Jayden KANINA pa ako pabalik-balik sa harapan ni Eliam at nag-iisip kung paano haharapin si Ara matapos ang ginawa ko paghalik sa kanya ng nakaraan. Hindi na kami nakapag-usap ni Ara simula ng ihatid ko siya sa bahay nila. Sa loob ng dalawang araw naming pagsasama, naging sobra kaming malapit at kung ano-ano na nga ang napag-usapan. Ngayon, wala talaga akong mukhang ma-i-harap sa kanya. Hindi na nga namin nagawang magpaalam sa isa't-isa matapos ko siya ihatid. "Pumirmi ka nga dito, Jayden. Nahihilo na ako sa ginagawa mo." Tumingin ako kay Eliam matapos ko sumilip sa bintana. Lampas opening time na ng shop pero heto kami at hindi pa rin nagbubukas. "Ano ang gumugulo sayo? Is this about Athena?" Kunot-noo ako tumingin sa aking pinsan. "Everyone knows that she's back in town, cousin. Why? D