CHAPTER THREE - SAME PLACE, DIFFERENT TIME
Amara
“WHAT? Why are you looking at me like that?”
Ngumiti lang si Nessie na parang naluwagan ng turnilyo habang nakain ng ice cream na nilibre ko sa kanya. Masama pa din ang loob ko dahil may naiwan akong pagkain kahapon sa coffee shop na kinainan ko. Bigla kasi tumawag si Daddy at sinabi na nakauwi na sila agad. May bagyo na paparating kaya ni-re-sched ang kanilang honeymoon. Napagalitan pa ako dahil dapat nagluto na lang daw ako kaysa kumain sa labas.
Buti na lang inawat si Daddy ni Tita Rosa kung ‘di makakabuo ako ng isang nobela galing sa mga litanya niya. At napag-usapan na din ang nobela, nakapagpasa ako ng synopsis kay Nessie kaya nga siya nandito kasama ko ngayon. Nessie wanted to talk about my synopsis and the other details. Siya na din kasi ang agent ko at marketer kaya kailangan niya malaman ang mga iyon upang mas madali na ibenta sa lahat ang aking libro. Tumingin ulit sa akin si Nessie bago pumasok sa gate ng bahay ni Tita Rosa.
“Para kang sira, Nes.” Singhal ko ng tabihan ko siya sa couch. Tita Rosa’s house has a front porch which is my favorite place. Dito ako madalas mag sulat kapag nanawa na ako sa kwarto ko o ‘di kaya sa kusina.
“I sensed something between you and the silversmith. A so-called love sparks. Yiee, kinikilig ako anuba?” Tili ni Nessie saka tinulak-tulak ako.
Tinulak ko siya pabalik na dahilan tiningnan niya ako ng masama.
"It's all in your imagination, Nes. Ang sungit kaya niya!" Reklamo ko bigla.
I still remember that scene we had yesterday. Ang sungit niya tapos kanina distracted naman pero ang cute ng biglang hindi malaman saan pupunta. He suddenly lost his sense of direction even if he owned that place.
"Are we not going to talk about my synopsis?"
Pag-iiba ko sa usapan para lang maalis sa love sparks na kung ano pang ka-kemehan ni Nessie. Imposibleng siya lang nakaramdam tapos ako walang naramdaman? Gaano ba ako ka-manhid? O baka naman nadala lang ng inis sa kanya kahapon?
"I like the synopsis but the main conflict is so-so. Let's change it." Simpleng sabi ni Nessie sa akin. Totoo na hindi ko masyado pinag-isipan pa iyong sa conflict dahil hindi pa ako natatapos na magbasa ng mga love letters. "Where did you get the idea?"
"To these," I answered and showed her the love letter I have in my bag.
"What is this?" Kinuha iyon ni Nessie at dahan-dahan na binuksan. Binasa niya ang laman noon at sa reaksyon lang na nakikita ko alam ko na gaya ko, sigurado na mahumaling din siya. "Love letters from 1969?"
"1969 to 1971. Total of 20 love letters at hindi pa ako natatapos magbasa. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari kay Cherry at M. Tapos kung sino ba si M sa buhay ni Cherry."
"These are treasures, Ara! Saan mo nahalungkat ito?"
"Sa attic ni Tita Rosa kahapon. Wala kasi magawa tapos sabi niyo maglinis ako at voila nahanap ko 'yan. It's my muses."
Nang dahil sa mga sulat na ito, agad ako nakaisip ng istorya. Ang kailangan ko na lang sipag at tiyaga na mag-research tungkol sa 1969 hanggang 1971 era nitong Sommer Town. Kanina tinanong ko na si Tita Rosa kung saan pwede maghanap ng mga impormasyon at itinuro niya ang town library malapit sa plaza. Saka na ako dadalaw doon kapag natapos ko na ang pagbabasa ng mga ito. I'm engrossed in reading and not able to find the time to write.
August 29, 1969
Dear Cherry,
The attraction I have for you keeps on growing as the day goes by. I had a dream of you that is why I am writing this letter. I hope to meet you at the plaza tonight. I'll be waiting.
