimula na akong humanap ng tunay na trabaho at iyong kasiyahan niya kapag may bago akong labas na libro sa mga bookstore. I missed her so much and I could say that we’re a happy family back then not until cancer ruined everything. It’s a stage four breast cancer that already stole the life and the energy Mommy had. Mabilis ang naging pangyayari. One day we received the result, and in the following months, I found Mommy lying down on her bed, lifeless. She managed to give me her sweet smile the day before she left to join our creator in heaven. Malaki ang naging epekto sa akin ng pagkawala ni Mommy. Nawalan ako ng gana na nangyayari na naman ngayon. Dad moved on and found a new love which he married yesterday. Tatlong taon din naging single si Daddy at sa tingin masaya si Mommy sa naging desisyon niya. Narinig ko minsan noong nag-uusap sila na kapag nawala ito ay dapat lang na maging masaya sa iba ang Daddy na hindi ko matanggap noon. As time goes by, I understand what does Mommy wanted to happen. Kapag nga naman nagkapamilya ako, maiiwan ang Daddy na mag-isa at mas malungkot iyon kaya tama lamang na mayroon na siyang katuwang ngayon. Hindi naman porket nagpakasal sa iba ay malilimutan na namin ang Mommy. Mommy’s memory will remain in our hearts forever, and besides, Tita Rosa is a lovely lady. Hindi ko pa nga lang magawa na tawagin siya na Mommy din. Saka na siguro kapag may kapatid na ako? I hope so. Napukaw ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. It is a video call conference with my friends, Nessie, Gina, and Wynona. “Girls!” Bungad ko sa kanila saka kumaway pa at malawak na ngumiti “What happened to youa?” tanong ni Wynona sa akin. Pinasadahan ko ng suklay gamit ang kamay ko ang aking buhok na nanlalagkit na. “Since when did you last take a bath?” Sunod na tanong na hindi ko nasagot agad. “Hindi ka pa ba nag-aalis ng make-up mula sa event kahapon?” tanong naman ni Gina. Grabe naman itong mga ‘to, hindi na ako nakasagot dahil sa dami ng tanong nila. “Are you done with the novel? May mababasa na ba akong synopsis mo mamayang gabi?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Nessie. “Sandale!” sigaw ko sa kanila. “Pwede ba na isa-isang tanong lang?” Nanahimik ang tatlong kaibigan ko at inabangan ako na magsalita ulit. “Okay, Wynona, FYI lang naligo ako kahapon, okay? Gina, nag-alis ako ng make-up pero hindi lahat kasi antok na antok na ako at Nessie, wala pa rin ako nasusulat miski ano kaya mapapatawad mo ba ako?” “Gross, iw!” Reklamo ni Wynona na pinaka-maarte sa aming apat. “You should start cleaning up so you can write well, Ara,” payo naman sa akin ni Gina. “Ipapa-alala ko lang na may deadline akong binigay sa iyo, Ara.” Sambit naman ni Nessie. Hindi ko naman nalilimutan iyon at hindi ko nga maiwasan na ma-stress kapag tumitingin sa kalendaryo. Nalalapit na ang katapusan ang binigay na palugit ni Nessie sa akin at wala pa rin ako nasusulat miski ilang salita. “Umalis na ba sila Tita at Tito?” tanong sa akin ni Wynona. “Yeah, kanina pa at tingin ko nasa Amanpulo na sila ngayon. Sana sinama na lang nila ako,” wika ko sa mga kaibigan. “What are you going to do there? Referee? Ma-out-of-place ka lang, girl.” Gina said, which is also a truth. Maraming couple doon tapos ako mag-isa lang at baka mapasigaw pa ako ng mga salitang walang forever. “Baka lang may mahanap ako na jowa doon pero hindi naman na masama iyong naiwan ako mag-isa dito. Solo ko ang bahay at maganda din ang view sa labas kaso wala pa rin talaga ako masulat.” Reklamo na iyon na malamang kinaririndi na nila. Ilang beses ko na ba nabanggit na wala pa ako nasusulat? Sa sobrang dami ay hindi ko na magawang maalala pa. “Try decluttering your closet or any room there,” Nessie said to me. Bakit nga hindi ko naisip na maglinis at baka nasa sulok-sulok ng bahay na ito ang ideya na aking hinahanap. Where should I start? Malaki ang bahay ni Tita Rosa na minana pa niya sa yumaong ina. Mag-isa na lang buhay ang bagong asawa ni Daddy. Divorcee sa US at wala pa anak na tingin ko ay mabibigay ni Daddy. Walang masama na umasa at bata pa naman si Tita Rosa kaya pwede pa talaga. “O siya sige diyan na kayo. Maglilinis na ako at susubok ulit mag-sulat.” Paalam ko sa kanila saka pinatayan na sila ng tawag. Marahas akong napabuntong-hininga saka muling bumangon sa kama. Kinuha ko ang laptop ko saka sinubukan na magsulat at ng maka-ilang pangungusap na ako ay muli ko iyon binura. This is bad and I have to do something. Isinara ko ang laptop ko at basta na lang iyon iniwan sa kama saka lumabas ako ng aking kwarto. Kailangan ko maka-isip ng maayos na plot para sa nobela na isusulat ko. I have to come up with a unique theme that readers will love. Kailangan ko ng bago at hindi katulad ng buhay ko ngayon na plain. I need some spices to relive my life, and when I say spices, it means to love, which I don’t have right. Sinubukan ko na ang mga dating sites at blind dates pero wala pa rin nangyari. Zero, zilch, nada pa rin ang aking love life at aasa pa ba ako? Hindi