Amara
MAGHAPON kaming magkasama ni Jayden at pulos tungkol lamang sa mga sulat saka sa paghahanap kay Cherry at Mac ginugol ang araw naming dalawa. Hanggang sa pag-uwi ay magka-sabay kaming dalawa.
"Uhm, h-hindi ka ba naiinitan? Tirik na tirik ang araw pero naka-jacket ka," tanong ko sa kanya.
Inayos niya ang pagkakasuot ng hood sa ulo matapos marinig ang tanong ko.
"I can't stand people's stare at me." Doon ko napagtanto na dahil iyon sa kanyang peklat. "Mas okay na rin 'to para hindi ko matakot ang mga tao sa paligid,"
Bigla ako na-konsensya. Noong unang beses kaming magkita, tinitigan ko siya sa mukha at doon sa peklat niya natuon ang mata ko. Kanina ay naulit-ulit iyon pati noong nagpunta kami sa shop niya. Hindi naman ako natakot pero nailang at agaw pansin din talaga iyon. Daddy told me not to look on the outside because what's on the inside matters the most. Si Jayden ang buhay na patotoo sa kasabihan na iyon at hindi naman pala siya inborn na masungit.
"Huwag mo isipin ang ibang tao. As long as wala ka tinatapakan, laban lang."
"Thanks!" Matipid siyang ngumiti at ayos na sa akin iyon. I want to share positive vibes even if I sometimes need that too. Baka sakaling kapag ginawa ko sa iba ay may gagawa rin para sa akin. "Hindi ka ba natakot sa akin?"
"Nasungitan oo pero takot, hindi."
"Because you stared at me,"
"Hindi ko nga sinasadya saka - nevermind. This is me. Thank you for accompanying me today."
Hindi ko pwedeng sabihin na-gwapo-han ako sa kanya dahil baka lumaki ang ulo niya bigla. Nakita ko na luminga-linga si Jayden sa paligid saka sinipat ang kabuuan ng bahay namin. Bahay pala ni Tita Rosa, hindi ko bahay. Homey naman ang vibes kaya lang may mga araw na na-mi-miss ko pa rin si Mommy. Isang dahilan kaya hindi ko matawag si Tita Rosa na mommy. Hindi pa siguro ngayon.
"You're related to Ms. Rosa?"
Tumango ako, "she's step mother."
"Amara."
Pareho kaming napukaw ng tinig na tumawag sa aking pangalan. Sa aking paglingon ay si Daddy ang nakita ko at siya rin ang tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makalapit siya sa amin at agad ko napansin na masama ang tingin niya kay Jayden. I sense something is off and before it could get worse, I asked Daddy to go inside. Sumunod si Daddy sa akin at muli ko binalingan si Jayden.
"Salamat ulit, Jayden."
"No worries. It was a fun day, by the way."
"I had fun too." I bade my goodbye and walked inside our house. Naabutan ko si Daddy sa living room at iyong titig niya ay parang may nagawa akong kasalanan. "What's wrong, Dad?"
"Nothing. Are you friends with that guy?"
Dahan-dahan ako tumango. "He's nice but a little aloof."
"I didn't met him in that way,"
"Kilala mo si Jayden?"
"Is that his name?"
"Yeah, he's a nice guy, Dad. Ayaw mo ba na makipagkaibigan ako bukod kay Wynona, Gina at Nessie?"
Umiling si Daddy. "Just be careful, sweetie."
"I'm old enough, Dad, but don't worry I'll be careful."
"Good. Magpalit ka na at tulungan ako na maghanda ng dinner natin."
Hinanap ko si Tita Rosa at sinabi lang ni Daddy na nasa labas ang step mom ko. He's actually waiting for her outside but I came first and I didn't introduce Jayden to him. Parang kilala na siya ni Daddy at gusto ko alamin kung paano sila nag-kilalang dalawa. Itatanong ko na lang siguro kay Jayden bukas dahil nagkasundo kami na magkita ulit sa library. Marami pa kaming bubusisiin na mga yearbook at mas masaya pala kapag may kasamang maghanap.
Nilapag ko sa aking kama ang bag saka diretsong tumungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Tila ba nakuha ko ang lahat ng alikabok sa library at nasa ilong ko na iyon ngayon. Habang naglilinis iniisip ko pa rin ang mga sulat na hawak ko. Natapos ko na ang lahat kaya ngayon ay naghahanap na ako dahil para sa akin importante ang mga sulat. Kung sino 'man ang receiver noon, kailangan niya malaman na hindi nawala ang mga sulat.
