Jayden
TILA pinag-a-adya ng tadhana na makita ko si Ara nakatayo sa harap ng jewelry shop ko. Kanina lamang ay iniisip ko siya habang ginagawa itong paglilinis sa singsing na nabili ko sa plaza ng nagdaang araw. Ara is indeed the muse I've been looking for to keep me from working hard like this. Ang tagal ko natengga at ngayon lang ulit sumisipag ng ganito. From where I am, I saw Ara smile widely while typing on her hand phone.
Is she texting someone?
Maybe a boyfriend?
Darn!
It can't be, but who am I to stop her falling in love with another man? I'm just a man who's hiding inside his jacket hoodie. Ayaw maarawan, ayaw makihalubilo. Natatandaan ko kung paano ako biglang nataranta ng dahil sa presensya niya sa aking jewelry shop. Para bang kulang ang ilang minuto na pagtitig sa kanya. Kahit pa nakita ko sa mga mata niya ang takot noong maaninag ang aking peklat.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa ginagawa nang makita ko na nag-angat ng tingin si Ara. Hindi niya pwedeng mahuli na nakatingin ako sa kanya. Sa hilera ng mga shop, iyong workroom ko na lamang ang may ilaw. Tuwing kalagitnaan talaga ng gabi ko naisip na magtrabaho. Sa gabi, kung kailan may takot sa loob ko sa tuwing pipikit ang aking mga mata.
From my peripheral vision, I saw Araw looking at me for not long. Nagbawi siya agad ng tingin at nagpatuloy sa paglakad palayo. Susundan ko dapat siya ngunit ayoko na maulit ang nangyari noon - lumabas na walang suot na jacket upang itago ang peklat ko. Maliit lang ang Sommer Town at alam ko na magkikita at magkikita kaming dalawa. Babalik pa sila dahil may dalawa pa siyang kaibigan na hindi nasusukatan ng singsing na gagawin ko. Malalim akong bumuntong hininga at tinuloy na ang pagtatrabaho.
Kinabukasan, naabutan ako ni Eliam na nakayukyok sa akin working table. Ginising niya ako saka inabutan ng mainit na kape.
"You work all night again? That's not healthy, Jay." Sita niya sa akin. Alam ko naman iyon ngunit hindi ko talaga magawang ipikit ang mata ko para makatulog ng mahimbing. Sa ganitong posisyon lang lagi ako nakakakuha ng tulog - masakit sa katawang posisyon.
"I'm cleaning the ring I bought the other day."
"How about the rings for the ladies?"
"Hindi pa ako nag-uumpisa doon."
"Babalik siya ngayon para masukatan ang dalawa pa niyang kaibigan."
Alam ko na iyon at inaabangan ko pa nga dahil magkikita kami ulit ni Ara. I have to muster the courage to approach not to nitpick at her. Somehow I know that we have something in common which will connect us. Ang kailangan ko lang talaga gawin ay lakasan ang loob ko na kausapin siya. Alam ko na nakapag-tanim na ako ng hindi magandang impresyon sa kanya matapos ko siya sungitan.
Well, it's her fault. After all, she shouldn't have stared at my scar.
"I'll do that later,"
Eliam groaned loudly. "Matulog ka muna. Iyon ang gawin mo ngayon,"
"I'm fine and I can work even if I lack sleep."
"Whatever, Jay. Bahala ka nga sa buhay mo."
Hinayaan ko lang si Eliam na maglitanya at malaon ay iniwan ko na siya sa working room ko. Lumabas ako at aktong tutungo na sa kwarto ngunit nahinto ng matanaw ko si Ara sa labas. Dagli akong napa-tingin sa pang-bisig na orasan ko. Pasado alas-otso na pala at hindi ko na matandaan anong oras ako nakatulog ng nagdaang gabi. May ngiting sumilay sa mga labi niya na nakakahawa. Iyon ang itsura ko na naabutan ni Eliam at bakas na bakas sa mukha ng pinsan ko ang hindi ma-ipintang ekspresyon.
"Aha! You're into Ara,"
"No," tanggi ko saka tinalikuran siya.
Alam ko na susundan niya ako kaya naman binilisan ko ang paglakad hanggang sa makarating ako sa aking kwarto. Dali-dali akong naghanda at naligo dahil plano ko na umalis upang humanap ng inspirasyon. Si Eliam na ang bahala sa shop at alam ko naman na hindi niya iyon pababayaan. Kung magkukulong kasi ako sa isang sulok ng working room ko, malabo na matapos ko yung mga gagawin. Sigurado ako na may naka-abang sa akin na inspirasyon sa paglabas ko sa lungga.
