CHAPTER TWO -THE RING
Jayden
ANOTHER DAY, another cup of coffee, darn! Aasahan ko na sa mga susunod na araw ay dilat ako dahil sa dami ng kape na aking nainom. It is indeed a busy day for everyone, but not for me. I am here inside of the famous coffee shop in town, waiting for my muse to come. Ilang buwan na akong wala pa nagagawang singsing o kahit anong alahas dahil sa kakulangan ng inspirasyon na iba sa mga nagamit ko na. Ako iyong silversmith na ayaw ng paulit-ulit na inspirasyon kaya hangga’t maari ay hahanap at hahanap ako kahit saang lupalop pa iyan ng Sommer Town.
Sabi ni Eliam, lumabas daw ako sa lungga ko at ito nga ang ginawa ko kaso imbis na matuwa ay lalo lang akong nabagot. Sa lumipas na tatlumpung minuto na pananatili ko rito, wala pa rin akong nakita o nakilala ‘man lang na maaring gawing inspirasyon. I'm a bit shy because of this scar on my face, and I'm not comfortable when people are staring at it. Ayokong makakita ng awa sa mga mata nila dahil hindi naman iyon ang kailangan ko. A fault on my left face resulted from my mom's impulsive move back when I was a little kid.
She married a drunkard old fart man who's abusing her and me. It is a bad memory that I don't want to elaborate on now. I have no plans of melting down right in front of these busy people around me. I have no considerable number of friends except for Eliam, who is my first blood cousin. Siya ang katulong ko sa negosyo na mayroon ako dito sa Sommer Town at madalas na humaharap sa ilang kliyente namin dahil ayoko na tinitingnan ang peklat na mayroon ako sa mukha. Kuntento na ako na palaging nasa likuran lang ni Eliam at ayoko malait ng mga mapanghusga na tao sa mundo. Hindi sila ang kailangan ko ngayon at nababagot na talaga ako.
Isang katok sa lamesa ang pumukaw sa aking pag-iisip. Right in front of me is a lady wearing a floral yellow dress. She smiled at me but her eyes remain staring my face, most particularly to the scar on my face. Tumaas ang isang kilay ko at agad na itinaas ang hood ng suot na jacket para takpan iyon. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat kaya mas pinipili ko na manatili lamang sa bahay. Mapilit lang talaga si Eliam na hanggang ngayon ay wala pa. Sabi niya papunta na siya at mag-uusap kami tungkol sa susunod na maging konsepto ng gagawin ko na singsing.
"I'm sorry, I didn't mean to –"
"Just take a seat or leave me alone here,"
Nakita ko na ngumuso siya saka naupo sa bakanteng upuan katapat ng akin. Napatingin ako sa tray na nilapag niya at naagaw noon agad ang aking atensyon. Hindi naman siya masyadong gutom? Dalawang croissant at tuna sandwhich tapos mocha latte frappe? I hope she will not get a high blood sugar by eating that foods in front of her.
Minabuti ko na sa iba ipaling ang aking atensyon ngunit may kulang ano sa babaeng kahati ko sa lamesa at napapatingin talaga ako sa kanya. I decided to open my notebook when she started to type something on her phone and smile like a lunatic. Ano kayang mayroon sa cellphone niya at panay ang kanyang pag-ngiti? Panaka-naka ko siyang tiningnan hanggang sa tuluyan ko na siyang maiguhit sa hawak ko na notebook. This is the first time I did this on the spot and there is something to this lady, which made me so curious.
I smiled as I look down at my sketch. The lady’s smile is lovely and a ring made from the finest silver in town will make a minimalist band perfect for her. Sinimulan ko na buuin ang disenyo noon katabi ng sketch ng mukha niya. Muli akong tumingin sa kanya at agad nagtama ang aming mga mata. I never had a chance to have eye contact only with her and I already confirm that she’s not staring at my scar. Kung hindi tumunog ang cellphone ay malamang hanggang sa mga oras na ito ay magkatitigan kami. She left without taking the food she’s eating. What a waste and I think she’ll regret leaving it all behind.