Yours truly,
M
Sommer Town Plaza…
Mabilis akong nag-ayos ng sarili at lumabas sa kwarto. Nabungaran ko si Daddy at si Tita Rosa na nag-uusap sa living room. Natigilan ako at napatingin sa kanila.
"Where are you going, young lady?" Tanong sa akin ni Daddy.
"Plaza po,"
"What are you going to do there?" Isa pang tanong ni Daddy. Ito ang mahirap kay Daddy, sobrang protective pagdating sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil solo na anak ako.
"Maybe she's meeting a friend there, right dear?" Palihim na kumindat sa akin si Tita Rosa.
"Yes, Dad. I'm meeting friend… there,"
"Which friend? Gina, Wynona or Nessie?"
Ang hirap naman mag palusot kay Daddy at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko makapunta sa Sommer Town Plaza para malaman ko kung ano meron doon para doon kitain ni M si Cherry. I brought with me, inside my bag the next letter that I must.
"She's old enough and knows the consequences already, Timmy." Sabat ni Tita Rosa saka pinayagan na akong umalis. Savior at charmer siya talaga ni Daddy si Tita Rosa. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng bahay. "Be back before the curfew hours, okay? Tawagan mo ang Daddy kung kailan mo magpasundo." Bilin sa akin ni Tita Rosa.
"Thank you, Tita."
"Anything for you." She said and caressed my cheek just like what Mom always did to me. Ngumiti ako saka nag-umpisa na maglakad papunta sa Sommer Town Plaza. Sa edad ko na bente-singko, overprotected pa din ako ni Daddy at may curfew hours pa din. Kailangan din niya malaman kung sino ang kasama ko kaya kung minsan tinatamad na ako umalis.
Gusto ko malaman bakit ang layo ng agwat ng sulat ni M kay Cherry. The second letter was sent August 16 and the next one was sent August 29. Maraming maaring mangyari sa halos dalawang linggo na lumipas. Umalis ba si Cherry? Nagkasakit si M? I'm dead curious about the origin of these love letters.
Mabilis lang ako nakarating sa Sommer Town Plaza at walang gaano tao doon. Nasa mga booth na nakapaligid sa plaza ang iba at giliw na giliw sa mga paninda na mabibili. Hindi iyon ang pakay ko ngayon. I have to find the significance of this place in M's letter. Gusto ko din malaman kung nagkita ba silang dalawa.
August 30, 1969
Dear Cherry,
I saw you and I was there but I couldn't find the courage to face you. Let's meet some other time, at the same place so I could tell you how special this plaza is to me.
Yours truly,
M
Napatingin ako sa paligid ko. Humanap ako ng upuan na pwede ko pwestuhan para mas matitigan ko ang madilim na kalangitan. Nagliliwanag iyon dahil sa mga bituin na tila kumot at maliwanag na buwan. Kailan ba ako huling nakapanood ng mga bituin sa langit? Napangiti ako ng sumagi sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Mommy. Stargazing is part of our hobbies back then. Minsan kasama si Daddy pero mas madalas kami lang ni Mommy. We have a handmade telescope where Mom will show me the planets and other heavenly bodies. Itinaas ko ang isang kamay ko at itinutok ang hinalalaki ko sa buwan. I shut my left eye close and see the magic happens. The moon is as big as my thumb just like what I have read in books.
Napangiti ako bigla.
Nakita ko na kung bakit special ang lugar na ito sa kay M. It is a place where you can freely remember happy memories that you have with your love ones. Maybe M wants Cherry to experience a sudden jolt of happiness that is why he asked her to meet there. Mas lumawak ang ngiti ko ng maka-isip ng eksena para sa sinusulat ko na nobela. Dali-dali akong tumayo at lumakad pauwi, hindi pwedeng mawala ito sa isip ko kaya naman habang naglalakd ay nagtitipa na ako sa cellphone. Nahinto lang ako ng umisip ng ibang salita na gagamitin bilang kapalit ng mga nakasanayan ko na gamiting salita sa mga nobela. Doon ko napansin na nasa tapat pala ako ng jewelry shop ni Jayden.