ko nga magawang tumagal sa labas kung wala naman ako ibang gagawin. Ang awkward ko pa kausap lalo na para sa mga nakaka-date ko. Mukhang kailangan ko na lang din tanggapin na tatanda na akong dalaga. Napatingin ako sa hagdan na ginagamit upang maka-akyat sa attic ng bahay ni Tita Rosa. Ang sabi niya kanina bago umalis kasama ni Daddy dahil honeymoon nila feel at home at iyon nga ang gagawin ko ngayon. Baka makahanap ako ng inspirasyo sa attic at may tila bumbilya na umilaw sa akin isip. Dahan-dahan ako umakyat doon at tinakpan agad ang aking ilong ng salubungin ako ng alikabok. Kailan ba ito huling nilinis ni Tita Rosa? Agad ako nagpagpag ng kamay ng makatayo na. Naubo pa ako ng dahil sa sobrang dami ng alikabok doon. Inisa-isa ko buklatin ang mga box sa dahan-dahan na paraan kasi baka mamaya ay may bumulaga sa akin na akin. Bagamat tradisyunal itong bahay, tingin ko ay kailangan na rin dumaan sa renovation dahil marurupok na ang ilang pundasyon nito. Sa unang box, nakita ko ang mga lumang photo albums. Sa ikalawa naman ay ilang lumang damit na kailangan na ilagay sa mga goodwill boxes. Hanggang sa umabot ako sa pang-limang box ay wala pa rin ako nakitang interesante kaya naman nagdesisyon na ako umalis ngunit bigla ako natisod ng isang maliit na box at nadapa. “Jesus Christ, ang sakit naman po.” Sigaw ko saka dahan-dahan na bumangon mula sa pagkakadapa. Nabalot na ng alikabok ang suot ko na damit na agad ko naman pinagpag. “Ano ba kasi itong box na ‘to?” Kinuha ko iyo saka ibinukas at agad na bumungad sa akin ang mga sulat na naka-ayos base sa petsa kung kailan iyon pinadala. Bakas na ang kalumaan sa papel na ginamit at kailangan na maingat iyon buksan upang hindi masira. Dahil walamg ilaw sa attic, binitbit koi yon pababa at napagdesisyunan na basahin sa aking kwarto. Ito na yata ang spices na hinahanap ko kanina pa! August 14, 1969 Dear Cherry, First time I laid my eyes on you I know this could be something. You caught my attention with just one smile you gave when Arthur call out your name. You stand out with your yellow dress among the girls I saw at the church and if checking out on you right after God’s eyes is a sin I won’t mind be a sinner. Yours truly, M Ipinasok ko sa sobre ang unang sulat na aking nabasa. Doon palang alam ko na agad na mga love letter iyon noong panahon na hindi uso ang social media account. The classic way of expressing your feelings, which I find romantic just like what I’ve watched on TV. Ibinalik ko iyon sa box at kumuha pa ulit ng panibagong sulat na marahan ko binuksan. Bago ko pa maituloy ang pagbabasa, tumunog ang aking na-i-set na alarm para sa oras ng pagkain. Madalas ko kasi malimutan na kumain lalo kapag sobrang dedicated ko sa pag-susulat na bagay na nakasanayan ko na. August 16, 1969 Dear Cherry, We meet again at the café near the plaza. You’re wearing a yellow turban, which by the way looks good on you. Do you love yellow that much? Yours truly, M “I loved to have one mocha latte frappe, a piece of croissant and tuna sandwich, please,” magiliw ko na sabi sa staff sa likod ng cash register. “Would that be all ma’am?” Tumango ako saka ngumiti. Pinapunta ako ng staff sa kabilang side para abangan ang order ko pagkabigay ko ng bayad. Tinatamad ako magluto kaya dito na lang sa coffee shop na ito ako tumungo pagkalabas ko ng bahay matapos maligo at magbihis. Nag-shampoo na din ako ng buhok dahil nanlalagkit na talaga iyon kanina pa at ayokong matawag na dugyot. Nang i-call out ang pangalan ko, agad ako humanap ng bakante na space para maka-upo at mabasa iyong dalawang sulat pa na dala ko. Sobrang akong na-intriga sa mga sulat kaya hindi ko na magawang bitiwan pa. “Excuse me, is this seat taken? Wala na kasi pwesto na bakante. Pwede ba ako – “ Sayang naman laway ko at naka-earphone pala. Kinatok ko ang lamesa dahilan para tumingin siya sa akin. He is handsome, high bridge nose, thick eyebrows and has a pair of jet black almond-shaped eyes. May peklat sa pisngi na hindi ko sinasadya na mapagtuunan ng pansin na tingin ko na dahilan kaya isinuot niya agad ang hood ng kanyang jacket at nag-iwas ng tingin sa akin. “I’m sorry I didn’t mean to –“ “Just take a seat or leave me alone here,” Napanguso ako at naupo na lang basta. Ang gwapo nga pero masungit. Hindi ko naman sinasadya na matitigan iyong peklat niya. Ito kasi talaga ang masama sa akin kapag may bago sa aking paningin at isa na siya doon. Lahat ng nakita ko kahapon sa kasal ni Daddy ay mukhang mga pinoy ngunit ang isang ito na naka-upo sa harapan ko ay sigurado ako na may lahing banyaga. Alright, Ara, stop staring and r******w. Ngunit imbis na magbasa ay nagtipa lang ako sa cellphone na tingin ko ay dahil sa ideya na bigla na lang sumagi sa isipan ko pagkabasa ng unang dalawang sulat ni M para kay Cherry. I smiled mischievously while writing the synopsis of my new novel. Right there and then, I say the drought isn’t that worst, and the rain of ideas pouring in my head right now…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook