Amara NAPUNO ako ng pagtataka ng bigla lang yakapin ng babaeng nakasalubong namin si Jayden. Mukhang hindi naman siya kilala ni Jayden kaya naman ako na gumawa ng paraan para paghiwalayin sila. Pakialamera na kung pakialamera pero nakikita ko kasing hindi kumportable si Jayden mas mabuti na ilayo ko na siya. Gumitna ako sa kanilang dalawa at bahagya lumayo dahil hindi ko gusto ang pabangong gamit ng babaeng nangyakap sa kasama ko. Nakita ko ang pagsimangot niya pero wala lang sa akin iyon dahil alam ko naman na mas mataray ako sa kanya. Kilay pa lang alam ko na may panama ako dahil totoo ito, hindi drawing. “Who are you?” Mataray niyang tanong sa akin. “Ikaw ang sino ka? Bakit ka ba bigla-bigla na lang nangyayakap?” Sunod-sunod ko na balik-tanong sa kanya. Hinding-hindi ako matitinag sa