“May ka-date ka?” tanong na pumukaw sa akin ng sundan ko ng tingin iyong babaeng umalis na umukupa sa bakanteng pwesto katapat ng akin. It is Eliam and honestly, I didn’t notice him coming. Which way did he enter? Am I too engrossed a while ago?
“Wala. Someone took the courage to seat across me.” This is also the first time that someone managed an act of great courage to ask me if the seat was taken. Is she not that afraid of me? Of my scars?
“Marami namang nagtangka kaso sinungitan mo agad kaya umalis na lang,”
I did scowl at her also but it didn’t affect her. Why is that and why am I even talking to myself?
“Bakit ngayon ka lang? Naka-ilang baso na ako ng kape dito. Babayaran mo ba lahat ng nagastos ko?”
“Easy. Tara at pumunta ng plaza. May event doon at nagbebenta ng mga antique na gamit.”
“Ano naman ang kilalaman ng antique na gamit sa pag-iisip ng bagong konsepto?”
“Basta at tara na nga. Tama na ang pagiging masungit mo at nireregla ka na naman,”
Napatingin ako sa paligid namin at nakita na iyong ilang babae ay sa gawi namin nakatingin. That’s because Eliam has the most handsome face in town. Popular ang pinsan ko na ito sa lahat lalo na sa mga batang babae. Hinila niya ako patayo at palabas sa coffee shop na iyon saka tumungo sa plaza na kalapit lang ng pinaggalingan namin. May event nga nagaganap at marami na booth may iba’t ibang tinda ang naroroon.
Huminto kami sa isang booth na nagtitinda ng mga alahas at inisa-isa ko ang mga iyon habang si Eliam ay nakikipag-usap sa tindera. Hindi ko na inalis ang pagkakasaklob ng hood ng jacket na suot sa ulo. Hindi naman gaano mainit kaya ayos lang na suot ko iyon. A silver ring that needs a thorough cleaning and restoration catches my attention. Dinampot ko iyon at pinagmasdan ng maigi. Tingin ko may igaganda pa ito kapag na-ayos na.
“How much is this?” tanong ko na pumukaw sa kay Eliam at sa kausap nito.
“Anong gagawin mo diyan, Jay?” Balik sa akon ni Eliam at kinuha ang singsing na hawak ko. “Hindi na maayos ito at punong-puno na ng dumi.”
“I can fix that.” Sabi ko saka binawi sa kanya singsing. “How much is this?”
“I can give that you for free. Wala naman bumibili niya dito dahil nga pangit na at madumi pa,”
“This is a beauty when I restored and clean it.” Paniniguro ko na kinangiti ni Eliam.
“He’s the best silversmith in town and a successful jeweler.”
Tumingin sa akin ang babaeng kausap ni Eliam at para bang aya niya maniwala sa mga sinasabi ng pinsan. Wala naman akong pakialam kaya humugot ako ng cash sa aking wallet at basta na iyon nilapag sa lamesa ta umalis.
“Hoy, sandali naman!” Narinig ko na sigaw ni Eliam. Naglakad-lakad ako sa paligid at tumingin-tingin kung may maari pa akong bilhin para pagtuunan ng atensyon habang wala pa ako maisip na bagong konsepto. “Siguro ang sunod mo pagtuunan ng pansin kapag ganito nabablanko ka ay iyong pakikisalamuha mo sa iba. Socializing will help your business grow more.”
“Nandiyan ka naman kaya wala akong dapat ipag-alala. To your talent and charm, I entrust my business and career as well.”
“Labo mo talaga, Jay!”
“Mas malabo ka, El.”
IN THE MIDDLE of the night, I wake up, sweating and feeling tired. Bad dreams again and it’s getting worse and worse as days go by. A dream of someone chasing me in a dark alley and no one is there to help me nor a place where I can hide. Wala akong makita at tanging mga bato na sumusugat sa aking talampakan ang mayroon doon. Marahas akong napahinga saka dahan-dahan na bumangon mula sa pagkakahiga. Tumayo ako pagkabuntong-hininga at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig.