"Nag-enjoy ka ba sa tour mo sa city library?" tanong sa akin ni Tita Rosa.
"Yes, pero maraming alikabok."
Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Daddy na inignora ko lamang.
"It's a century old library. Hindi pa gaanong na-asikaso ng local government."
"How about the guy?" tanong ni Daddy sa akin. He is referring to Jayden. Kilala naman niya ito kaya nagtataka ako bakit tinatanong pa sa akin.
"Who's that guy? Are you seeing someone already, Ara?"
"No, tita. It's just someone who helped me research."
"He is helpful now?" tanong Daddy ulit.
"Kilala mo ba si Jayden, Dad?"
"Jayden? The jeweler? He's a nice guy." Sambit ni Tita Rosa.
"I told that to Dad, but he doesn't believe me, us."
"Nice to both of you, but not to me."
Pareho kaming sumimangot ni Tita Rosa at hindi naman makapaniwala si Daddy. Tumingin ako sa step-mother ko at ngumiti sa kanya. I think this is a good start for us. A start to strengthen our relationship because we're a family now.
A complete family.
PAGKATAPOS NG DINNER, bumalik na ako sa kwarto ko at nag-umpisa na magsulat. Marami akong na-jot down na details kanina at elements na pwede ko gamitin upang makabuo ng isang chapter. Malaking tulong talaga ang pag gala sa katulad ko na madalas dalawin ng writer's block. Ilang beses na nga ba ako dinalaw nito? Sa sobrang dami hindi ko na matandaan kung ilan na nga ba. Suki na akong matatawag ng sakit na sa mga manunulat na gaya ko tumatama.
Sinipat ko ang mga sulat na nakuha ko sa attic nitong bahay. Putol ang istorya na meron ang mga iyon kaya hindi ko pa malaman saan at paano sisimulan ang nobela na 'to. Pasado na kay Nessie at kailangan ko na lang maging masipag para matapos kaya lang hinihila ang mga sulat na kanina ko pa tinitingnan. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa harapan ng aking laptop at dinampot ang mga iyon. Sinipat ko ang oras at nang makita na maaga pa, agad akong kumuha ng jacket saka lumabas ng aking kwarto.
Swerte ko dahil tulog na ang mga kasama ko sa bahay kaya malaya akong maka-alis na hindi na kailangan magpaalam. Masyado lang overprotective si Daddy na minsan nakakainis na dahil nasa tamang edad na rin naman ako. Ayoko naman siya awayin kaya madalas hinahayaan ko na lang. Hindi niya sinabi sa akin kung bakit may inis siya kay Jayden. Kung kailan naman ako curious saka pa siya nambitin na isa pang nakakainis na karakter ni Daddy.
Paglabas ko dire-diretso akong tumungo sa Sommer Town Plaza at naupo sa mga wooden bench na naroon. Tiningala ko ang buwan at matama iyong pinagmasdan ng maigi.
"It won't fall even if you stare at it," anang tinig na siyang pumukaw sa akin. Agad ko tinapunan ng tingin ang pinanggalingan ng boses at hindi ko in-expect na si Jayden ang aking makikita. "can't sleep?"
"May iniisip lang ako at hindi pa talaga matutulog."
"Nocturnal ka nga pala,"
"Minsan." Matipid siyang ngumiti. "Wala na ba iluluwang iyang ngiti mo? Bagay sayo naka-smile kaya mag smile ka lang lagi."
"May bayad ang ngiti ko,"
Lumabi ako at naghanap ng barya sa bulsa ng suot ko na jacket ngunit bigo ako makakuha miski isa.
"Utang muna," I said and winked at him. Nailing lang siya na tumabi sa akin. Pareho namin pinagmasdan ang buwan na gaya sa isang bata na abot langit ang curiosity. "hindi ka ba makatulog?"
"Yeah, but I like working at night too."
"Bakit ka narito?"
"I saw you passing by a while ago -"
"Sinundan mo ako?"
Naningkit ang mga mata ko at inabangan ang magiging tugon niya. Gusto ko lang mag-assume na sinusundan nga niya dito kahit na mukhang malabo pa iyon sa pagputi ng uwak. Oo, nakita niya nga ako dumaan pero wala naman ibang dahilan para sundan ako rito. Maybe, he's into some unwinding moments to process all the ideas he has. Ako, kaya lang naman ako lumabas ay para i-eternalize si Mac habang sinusulat niya ang mga sulat na hawak ko ngayon. The letter sender loves to stare at the moon and I wanted to know what's special to it.