Kung saan ako pupunta? Iyon ang isang malaking pala-isipan pa. Bahala na kung saan dalhin ng aking mga paa.
DITO sa town library ako dinala ng mga paa ko sa kakahanap ng lugar na maaring tambayan. Gusto ko kasi ng tahimik at kaunti lang ang mga tao kaya magagawa ko ang aking trabaho. Kailangan ko lang naman umisip ng concept para sa singsing na pinagagawa ng kaibigan ni Ara. Gusto nila ng simpleng friendship ring at kanina habang sinusukata ni Eliam ang dalawa pang kaibigan ay pinag-uusapan nila si Ara. Wala ito at may tinatapos daw na trabaho.
Dahil likas na tsismoso ang pinsan ko, inusisa niya ang trabahong meron si Ara. Wynona told us that Ara is a writer - a struggling writer to be specific. Simula kasi ng lumipat si Ara sa lugar nila wala pa itong naipapasa na novel concept. Kaya naman imbis na gumala ay iyon pinagtuunan ng pansin ng dalaga. Pareho kami at dito sa lugar na kinaroroonan ko gagawin ang aking trabaho. Luminga-linga ako sa paligid upang humanap ng mapu-pwestuhan at nahagip ng aking mga mata ang pamilyar na pigura.
It is Ara!
But why is she here?
Kunot noo akong lumapit sa kinatatayuan niya at sinipat kung sino ang inaabangan niya sa reception area. Inayos ko ang hood ng suot ko na jacket saka tumikhim upang kuhain ang atensyon niya.
"Hi! Are you going to borrow something? Wala pa yung bantay, hindi ko alam saan siya hahanapin," aniya sa akin.
Muli, luminga-linga ako sa paligid at ng masiguro na walang ibang nakatingin sa amin, sumampa ako at tumawid sa loob ng reception area. I heard a loud gasp from her but I hushed her.
"Are you allowed to do that?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "sort of." Maang niya akong tiningnan at muli ko lang inayos ang suot ko na hoodie. "So, what are you looking for?"
Lagi naman walang bantay talaga dito sa library na ito at nagkataon lang mababait ang mga residente. Nababalik ang mga hiniram at maayos na na-aasikaso ang kabuuan ng pasilidad. I didn't wait for Ara to answer my question and turned my back off of her. Binukas ko yung pintuan upang makapasok siya dahil halatang nagdududa pa siya sa akin. Tinuloy ko ang paghahanap ng libro sa mga nakakalat sa sahig na hindi pa naayos.
"Wala ba talagang bantay sa library na 'to?" tanong na pumukaw sa akin. Muling napabaling ang tingin ko kay Ara na pumasok na din sa loob.
"Madalas. People here are honest." Tumango-tango siya saka inusisa na ang mga librong nakakalat sa sahig. Matama ko lang siyang pinagmasdan habang ginagawa ang pag-u-usisa sa mga libro. "May I know what kind of book you're looking for?"
Maang siyang tumingin sa akin at ayun na naman ang mga mata niyang direktang nakasentro sa peklat ko. Hindi ko tuloy maiwasang mailang kaya naman ako na ang unang nag-iwas. Hindi na dapat ako nagtanong at nagpilit na lumapit sa kanya. Kailan ba ako magiging normal sa tingin ng iba? The scar I have always makes me different from other human beings. It separates me from them and makes me experience life's complexity.
"I'm sorry. I didn't meant to stare again. Nagulat lang ako kasi hindi mo ako sinungitan. If staring at you makes you uncomfortable, then I won't do it again." Huminga ng malalim si Ara bago muling nagsalita. "I'm looking for a reference. A school yearbook from 1969-1971. Pwede ring census list ng mga residente dito sa Sommer Town."
Nangunot ang aking noo bigla.
"Why?"
Ara heaved another deep sigh before showing to me an old hand written letter. Kinuha ko iyon saka inusisa ng maigi at aking napagtanto na orihinal iyon saka talagang sulat kamay base sa stroke na ginamit saka mga dumi sa papel. Bukod pa sa kalumaan ng sulat, may mga mantsa na tila 'di sinadyang mapunta doon.
"I have twenty of that and I want to find either the letter sender or the supposed receiver of that."