Bukas ang ilaw sa workroom niya at mula sa kinatatayuan ko, gamit ang salaming bintana, nakita ko siya habang may ginagawa doon. Matagal ko na gustong magsulat tungkol sa mga nasa likod ng mga alahas na pinagkakaguluhan sa malls at iba’t-ibang lugar. Behind every piece of silver earrings is a jewelry maker who doesn’t want to let their ideas fade away. Gaya sa mga manunulat, kailangan na maisulat sa kahit anong papel o ma-i-record ‘man lang bago iyong humiwalay ng tuluyan sa kanilang isipan. Like what I am doing right now but a man like Jayden interrupted my momentum. Ano ba itong nangyayari sa akin?
Ikiling ko ang aking ulo at muling naglakad pauwi sa bahay. Tulog na sina Tita Rosa at Daddy ng makapasok ako sa bahay. Isinara ko ng maigi ang mga pintuan bago tumungo sa aking kwarto. Naupo ako sa kama pagkasabit ko ng bag sa likod ng pintuan ng maisara iyon. Dumukwang ako at kinuha sa ilalim ng kama ang wooden box kung nasaan nakalagay ang lahat ng sulat ni M para kay Cherry. Ibinukas ko iyon at muling kumuha na sulat na babasahin.
September 10, 1969
Dear Cherry,
It was nice seeing you laughing and smiling again. Those days that I saw you wearing a sad face were so dreadful. I know, you could be happy. So happy and you deserved to feel that every day. Meet me again at the Plaza, I have something for you. I can’t wait to see you my darling.
Yours forever and always,
Mac
Napabangon ako nang matapos iyon basahin. Nagkita sila at iyong at M ay pina-ikling Mac! Napawi ang nararamdaman ko na antok dahil sa nabasang progress. Oo mabilis pero ganun yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Lahat gagawin upang mas mapadali na makapiling ito.
Lahat susuingin mapatunayan lamang ang tunay na hangarin. The love stories from the past are all genuine. Walang halong pambobola at damang-dama sa bawat salita nababasa ko ang pagmamahal ni Mac kay Cherry. It all started with a simple crush that grows fondly into love. Habang nagtitimpla ng kape ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan at kilig na hindi dahil sa pinapanood ko na movies sa Netflix.
“She’s in good mood despite her ugly morning face,” Dad said to Tita Rosa.
“Stop teasing Ara, Tim. She’s beautiful and has her mother’s eyes and nose,” Napatingin ako kay Tita Rosa. “Kailangan lang niya magsuklay dahil mukhang pugad ng ibon ang buhok niya.” Napasimangot ako, Hindi ko kasi napatuyo ng ayos kaya ganito ang kinalabasan ng buhok ko ngayon.
“So, what is new, honey?” tanong sa akin ni Daddy.
“May bago na akong nobela, Dad. I defeated the drought, finally, huh!” Masaya kong sabi na kinatawa nilang pareho. “May alam po kayong way para makapasok ako sa town library? Wala pa kasi akong ID na may address dito kaya mahirap,”
“Rosa, can you help her?” Baling ni Daddy kay Tita Rosa.
“Of course, my love.” I reacted when they become sweet right from of me. “Tungkol saan itong nobela mo? Back when I was in Portland, I love collecting books.”
“Hmm, 1969 love affair through love letters.” Paliwanag ko at awtomatikong nagkatinginan ang dalawang kausap ko. “I need to research about the life here in Sommer Town back in 1969 to make it more effective.”
“I told you she’s talented, pretty but dirty sometimes,”
“Daddy!”
“I love you, honey, but better wash your hair now before it gets worse.”
“You’re right, Dad!” Tumayo ako bitbit ang toast bread at dali-dali umakyat sa kwarto ko. Nadapa pa ako at narinig ko na sumigaw si Daddy na mag-ingat naman ako. Magpapasa na naman iyon pero ayos lang. Kailangan ko ngayon malaman kung nasaan na ngayon si Cherry at kung paano siya napadpad sa lugar na ito para makilala ni Mac. I’m not done yet and I have more letters to read. This is the start of something new, in a town where love and happiness are a choice…