Jayden "HINDI makapaniwala na si Mang Gener ang pagala-galang harasser dito sa lugar natin. Matagal na pala niya ginagawa iyon at tayo palang nakahuli," Pati ako hindi rin makapaniwala na si Mang Gener nga ang gumagalang harasser dito sa lugar namin. Biktima niya ang mga babaeng mag-isa lamang sa mga bahay nila. Isang dahilan kaya pinuntirya niya si Ara dahil nalaman na mag-isa lang ito. Base sa cctv footage na malapit sa bahay ni Ara, gabi palang ay minamanman na ito ang buong bahay. May kasama lang di Ara noong nakaraan ngunit pare-pareho silang mga babae. "He's in jail now, right?" tanong ko kay Eliam. "Yes. Our town police is looking for the other victims to press charges. I think kailangan nila kausapin si Ara at ikaw." Tumayo ako at nag-ayos ng damit saka sinuot ang jacket ko. "M