Cherry…
It's the name I read on the ring that I possessed! Tulad ni Ara, hinahanap ko rin ang may-ari ng singsing na nabili ko. Hindi ko sukat akalain na magiging konektado pa sulat na hawak niya. Hindi muna ako nagsalita at binalik sa kanya ang sulat saka tinuro kung nasaang aisle ang mga lumang yearbook sa library. Nagpasalamat sa akin si Ara saka nagpaalam na tutungo na sa aisle na tinuro ko.
Ako naman ay namili na din sa mga libro saka umalis na roon upang humanap ng mauupuan. Marami pa akong kailangan gawin ngayon. Saka ko na iisipin ang tungkol sa koneksyon ng singsing at mga sulat na hawak ni Ara.
When I found a spot, I immediately started working by conceptualizing the friendship ring of Ara's friend. Simple lang ang una kong drawing kaya naman umulit ako hanggang sa makita ko ulit ang face sketch ng mukha ni Ara. Hindi ko pa rin malaman kung paano ko nagawang iguhit siya gayong kakikilala palang naming dalawa. Tila ba kilalang-kilala na siya ng aking puso at isipan. As if she's the muse that I've been looking for my entire life.
Isang tikhim ang pumukaw sa akin dahilan upang isara ko agad ang aking sketch book.
"Would you mind if I sit here?"
Sa pag-angat ko ng tingin, sumalubong agad ang mukha ni Ara bitbit ang isang damakmak na mga yearbook.
"No. Not at all," sambit ko saka nilipon ko ang mga papel na nagkalat sa lamesa.
"May mga bakante naman kaso wala pa ako kilala, ikaw pa lang. I'm Amara, by the way."
Naglahad siya ng kamay matapos magpakilala at pagpagin iyon. Masuyo ko iyong kinuha at tinanggap.
"Jayden."
"I know. Liam introduced you to us yesterday." Ang buong akala ko ay mag-uumpisa na magtingin tingin sa mga yearbook si Ara ngunit nagkamali ako. Inuna niyang usisain ang mga konsepto na ginawa ko. "Is that for our friendship ring?"
"Yes,"
Kinuha ni Ara ang isa sa mga papel na may guhit ko at tiningnan maigi.
"I like this one. Unique and sexy tingnan kapag nakasuot sa kamay." Binalik niya sa akin iyon at ako naman ang tumingin sa naguhit ko. Tama ng basa si Ara at likas talaga sa dalaga ang pagka-maalam sa mga ganito. She's an artist just like me. Given that we also both experience storms in artistic life. "Pati ito mukhang magugustuhan ni Nessie."
"You think so?"
"I know so." Ngumiti siya at binalingan ang mga yearbook sa kanyang harapan. Nakakalula ang dami at tingin ko wala pa sa kalahati ay may sipon na siya. Kaya naman mula sa aking belt bag, kumuha ako ng facemask at inabot sa kanya ang isa. "Salamat!"
"Would you mind if I help you?"
Umiling siya saka ngumiti. Isinantabi ko ang aking ginagawa at tinulungan siya maghanap dahil curious na rin ako. I want to know the story behind the letters that will lead to the ring.
"Ang dami pa at wala pa ako nakikita miski isa,"
"You can always come back here or borrow these."
"Babalik na lang ako siguro. I'm eager to find them." Determinado niyang sabi sa akin. Pareho kami ngunit sa dami nga ng kailangan naming bulalatlatin, baka abutin kami ng dalawang araw. "Naistorbo na kita sa ginagawa mo tuloy."
"No, it's fine. I sometimes need a breather." Umayos ako ng upo at tinupi ang yearbook sa aking harapan. "Why do you want to find them?"
"I want to give this back and ask what happened. Huminto kasi yung sulat at curious ako kung naging sila ba."
Na-kwento sa akin ni Ara na kapag binasa iyong sulat lagi na lang hindi nagtatagpo ang dalawa kaya curious siya sumunod na nangyari.
"Are you going to write a novel based on this?"
"How did you - darn! Si Wynona, right?"
"Yeah, I'm sorry for being nosy. Ikaw ang topic nila kanina at coincidence na nagkita tayong dalawa dito."
"A great coincidence,"
Pareho kaming nasa pinaka-sulok ng library kaya naman hindi nangangamba na maka-istorbo ng ibang tao. Ngumiti ako ngunit saglit lang dahil hindi ako sanay. Para bang nanginginig ang gilid ng aking bibig at hindi ko alam kung bakit. I'm not a socialite, so maybe that's one factor and these conversations can be considered as a hail mary encounter.
A whirlwind too.
Once in my life, someone talked to me. Once in my life, despite bad first impressions, I managed to build a communication with another human being. It's indeed a crazy first step towards civilization.