Lagi na lang iyon ang napapanaginipan ko at walang nagbabago dahil takbo lamang ako ng takbo. Walang literal na pupuntahan o taong nais puntahan. Pagka-inom ko, lumabas na ako sa kusina at tumungo naman sa living room area at naupo sa harapan ng lumang grand piano na pamana pa sa akin ni Lola. Ibinukas ko iyon at inumpisahang patugtugin. Sa kalagitnaan ng gabi, pumailanglang ang isang malungkot na awitin na nakasanay na niyang tugtugin kapag nagigising mula sa masamang panaginip.
The next morning is different from any other morning I have. Para akong bagong silang na sanggol na punong-puno ng pag-asa na makaka-isip ako ng panibagong konsepto ngayon. Bitbit ang singsing na nabili ko sa plaza kahapon, pumunta ako sa working area at inumpisahan iyon ibabad sa cleaning liquid na in-import ko pa sa ibang bansa. Ibinukas ko ang laptop ko pati na ang notebook para pasadahan ng tingin ang gagawin ko na restoration at paglilinis sa singsing. Kinuhaan ko iyon ng madaming larawan kahapon na automatic naman naka-upload sa aking laptop.
Habang ginagawa ko iyon napatingin ako sa notebook na lumipat ng kusa sa face sketch na ginawa ko kahapon. As if like magic, but who am I fooling now, the face sketch comes to life and it just passed by my jewelry shop. Dali-dali akong lumabas para sundan sana siya ngunit pagbukas ko ng pintuan ako’y napahinto ng maalala na wala akong suot na jacket. Damn this fear of the outside without wearing a jacket! Bukod sa peklat ko sa mukha, mayroon din akong isang mabahang peklat sa braso na pangit sa paningin ko at ng iba.
I’m too flawed to learn the art of socializing which Eliam suggested to me yesterday. Walang gana akong bumalik sa loob at hindi na tinuloy ang dapat na gagawin ko. Aktong papasok na ako sa loob ng tumunog ang door chimes dahil sa pagtama ng dahon ng pintuan doon.
“We’re still close. Come back tomorrow.” Malamig ko na sabi sa mga pumasok. May biglang tumulak sa akin at bago ko pa masino ay bumukas na ang ilaw ng jewelry shop saka narinig ko na ang boses ni Eliam.
“Bukas na bukas kami para sa mga magagandang katulad niyo,” wika ni Eliam sa mga kausap.
Napatingin ako sa isa sa mga kausap ni Eliam. It is her, my muse! Our eyes met and just like yesterday, I am the first one who quit the staring game she started. Mabilis akong pumasok sa working are ko para kuhain ang jacket ko na ipantatakip ko sa aking braso.
“Handmade lahat ng jewelry dito?” Narinig ko na tanong paglabas ko.
“Yes, ma’am and the maker is none other than my cousin here, Jayden.” Pakilala sa akin ni Eliam. “I am Eliam by the way and I handling this jewelry shop and the other branches’ marketing.”
“Girl, I heard na ito yung brand ng singsing nung sikat na model na sinusundan natin sa social media.” Yes, mapa-artista o simpleng tao ay jewelry shop napunta para bumili o ‘di kaya magpagawa ng singsing. “Nagko-customize ba kayo? Apat kasi kami and I decided to get customize friendship bands.”
“We can get the size of your ring finger now if you and I can also show you a lot of designs that he made for friendship bands.”
“Great! Tara na, Ara. Bukas na sila Gina at Wynona.” Excited na tinig ng babaeng kausap ni Eliam. Is that her name? Ara?
“I’ll prepare my things,” sabi ko saka lumakad na kaso hindi ko malaman kung saan dadaan. Sobra akong distracted sa presence niya at naiirita na ako sa sarili ko.
“Uhm, Jay, sa kaliwa yung work room mo,” ani Eliam sa akin.
“I know!”
Damn, I hate being distracted like this!