"I'm not following you."
Bagsak balikat akong nagbalik-atensyon sa buwan.
"Ang ganda,"
"Indeed." Tumingin akong muli kay Jayden at doon nakita ko na hindi naman siya sa buwan nakatingin kung 'di sa akin. Hinampas ako ang braso niya at muling binalingan ang buwan. "Can we read that?"
Dagli akong napa-tingin kay Jayden at nakita ko na tinuturo niya yung sulat na dala-dala ko. Inabot ko naman iyon sa kanya saka hinayaan siyang pumili ng sulat na babasahin. Nang makapili, binaba ni Jayden ang ibang sulat saka binuklat na ang hawak na inabangan ko na basahin niya.
"October 10, 1969." Umpisa ni Jayden. "Dear Cherry, do you see the moon? From where I am, I can clearly see it shining down on me. I wish you're here with me. I can't wait to see you again and hopefully this is the last time that we will be separated. I've done my duty and we can now travel the world. I'll be waiting, same place and time. Yours forever, Mac."
Nakita ko na kinuha ni Jayden ang kasunod na sulat ngunit hindi noon na-dugtungan ang unang binasa. Bagay na pinagtataka ko rin at napagtanto ko na sumusulat lamang si Mac sa tuwing magkalayo sila ni Cherry. Ano bang trabaho ang sinasabi nito sa sulat? Bakit kailangan nila magkalayo?
"It's odd."
"Yeah it is. Kaya gusto ko na silang mahanap upang alamin ang mga bagay na hindi nasaad sa sulat."
"Where will you start?"
Nagkibit-balikat ako bilang tugon sa tanong niya. "Hindi ko pa talaga alam. Iyong mga yearbook, mukhang wala naman tayo mahahanap doon ngunit pagtitiyagaan ko pa rin."
"I'll help you,"
"Talaga?"
"Yes. I'll ask Eliam's help too. Socialite iyon kaya magagawa niya magtanong tanong."
"Bakit hindi na lang tayo ang magtanong tanong?" Sunod sunod na umiling si Jayden at doon palang alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw niya. "Okay, I'll ask around and you'll help me gather information from the books."
"Sounds fun,"
"Oo at excited na akong makilala silang dalawa. Kahit isa lang sa kanila kung narito pa sila sa mundo." Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "Ibig bang sabihin nito friends na tayo?"
"Maybe?"
"Hindi mo na ako susungitan kahit kailan?"
"Ibang usapan iyan,"
"Ang daya mo talaga. Parang ngingiti lang napakadamot pa. Alam mo walang mangyayari kung iisipin mo na natatakot ang mga tao sa 'yo."
Umisod siya palapit sa akin dahilan upang maging gahibla na lamang layo ng mukha naming dalawa. Nahigit ko ang paghinga at sinalubong ang kanyang mga titig.
"Are you not afraid of me? This is like a curse so I cannot promise a friendship for now."
Hindi naman ako nakasagot at tila ba nalunok ko ang aking dila dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi naman talaga ako takot sa kanya o sa peklat na meron siya. Mas nasusungitan nga ako kaya lang ayaw niya maniwala sa akin. Siguro marahil nadala na siya kaya naman mahirap na para sa kanya ang paniwalaan ang sabi-sabi ng iba. Ramdam ko siya sa parte na iyon at gaya niya hirap na rin ako maniwala sa iba.
"M-may kasabihan akong alam at ang sabi, the past trauma will lead you to the one who constantly make you happy."
Jayden scoffed, "that's absurd, Ara." Lumayo siya sa akin at tumayo. "But you can be a friend to me."
Nagliwanag bigla ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi niya. I can be his friend and that's all I need to hear for now. May iba na akong kaibigan bukod kay Wynona, Gina at Nessie. Jayden is the first friend that I have here in Sommer Town and just like what Tita Rosa and I have, this could be a great start. Sabi nga nila, kung gusto mo tumagal sa isang lugar, kailangan magaling ka makisama at makihalubilo at iyon ang ituturo ko kay Jayden sa mga susunod na araw. Hindi pwedeng nakatago lang siya sa hoodie na suot niya lagi.
I can do this!