Jayden HANGGANG ngayon hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang ginawa ni Ara sa aking mukha. Kanina ko sinisipat ang itsura ko sa harapan ng salamin at masasabi ko na para akong nabuhayan ng loob. Sa kabila ng pangit na panahon sa labas, tila may liwanag namang hatid itong bago kong mukha. A new face which far away from the old one - the one with scar of the past. Madali ko natutunan ang tinuro ni Ara sa akin kagabi at ginawa ko ngayon ito mag-isa habang nasa labas siya at abalang nagtatanong-tanong. Hindi ko pa sigurado kung makakaalis na ba kami ngayon dahil walang tigil pa rin ang ulan. Kanina ay nawalan ng kuryente ngunit saglit lang ay bumalik din. Sa takot namin na mawalan ng means of communication ay nagcharge na kami ng cellphone. May TV sa lobby kaya mas gusto ni Ara manatili do